26

548 34 0
                                    

Pagkapasok namin sa kwarto ni Gio kita kong hawak hawak niya at itinatayo niya yung sabitan ng swero.

"Hoy bakit nadugo na naman yang kamay mo?!"

"Hehe. Natanggal eh 😬"

"Hahaha. Tawagin ko nurse girl" Tricia

"Sige sige. Nako Gio!!!"

"Sorry na 😣 susunod sana ako sa labas ehh kaso nakalimutan ko dalhin yung sabitan ng swero nahigit tuloy tapos natumba yung stand, natanggal pa sa kamay ko"

"Jusko po itong taong ito 😑 gustong gusto mo bang inaayos ng nurse swero mo?!"

"Ha?"

"Last time na naospital ka tinanggal mo din swero mo Gio 😑"

"Ehhh akala ko naman nun iniwan mo ko ehh"

"Nako maiirita na naman ako sa nurse 😑"

"Baket?"

"Wala leche ka 😑"

"Andito na si ate" Tricia

"Wala bang lalaking nurse?" Bulong ko pero narinig ni Tricia

"Hahahaha girl kalma. Nurse lang yan"

"Naiirita ako 😑"

"Sir ayusin lang po natin swero niyo ah? Kamusta pakiramdam niyo sir?"

"Ah-"

"Ok siya. Sigla nga eh 😑"

"Talaga sir? Buti naman kung ganun!"

"Magaling nurse ko eh hehe"

Aba't namula si ateng. Hoy ako tinutukoy niyan hindi ikaw! 😤

"Ayy si sir bolero hahaha"

"Girl pigilan mo ko papatol talaga ako ng nurse sinasabi ko sayo"

"Hahaha kalma girl."

"Pano ko kakalma aber?! Bat kasi babaeng nurse pinapunta mo? 😑" bulong ko sa kanya

"Ehh siya yung sumama ehh anong gagawin ko girl hahaha"

"Ahm ehem! Ate, bantay sarado kasi yan ng GIRLFRIEND nya kaya ayon ambilis ng recovery"

"Ahh wow. Swerte niyo naman po sir alagang alaga kayo ng girlfriend niyo"

Ako yung nagsasalita si Gio kinakausap. Pwede pasipa isa???

"Swerte talaga ako dyan miss. Lika nga dito baby..."

Lumapit naman ako kay Gio saka tumabi sa kanya sa kama. Kumunot noo ko sa reaksyon niya. Hindi ba kapani paniwala ate?!

Naramdaman ko namang niyakap niya ako pagkatapos siya maayusan ng swero.

"Love you baby"

"Love you too MY BABY" tapos kiniss ko siya sa lips

"Sarap naman non. Pwede isa pa?"

"Ano ba yan mahiya ka kay ate oh nakatingin" tapos tinaasan ko ng kilay yung nurse

"Miss ok na di ba? Salamat!" Gio

"Ahh yes sir! Sige po alis na ko"

"Buti pa nga 😑" bulong ko

Ramdam ko namang nangingiti tong isang to sa inaasta ko. Masaya pa ata?!

Nang makalabas yung nurse agad agad nagtanong si Gio

"Are you jealous??"

"No?!"

"Ases. Halos saksakan na niya ng syringe yung nurse habang nakalapit sayo Gio hahahahaha"

"Heh! 😑"

"You're jealous haha"

"Ano naman ngayon? 🙄 bwisit ehh 😑"

"Nothing. You're cute when you're jealous haha"

Napaharap ako sa kanya

"So ano pagseselosin mo ko lagi?! Para cute ako g-"

😳 he kissed me

"Hoy! Respeto naman may kasama kayo dito!"

"Hahaha sorry Tricia. Can't help it. Napakaganda kasi ng kaibigan mo. Cute pa 😊"

"Talaga??"

"Oo kaya nga kung pwede lang halikan kita araw araw ginawa ko na eh haha"

"Araw araw talaga?!"

*tsup "Opo"

"Hoy sobra ka na!"

"I need energy para makalabas na ko ng ospital baby"

"Energy? Kiss?"

"Oo. Lalo pag galing sayo hehe"

"Ang lalandeeee" Tricia

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon