Happily Ever After '1

817 37 0
                                    





Collin POV...





"Grabe! From 200k subscribers road to 500k na si Max" ani ni Hanna sabay pakita sa akin ng Channel ni Max "At talagang ina'upload niya talaga yung confession video mo ha, hindi kaman lang niya na isip" dagdag pa nito





"Kasalanan ko rin naman" malungkot kung sabi dito habang inaalala ko ang nangyari noong nakarang araw





"Hoy! Ghurl hindi mo kasalanan no! Siya lang talaga 'tong manhid" at siniko pa ako nito sa braso "Basta dahil sa nangyari, I'm so proud of you ghurl atleast ngayon out kana" napa ngiti naman ako sa sinabi ng kaibigan ko, sa mga ganitong pagkakataon kailangan ko talaga ang mga katulad niya.




"Inaalala ko lang yung magulang ko, sa tingin ko napanood na nila 'yung video" nakaramdam naman ako ng pag haplos sa likod ko




"It's okay, ano kaba, sa Sunday sasamahan kita sa inyo okay" nginitian ko lang si Hanna bilang tugon



Mula sa nilalakaran namin tanaw kona ang classroom namin, ang ibang estyudyante naman na nakasalubong namin ay napapatingin sa gawi namin actually sa akin lang. Siguro napanood na ng mga ka schoolmates ko yung video sa channel ni Max. Hopefully sana hindi nila ako i'judge.




Honor student ako dito at hanggang maaari ayaw ko na maapektuhan nang nangyari ang pagaaral ko. Okay lang na kamuhian ako ng mga tao dito basta lang hindi masisira ang pag-aaral ko. Lahat kakayanin ko para sa magulang ko.




"Once na makapasok tayo sa loob, 'wag mo nalang sila pansinin ha!" Tumango lang ako bilang tugon kay Hanna





Pagpasok palang namin 'ramdam ko na nasa 'akin ang atensiyon ng lahat, hinila naman ako ni Hanna papunta sa uupuan namin. Hindi gaya ng nakasanayan ko, simula ngayon hindi na ako 'pwedeng tumabi sa kaibigan ko sa bestfriend ko. Dapat ngayon palang sanayin ko na ang sarili ko na marami ng mababago sa aming dalawa. Hindi pwede itulad ng dati at hindi na kaming pwedeng bumalik sa dati.





"Okay lang 'yan simula ngayon makakasanayan muna na na hindi katabi si Max" muli ay tanging ngiti lang ang sinagot ko kay Hanna





Maaga aga pa naman kaya siguro wala pa ang professor namin, at hindi pa kami marami sa room. Iniikot ko ang tingin ko sa paligid nagbabaka sakaling mahagip ng mga mata ko ang bestfriend ko. At hindi nga ako nagkamali naroroon siya sa dati naming 'pwesto masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaklase kung lalaki. Kinalimutan na niya ako, may bago na siyang mga kaibigan.





Napansin naman ako ng sa mga ka kwentuhan ni Max at tinuro ako nito, tumungin lang ito saglit sa akin at muling bumalik ang atensiyon niya sa mga kaibigan niya at 'nagtawanan' sila. Alam ko na pinag tatawanan na nila ako ngayon, mas masakit 'yung sa ngayon na 'yung akala mong kaibigan mo na magtatanggol sa iyo 'yun pa pala ang makakasakit sa iyo.





Hindi ako maghahangad ng pagmamahal na hindi niya kayang ibigay, pero yung pinagsamahan namin kahit yun lang sana






"'Wag mo nalang sila pansinin" rinig kung sabi ni Hanna




Nginitian ko siya "Salamat Hanna, All this time sa mga ganitong pagkakataon sa buhay ko, hindi ko lubos maiisip na ikaw pa ang tutulong sa akin"






"Ano kaba, ganoon talaga ang ginagawa ng mga tunay na magkaibigan" aniya "at isa pa hindi lang naman ako ang tutulong sa 'iyo no, 'andiyan pa si Third baka nakakalimutan mo naba" dagdag pa niya




Si Third ay isa sa kaibigan namin ni Hanna, kaklase din namin siya at masasabi ko bukod kay Max si Third talaga yung isa sa mga lalaki dito sa room na tinuturing akong kaibigan







"'nga pala kailan ba? dating ng team nila" tanong ko kay Hanna





Varsity Player kasi si Third dito sa university namin, kagaya lang din siya ni Max. Samantalang si Third ay captain ng volleyball habang si Max naman ay Captain ng Basketball, may out of town lang na laban ang group ni Third kaya wala sila ngayon





Siguro ngayon mas madalas ko nang makakasama sila Hanna at Third. Mas magkakaroon na ako ng oras sa dalawa kung kaibigan. Dati 'rati kasi hindi kami mapaghiwalay ni Max. Ngayon nag karoon na kami ng dahilan para putulin ang ugnayan namin. Syempre masakit, kahit sino naman diba. Makita mo lang ang bestfriend mong nakakatawa na sa iba, masakit talaga 'yun.





"Paano ka niyan mamaya, Girls dormitory ako eh! First rule no boys allowed" sabi ni Hanna






"Kahit pinapa 'alis na niya ako, uuwi parin ako mamaya, magpapaliwanag nalang ako" sabi ko naman dito







"Bakit ikaw? kasi ang kailangang mag adjust"




"Ano kaba okay lang"




Isang malalim na hininga nalang ang pinaka 'walan ni Hanna at hindi na ako inosisa pa. Alam ko naman na nag alala lang siya sa akin. Kahit din naman ako nag aalala ako ngayon, saan na ako lilipat ng dorm. Kung desidido na si Max na paalisin ako tiyak kong mahihirapan ako nitong mag hanap ng iba pang dorm kung kailan ba naman nag uumpisa na ang klase, puno na ang karamihan sa mga boys dormitory na malapit sa university. Kung meron mang bakante tiyak kung malayo na 'yun sa university na pina pasukan ko.





"Good morning class!" Bungad sa amin ng kakapasok lang na professor namin





"Good morning" Chorus naming sagot





"By the way before ako mag discuss ng topic natin, I recently watch the vlog of Max and..."






Pati ba naman ikaw prof, bakit kailangan mo pang i'open ang topic na 'yan.





"And I'm proud of you Collin" nagulat naman ako dahil sa sinabi ni prof, at mula sa peripheral vision ko ay tanaw ko ang ibang block mates ko nasa akin na naka tingin "mahiram man ang mag out para sa mga kagaya mo but atleast you make did it" dagdag pa niya, napangiti naman ako sa prof namin






"I agree, proud din kami sa iyo Collin, hinarap mo ang takot mo" sabi naman sa akin ng isa sa mga ka block mates ko, mas lalo naman lumaki ang ngiti sa mga labi ko at parang may namuong tubig sa gilid ng mga mata ko






"And for you Max, hindi muna ni respeto ang privacy ng tao" ngayon ay kay Max naman ang atensiyon ng lahat






"Tssk!" Dala ang bag niya ay nag walk out si Max






Ibang iba na siya dati....


***



Naka lock ang pinto ng dorm namin ng pihitin ko ito, akala naman siguro ni Max wala akong duplicate ng susi nito. Speaking of Max hindi siya pumasok buong hapon, hindi ko alam kung ano nga ba ang totoong nangyayari sa kanya. At sa oras na pumasok ako sa loob hindi ko na alam ang g agawin ko, ngayon palang kinakabahan na ako



Kaya mo to! Collin, Isipin mo lang siya parin ang bestfriend mo, ang minahal mo



"Bakit umuwi ka"



"Wala pa kasi akong mahanap na dorm"




"Pwes! Hindi ka pwede matulog sa loob, diyan ka sa sofa" sabi ni Max sabay pasok sa loob ng kwarto, binalibag niya ito ng malakas at ini 'lock pa




Ang sakit pala... bakit ba kasi dumagdag pa ako sa mga tangang tao na na fall sa bestfriend nila




Ever After Friend: Max and CollinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon