PROLOGUEA man named Jonathan Blake jr. Son of Jonathan Blake sr. And COO(Chief Operating Officer) of BlakeCola™ accidentally falls inlove with Naomi Lilian Quizon Daughter of Slynderia Quizon and Mar Quizon also COO of DazzleCola™ the rival company of BlakeCola™.
Chapter 1
Maganda ang sinag ng araw nang magising si Jonathan o Nathan masaya ang kanyang paggising ngunit ang kanyang ama ay tila nagagalit na.
Kaya't itinanong ni Nathan kung ano ang problema "Pa.. Kay ganda ng araw ano ang rumaragasang galit sa iyong isipan?"
Sinagot siya ng kanyang ama "Pano ba naman bumaba ang ating sales dahil sa bagong timpla ng DazzleCola."
Nagisip si Nathan kung ano ang kanyang maaring isagot. Umupo nalamang si Nathan at kumain sapagkat wala siyang maisip na puwedeng gawin upang tumaas ang sales.
Ngunit ang galit ng ama ni Nathan ay hindi pumigil sa ganda ng kaniyang araw, hanggang sila ay dumating sa kanilang opisina tila nagkakagulo ang lahat, dahil ang isang truck na shinipment papuntang Cagayan ay nadisgrasya nagkakagulo ang lahat sapagkat walang haharap sa medya sa labas ng kompanya.
Nang dumating ang mag ama agad silang pinalibutan ng medya at itinanong "sir.. sir... sir ano pa ba ang naturang dahilan bakit nadisgrasya ang inyong shipment?"
Agaran naman itong sinagot ni Nathan ang medya "wala pa po kaming nabubuo o nadidiskubreng dahilan ng pagkadisgrasya ng aming shipment truck sa Cagayan sapagkat ito pa lang ay aming lulutasin at hahanap ng dahilan."
Agad ring umakyat sa opisina ang mag ama upang maiwasan ang malalim na diskusyon tungkol sa nangyari.
Pagkaakyat sa opisina napasigaw ang ama ni Nathan" Ano ang nagyayari sainyo?! Bakit lahat kayo'y nagkakagulo?! Tawagin mo si James,bilisan mo Aubrey. "
At tumakbo papalapit si James kay Jonathan Sr. At siya ay tinanong nito" may nabuhay ba mula sa disgrasya? "
Sumagot ito" Isa lamang po ang nabuhay sir Jonatahan si Reymark Santiago ang driver ng ating delivery truck. "
Muling nagutos si Jonathan sr. kay Aubrey at James" Mabuti pa gawan nyo na ng insurance yan na bigyan nyo ng pampa ospital at pinansya para sa kanyang pamilya."
Hmm hindi naman pala talaga maiinitin ang ulo ni papa sadyang stress lang talaga siya,pero paano kaya nadisgrasya ng aming delivery truck samantala ito ay laging ichinecheck ng maintainance? Mukhang may sumabotahe sa aming truck, maaring ang kabilang kompanya ang sumabotahe hmmm...
Nagtago na ang araw at sumilip na ang buwan lumamig na ang gabi nauna nang umuwi ang ama ni Nathan habang si Nathan ay pumunta sa kanyang paboritong tindahan ng libro at muling bumili ng libro upang basahin pagkatapos bumili nagtungo si Nathan sa isang Coffee Shop dalwang kanto lamang ang layo mula sa tindahan ng libro.
Pumasok si Nathan sa Coffee Shop dala ang pagod na katawan nya lumapit siya sa counter " miss isa nga pong latte."
Sinagot siya ng waitress "right up po sir,"
Habang naghihintay binunot ni Nathan ang kanyang cellphone at tinext ang kanyang girl friend na si Cristina Marie Española isang manager ng kompanyang BrothersCoffee™
BINABASA MO ANG
A Modern Love Story (Modern Love Series #1)
RomanceLove has no limits, and pain has no specific target. Dont be fooled by your heart, the consequences can be life changing. As a businessman fell inlove with the girl of his very desire, while also being haunted by the past. A clothesline owner feels...