5

842 47 0
                                    

"P-pinagttripan mo ba ko?!" Kinalas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero kinuha lang niya ulit ang kamay ko

"Nung panahong umamin ka sa nararamdaman mo saken. Sobrang saya ko non. Pero napalitan din agad ng lungkot nung hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon magsabi ng nararamdaman ko"

Wala akong masabi... hindi ko din alam anong dapat kong maramdaman

"Madaming tanong noon sa isip ko. Ayaw ko nitong nararamdaman ko. Alam mo naman ang nangyare sa magulang ko di ba? Nagkahiwalay sila. Iniwan nila akong mag-isa. Ayokong mapunta tayo sa puntong yon. Pero sa ginawa ko dun din tayo dumirecho.

Sa ilang buwang iniisip mong ginagamit lang kita, ang totoo gusto lang talaga kitang makasama. Sa ilang buwang nagpapakita ako ng ibang babae sayo, gusto ko lang talaga na magselos ka pero tangina. Kada lapit sayo ni Rex gusto ko siyang sapakin. Gusto ko siyang palayuin kahit wala akong karapatan.

Tinataboy ko yung nararamdaman ko pero hindi pala ganun yun. Ikamamatay ko pala yun"

"S-siraulo ka ba?! Kung jinojoke time mo lang ako sasapakin talaga kita. Sumosobra ka na ha!! Hindi nakakatuwa t-"

😳

H-hinalikan niya ko. T-teka lang...

Giovanni's PoV

I kissed her. I closed my eyes and made sure that the kiss would contain all that I wanna say to her. How much I love her, how much I need her. How much I'm longing for her. She's not responding... huli na ba ako?

"Gi-"

The moment she opened her mouth I started to deepen the kiss. I explored her mouth. Pero tinigil ko din agad. Hindi kasi talaga siya nagrerespond. Bumitaw ako sa pagkakahalik sa kanya and looked at her straight in the eyes.

"Mahal kita. Sana naramdaman mo yun"

Minutes passed pero nakatulala lang siya saken. Hindi ko mabasa yung reaksyon niya, kung galit ba siya sa ginawa ko o ano. Napayuko na lang ako.

"A-aalis na lang ako. Sorry kung tingin mo pinaglaruan kita. I guess my confession's too late now..."

Tumayo na ako pero napapikit ako sa hilo.

"Gio! San ka pupunta?! Hindi ka pa okay!"

"Nagulo lang ata kita Denise sorry... I shouldn't have been here"

"Maupo ka!!"

"H-ha?"

"Sabi ko maupo ka!"

I obeyed. Ayoko nang magalit pa siya lalo. Pero nakayuko lang ako ambigat ng paghinga ko ngayon parang sasabog ang puso ko sa kaba.

"Tumingin ka saken!"

Kahit hindi na ko makahinga ng maayos pinilit ko siyang tingnan. Naubos yata ng lakas ng loob ko sa ginawa ko kanina.

"Isang tanong isang sagot seryoso ka sa lahat ng sinabi mo?"

"Oo"

"Hindi mo ko pinagttripan?"

"Hindi"

"Mahal mo talaga ako?"

"Oo pero kung ayaw mo na saken wala na kong magagawa dahil kasalanan ko din naman di ba?"

"Kelan pa? Bakit mo ko minahal"

"Hindi ko alam. Nagising na lang ako isang araw mahal na kita"

"Ehh bakit hindi mo sinabi saken pagkatapos ko umamin sayo tukmol ka?"

"Pano ko nga sasabihin ehh ikaw na yung nagbakod agad agad"

"Kasalanan ko pa?!"

"Hindi sa ganun... s-sinusubukan ko naman sabihin sayo pagkatapos nun ehh, kaso hindi talaga lumalabas sa bibig ko. Naduduwag ako. Natatakot ako"

"Ibig sabihin di mo ko kayang ipaglaban"

"Hindi yun yon! O-oo aminado ako etong mga huling buwan hindi ako sumubok, pero kaya nga ako nandito ngayon ehh... s-sinusubukan ko"

"Pano kung sabihin ko sayong ayoko na?"

"Gagawin ko lahat ng gusto mo para lang mapatunayan ko sayo na nagsisisi ako sa nagawa ko. Kahit pa mabangga ako ng paulit ulit kung yun ang gusto mo gagawin ko. Wag lang yung palayuin ako sayo. Mamamatay ako Denise"

"Teka lang jusko! Kaya ka ba may benda?!"

"Okay lang yan. Hindi naman mahalaga yung sugat ko ehh. Mas mahalaga y-yung nakita kita"

"Tanga ka ba?! Pano kung napahamak ka gago?!"

"Deserve ko naman yun sa ginawa ko sayo"

"Gago! Edi ako ang di mo pinatahimik?!"

Sabi niya sabay hampas sa ulo ko

"Aray!" Napahiga ako sa sakit at sa hilo

"Ayy tanga. Sorry sorry!!"

"Ok lang. G-galit ka saken kaya tanggap ko yung mga hampas na gagawin mo"

Sabi ko ng nakapikit. Nahihilo na talaga ako

"Umayos ka nga!! Kaya mo pa ba?! Dadalhin na kita sa ospital!"

Narinig kong tumawag siya sa reception. Hindi ko na namalayang nawalan ako ng malay

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon