Collin POV...
Araw, linggo at buwan na ang lumipas ng umalis na ako sa dorm na 'yun. Sa bawat araw na nagdaan mas naging malala pa ang sitwasyon namin ni Max. Kahit na magkaklase kasi kami hindi na talaga kami nag papansinan, itinuring na namin ang bawat isa na hangin lang at hindi nakikita.
Marami narin naman ang nag bago sa akin. Dahil nga sa open na ko sa lahat about sa gender reference ko, mas naging comfortable na ako ngayon. Sa tulong rin ni Hanna nag karoon ako ng full make over na siya namang bumagay sa akin. Dahil sa bago kung look mas marami na ring nakakapansin sa akin. Dagdag mo pa ang mga lalaking gustong manligaw sa akin
Diba ang ganda ko.... Char!
Pero syempre 'andiyan ang mga kaibigan ko na todo pigil sa mga manliligaw ko, lalo na si Third at Nico. Yes! Si Nico yung lalaking na kilala ko sa nightclub a month ago. Nagulat nga ako ng malamang kung nag transfer siya sa school namin, bonus nalang yung naging mag kaklase pa kami.
Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa canteen, kaming apat. Kakatapos lang kasi ng p.e namin
"Grabe! 'yung mga kaklase natin kanina no! Titig na titig sa legs ni Collin" pabirong sabi ni Hanna habang nilalatakan niya ang burger niya
Ang p.e uniform kasi namin ay tshirt na may logo ng university namin at short. Pero napa sobrang iksi ata ng short ko. Hindi ko alam kung bakit ito 'yung binigay sa akin
"Nahihiya nga ako ka nina ehhh!" Sabi ko
"But it suits you" sabi naman ni Third at pumapapak ng stick'O, favorite niya actually, kaya mas nag mumuka pa siyang bata isip bata
"Dapat kasi jogging pants nalang yung p.e uniform dito ehh" reklamo naman ni Nico
"Tsskk! Possessive" pagpaparinig naman ni Hanna
"Boom!" kasunod namang pang aasar ni Third
Itong dalawa kasi 'tong pinipilit na may gusto sa akin si Nico, which is deni 'deny naman ni Nico. Para sa akin si Nico ay tunay at tapat na kaibigan. Hindi dapat bigyang meaning ang lahat ng sweet moves niya. Madalas kasi doon tayo nasasaktan
"Tama na nga 'yan" ani ko, sabay baling ng tingin kay Nico "Diba! mag papasama ka sa akin ngayon, sa tryouts ng basketball team" sabi ko dito
"Ay Oo nga pala" kaagad naman siyang tumayo "sandali lang kukunin ko lang yung jersey sa locker ko"
"Bakit di ka nalang sa Volleyball mag tryouts, ipapasok kita kaagad" pagpigil naman ni Third dito
"Nahh! Thanks! Pero basketball talaga eh!" Sagot ni Nico at umalis na
"Sigurado ka?" Baling naman na tanong sa akin ni Hanna
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya...
"Oo, sa tingin ko" sabi ko dito
***
Bago kami pumasok sa loob ng gymnasium, huminga muna ako malalim at pilit tinatanggal ang kaba sa dibdib ko. Magkikita kami dito at mapapanood ko ulit sya mag laro. Isipin mo nalang na hindi siya nag e'exist
BINABASA MO ANG
Ever After Friend: Max and Collin
Romance( Completed ) This is BxB story, If you are a HOMOPHOBIC type of person, Please! don't read it