Max POV...
Ayaw ko mang aminin at gustong gusto ko itanggi na nandidiri ako sa paghalik ko kay Collin pero kabaliktaran yun ng nararamdaman ko. Gusto gusto kung angkinin ang malambot at matamis niyang mga labi. Gustong gusto kung papakin ito at sabihin na simula ngayon sa akin lang siya pwedeng mag pahalik. Kung sana noon ko pa nalaman na ganito siya kasarap halikan, sana noon palang, sana noon pa!
Tang *ina Nababaliw na ako! Nababaliw na ako sa sarap
Naunang kumawala sa halikan naming dalawa si Collin. Perehas kaming hinahabol ang hininga namin. Habang ang noo naman naming dalawa ay magkadikit at nakatingin kami sa isat isa.
Napangiti ako "Isa pa, Binitin mo ko" hingal ko paring sabi
"Hanapin mo muna ang sarili mo Max" naka ngiti at habang ina ayos ang sarili niyang pagkakasabi
"Tang ina naman! Collin" daing ko dito dahil sa ginagawa niyang pagbitin sa akin
"Ngayon nagiging possessive ka, hindi ko alam na may gayang ka palang side" sagot nito sa akin "Max, kausapin mo nalang ako kapag ready kana" dagdag pa niya
"Para saan pa!"
"Max, ako tong kahalikan mo, na realize mo bang lalaki ang kahalikan mo, ang gusto ko lang alamin mo muna ang sarili mo, hanapin mo ang sarili mo, ayaw kung umasa lang sa wala, mahirap umasa sa taong nag papaasa" aniya "sa tingin mo, kaibigan ba yung tingin mo sa akin habang hinagalikan mo ako o higit pa"
Dahil sa mga narinig ko sa kanya, parang may parte sa sarili ko ang sumabog. Bakit nga ba galit na galit ako sa kanya, dahil ba sa Nico na iyun o baka kasi nagseselos ako! Teka bakit ba ako magseselos tang'ina nakaka hiya ito.
"Kausapin mo ako kung ready kana" sabi niya sabay labas ng locker room ni hindi na niya ako nilingon pa
Tanga! Yan lang ang pwede kung itawag sa sarili ko. Bat ba padalos dalos ako ng desisiyon. Hindi man lang ako nakapag isip.
Matapos ang pagtakwil mo sa kaibigan mo Max.
Arrrghhh! Naiinis ako sa sarili ko, bakit kailangan mangyari to. Sa lahat pa naman bakit kay Collin pa.
***
Isang linggo na ang nakakalipas ng simulang mangyari ang mainit na tagpo na iyun sa pagitan namin ni Collin, fuck bakit ba ganoon ko nalang kung maipaliwanag 'yun, Bwesit kasi na labi na iyun ni Collin
Binabaliw ako!
Sinunod ko rin ang sinabi niya na hanapin ko muna ang sarili ko, wala naman sigurong masama at wala namang mawawala sa akin. Umalis muna ako ng dorm kasi kapag doon ko hahanapin ang sarili ko mas lalo ko lang ma alala si Collin na siya ring nagpapagulo sa akin. Hindi ko na alam kung ano na ba tong nararamdaman ko.
Fuck! Kapag pinag patuloy ko ba itong nararamdaman ko, Magiging makasalanan na ako
Paano naman ang kaligayahan ko, alam kung siya lang ang makakapagbigay 'nun sa akin
Baliw! Matapos ang lahat ng sinabi ko sa kanya at itakwil siya
Hahahaha! Nababakla na ata ako! Pero kung para kay Collin handa akong magpaka'bakla
"Kanina pa kita tinatawag! Kakain na" Bungad sa akin ni Mommy ng pumasok ito sa kwarto ko
"Hindi pa naman po ako gutom" sagot ko dito at napabalikwas ako ng upo sa kama ko
BINABASA MO ANG
Ever After Friend: Max and Collin
Romance( Completed ) This is BxB story, If you are a HOMOPHOBIC type of person, Please! don't read it