Happily Ever After' 6

536 34 1
                                    



Colling POV...


"Hoy! Ba't ba wala ka sa sarili mo, okay ka lang ba?" agaw pansin kung sabi kay Max, kanina pa kasi tong nakatayo sa haparan ko pero kanina parin siya wala sa sarili niya.


"Ahm Oo, okay lang talaga ako" sagot niya


Weird siya ngayon ha!


"Pasok ka" inaya ko na siya sa loob at pina upo


Akala ko talaga hindi na magpapakita si Max sa akin, halos isang linggo 'rin kasi siyang nawala. Curious tuloy ako kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo. Sa tingin ko naman sinunod niya ang sinabi ko sa kanya, at alam ko at nakaka siguro ako na 'yun yung dahilan niya ngayon kaya siya nagpunta rito para linawin ang lahat.


At kung ano 'man ang maging desisyon niya lubos kung tatanggapin 'yun, kahit pa ang maging resulta non ay sakit na mararamdaman ko handa kung tanggapin 'yun. Diba kasi ang pagmamahal hindi dapat sumusukat ng kapalit, kusa at bukal dapat ang pagbibigay ng pagmamahal at kung hindi kaya ni Max na ibigay sa akin ang pagmamahal niya okay lang. At least naranasa kung magmahal ng hindi pinipilit ang sarili ko sa kanya.


Susubukan kung hindi maging awkward ang paguusap naming dalawa, susubukan ko kahit papaano. 


"Naparito ka?" Ako na ang naunang mag bukas ng usapan 


"Crinkles nga pala" Sabay abot niya sa akin ng maliit na paper bag


Hanggang ngayon alam parin niya ang paborito ko, nakakatuwa naman 


"Ilalagay ko lang ito sa lalagyanan nang makain natin, kukuha narin ako ng juice sandali lang" sabi ko dito at tumayo na papuntang kusina


Grabe 'bat ba kinakabahan ako, para namang hindi ako sanay na kausap si Max, dapat umakto lang ako na normal sa harapan niya hindi parang baliw nakakahiya!. Hindi naman ako ganito dati nagsimula lang naman to ng malaman niyang gusto ko siya, mas lumala pa ata. Ngayon palang kaharap ko siya para ng sasabog yung dibdib ko dahil sa tension na namumuo sa loob. Ganito na siguro yung magic ng love, kusa mo nalang mararamdaman ng hindi nalalaman ang dahilan.


Nauna kung inihatid ang crinkles sumunod naman ang juice pagkatapos ay umupo na ulit ako sa harap niya


Kaya mo to Collin, wag kang ma fa-fall sa mga tingin niya, Oo nga't bakla ka pero hindi ka marupok, hindi ka MA-RU-POK!


parang di ko kaya! mata palang kasi ulam na!


"Ano nga pala ang pinunta mo dito" direstong tanong ko dito, kahit na kinakabahan pipilitin kung gawing normal lang ang paguusap namin ayaw kung makahalata siya


MY GOSHH!!! Nakatitig siya sa akin "Gusto kung pag usapan yung tungkol sa atin" sabi niya

Ever After Friend: Max and CollinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon