1

2.3K 64 4
                                    

"Mahal kita"

"Bespren..."

"Wag ka mag-alala hahaha iniinform lang kita. Sasabog na puso ko ehh pag tinago ko pa"

"Denise..."

"Brad! Bespren pa rin kita!! Ano ka ba napakaserious mo naman ehh. Ok na ko don kahit friendship lang 😉"

"Sorry."

"Wag kang magsorry brad! Di mo naman kontrolado feelings ko. Naramdaman ko lang to. Support pa rin kita sa lablayp mo!"

"Salamat bespren"

I'm Denise Guevarra. In love with my bestfriend Giovanni Pineda who doesn't love me back. Saklap ba? Hahaha ok lang. Ok na ko sa bespren lang, kesa nganga di ba? 🙃

7 Months... 7 months na kong tanga HAHAHAHA

Paano?

"Bespren!! Tingnan mo ang ganda niya!!"

"Maganda pa ko dyan tss." Mahinang sagot ko sa kanya

"Ha?"

"Sabi ko maganda!! Kaso di ba yan yung hipon dati?"

"Hipon??"

"Yung dating sexy kaso tapon ulo!! Dinaan lang sa retoke!"

"Eto namang si bespren eh!"

"Baket?! Totoo naman!!"

"Hay nako. Ewan ko sayo. Wala ka nang napili para saken 🙄"

"Ako na lang kasi" mahinang sabi ko ulit

"Ha?"

"Wala bungol! Atupagin mo grades mo wag chicks!!"

"Kaya ka nga andyan bespren ehh!!" Sabay akbay saken

"Hoy bespren mo ko hindi tagagawa ng assignment susumbong kita kina ate lei!"

"Wag!! Sige naaa. Libre na lang kita ramen dali!"

"Ulol tigilan mo ko!"

Simpleng akbay niya, simpleng salita, wala na daig ko pa nag triathlon sa bilis ng kabog ng puso ko. Pero putangina hahahaha gago ata talaga tong minahal ko. Nung inamin ko nararamdaman ko mas lalo akong sinasaktan.

Gaga nakuntento ka sa friendship syempre akala niyan ok!!

Umiling ako. Oo na. Pumayag ako. Kahit masakit tinanggap kong kaibigan lang ako. Pero puta sa pitong buwan, hindi ko alam bakit hindi pa ko manhid hanggang ngayon.

Sobrang mahal ko lang ata talaga tong taong to. Wag sanang dumating yung panahon na mapagod ako.

Giovanni's PoV

Mahal ko ang bespren ko. Oo, mahal na mahal ko. Kaso sasagutin ko pa lang siya noong umamin siya inunahan na niya ako. Na ok lang daw na kaibigan ko lang siya. Gustong gusto kong sabihin na ayoko. Gusto ko higit pa don. Pero inunahan ako ng takot na hindi magwork out. Ng takot na baka magkasakitan lang kami. Kaya pinabayaan ko na lang na isipin niyang kaibigan lang siya saken, kahit ang totoo ay hindi.

Tanga ko ba? Pasensiya na. Ang magulang ko nagsimula din sa pagiging magbespren na naging lovers pero ano ngayon nasa ibang relasyon. Magkahiwalay, iniwan ako mag-isa. Ayokong maulit yon, not with my bestfriend. Not with my love.

"Ikaw ulaga ka lalo kayong magkakasakitan sa ginagawa mo" Leo

"Ehh hindi na nga niya ako binigyan ng pagkakataon umamin ehh. Hinarang na agad niya di ba??"

"Porket hinarang titigil ka na?? Hindi mo man lang hahanapan ng butas?"

"Wala ngang butas"

"Tanga! Mahal ka nung tao! Mahal mo rin siya. Anong kaulagaan yan?!"

"Natatakot akong masaktan ko siya"

"Sa ginagawa mo ngayon di ba sinasaktan mo na? Pinapakitaan mo ng pictures ng ibang babae, kunwaring ginagamit mo pa para makapasa kahit ang totoong dahilan gusto mo siya makasama 😑"

"Ewan ko hindi ko na din alam"

"Kung ako sayo, take the risk. Pag nawala tang nararamdaman sayo ni Denise, guho mundo mo."

Hay. Paano? Anong gagawin ko?

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon