Finally
Collin POV...
"Collin, hindi na kitang hahayaang mawala pa sa akin, Mahal na mahal kita" sabi nito at nakatayo na sa harap ko kahit may luha nang tumutulo sa akin ay nakangiti ako dito
"Gusto ko marinig ko at ng lahat ng nang narito ang sagot mo" sabi nito sabay hinga ng malalim "Wi-will you be my Boyfriend, Husband partner in life forever and ever"
Mas lalo naman ako napa luha sa sanabi ni Max na surprise talaga ako "Ye-yes, Oo Max" nakangiti kung sabi dito
Bigla nalang akong niyakap nito at "Salamat Collin, Mahal na mahal kita" Bulong niya
"Mahal na mahal din kita" sabi ko dito, nakarinig naman kami ng palakpakan ng mga tao
Tumingin ulit ito sa akin at saka ako hinalikan...
"Collin. Hoy!"
"Collin! Hoy"
Napabalik nalang ako sa sarili ko ng makaramdam ako ng pagpitik sa Noo ko, ang sakit noon ha
"Tulala ka na naman diyan" napatingin ako sa katabi kung si Hanna habang hawak ko parin ang noo ko na pinitik niya "Ano naman niyan day-dream, buti talaga hindi ka napansin ng proof natin kanina na hindi ka nakikinig kung hindi mapapagalitan ka na naman noon" sabi nito habang nag aayos ng gamit
"Sorry naman okay" sabi ko dito at inumpisahan narin ang pag-aayos ng gamit ko "Hindi ko talagang mapgigilang isipin si Max" sabi ko pa
"Bakit ba kasi hindi mo pa sabihin sa bestfriend mo na bakla ka, na gusto mo siya" senenyasan ko naman ito na baka marinig siya ng iba naming kaklase "Ang aking lang naman para hindi kana mahirapan" sabi nito
"Hindi naman kasi ganoon kadali 'yun, yung pagkakaibigan na nga lang namin ang pinanghahawakan ko, baka kapag umamin ako mawala pa" sabi ko dito
"Hay nako! ikaw ang bahala panapayuhan lang naman kita" sabi nito sabay sukbit ng bag "Speaking of Max, nasa labas siya hinihintay ka"
"Bakit may class pa tayo diba" nagtatakang sabi ko dito
"Oops! wag mong bigyan ng meaning 'yun, puntahan muna hintayin nalang kita sa next class natin"
Nauna nang lumabas sa akin si Hanna, habang ako hindi ko maiwasang kabahan. Ano ba naman kasing ginagawa ni Max dito, kinikilig tuloy ako char!
Para namang may pag-asa ako sa bestfriend ko, eh mas straight pa nga yun sa pole eh!
"Bakit nandito ka" cold kung bungad kay Max, paano naka pulupot kasi sa kanya ang makati na si Lyca girlfriend niya, malangsa naman ang ugali
Na iinis ako, nag seselos ako
"Mainit na naman ulo mo dude" sabi nito sabay tap sa balikat ko "pumunta ako para sabahin na hindi ako sa dorm matutulog mamaya, kanila lyca ako magpapalipas ng oras" sabi nito
Papalipas oras o papalipas libog
"Diba mag sho-shoot tayo mamaya ng vlog" sabi ko
"Yun nga yung pinunta ko, hindi muna matutuloy yun may next time pa naman ehh" sabi nito "paano una naman kami dude" sabi niya sabay alis nila ng ahas niyang jowa
Naiinis talaga ako, nasira na ang araw ko
Kung bakit ba kasi hindi nalang nagka-totoo yung Day-Dream ko about sa amin ni Max
Sana masaya kami ngayon!!!!
BINABASA MO ANG
Ever After Friend: Max and Collin
Romantiek( Completed ) This is BxB story, If you are a HOMOPHOBIC type of person, Please! don't read it