4

19 3 0
                                    

August 26, umuwi si Nathan ng alas kwatro ng umaga mula kila Cristina.

Pagkauwing pagkauwi ni Nathan isang balita ang bumungad sa kanyang pagpasok ng tahanan.

Pagkapasok ni Nathan sa kanilang bahay agad itong sinalubong at kinausap ng kanyang tatay na umiiyak "Nathan, namatay na ang tito Klaro mo,"

"Kailan pa ho pa?"

"kaninang alas diyes lang ng gabi, nagulat nga ako kaya ito pinahanda ko na ang dadalhin natin para sa pagpunta natin dun,"

Naiyak si Nathan habang paakyat sa kanyang kuwarto at napabulong sa sarili "bakit? Bakit? Bakit ngayon pa?"

Agad na nagayos ng gamit si Nathan para mamaya nang biglang tumawag si Cristina sa kanyang telepono

*Rings*

Sinagot ni Nathan ang tawag at agad napansin ni Cristina na umiiyak si Nathan kaya't tinanong nya ito

"Oh bakit ka umiiyak babe?may nangyari ba?"

"namatay na kasi si tito Klaro, kaninang alas diyes lang, siya kasi ung tito ko na pinakamalapit ako,"

*patuloy ang paghagulgul ni Nathan*

"Okay lang yan babe kailangan nalang nating tanggapin yan, pupuntahan kita jan ngayon,"

"Hindi na, pupunta kami ni papa dun kila tito,"

Nagdalawang isip si Cristina kung sasabihin niya bang sasama siya ngunit mas pinili nalang nitong huwag sumama para sa kapakanan ng privacy ni Nathan

"sige na, aalis na kami, bye babe i love you,"

Tinawag si Nathan ng kanyang tatay "Nathan, halika na anak malayo pa ang pupuntahan naten,"

Nagtungo na ang mag ama at ilang mga katulong patungo sa Clark Airport sa pampanga mula sa Angeles City.

Sumakay sila ng Eroplano patungo sa Davao City. Mahigit dalawang oras ang biyahe sa eroplano at trenta minuto sa sasakyan patungo sa bahay ng kanyang yumaong tito.

Nang makarating ang mag ama agad silang sinalubong ng asawa ng yumaong tito ni Nathan na si Lameria D. Blake.

Humahagulgol sa iyak ang mga tao roon kaya't dumistansya muna si Nathan doon, nang bigla siyang lapitan at tabihan ng isang babae, tinapik siya nito sa balikat at sinabing "ang unexpected talaga ng mundo noh Nathan,"

Nagulat si Nathan sa pagkakatpik sakanya sapagkat ang babaeng iyon ay kaniyang kababata na si Janice R. Acosta, 27 years old kasing edadan lang ni Nathan.

Isa itong Doktora sa isang ospital sa Davao City. Naging magkalapit na magkaibigan ito at si Nathan noong sila'y bata pa.

Balik sa storya, nagulat si Nathan nang tapikin ito ni Janice, agad namang tumugon si Nathan sa mga sinabi ni Janice "Oo nga eh sobrang daming sorpresa Janice sobra,"

"Long time no see Nathan ah,"

"Oo nga eh," napangiti at napahawak sa batok si Nathan

Agad naman tumayo si Janice at inaya si Nathan na maglakad lakad sa paligid "Tara Nathan sama ka?"

"saan?"

"lakad lakad, to clear your mind,"

Agad rin naman sumangayon si Nathan at tumayo.

Habang naglalakad napatanong si Janice "ano trabaho mo? mukang ang yaman mo na ah,"

Kinuha ni Nathan ang calling card nya at ipinakita kay Janice

Nagtaka si Janice at nagtanong "Ano toh?"

"trabaho ko COO, blakecola™,"

"ahhh ganda ganda,"

"ikaw ano trabaho mo mukang sa ospital ka ah,"

"Oo doktora ako dun sa ospital na yon kita mo ba yon,"

Napatango si Nathan at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngunit biglang nagaya si Janice na kumain

"Kumain ka na? Kain tayo,"

Umiling si Nathan "Hindi kakakain ko lang kanina,"

Ngunit pinilit siya ni Janice "Kanina pa yon iba yung ngayon dali libre ko,"

Sumangayon na si Nathan dahil pinipilit ito ng pinipilit ni Janice.

Habang kumakain napaisip si Nathan "Ano na kayang lagay ni Cristina ngayon?"

Tatawag na sana si Nathan kaso bigla siyang hinila ni Janice

"Oh nakapagbayad ka na ba Janice?"

"Oo, tara na uwi na tayo sigurado ako hinahanap ka na doon,"

Naglakad na sila pauwi sa kanilang mga bahay, pero magkalapit lang sila ng bahay kaya't sabay na silang naglakad pauwi.

Alas kuwatro na ng hapon nang makarating si Nathan at si Janice

Pagkapasok sa bahay agad tinanong ng kanyang tatay si Nathan" Oh anak saan ka galing? Kumain ka na ba?"

" Opo pa inaya ako ni Janice kumain, "

" Aba eh asan nga pala si Janice? "

" Sa kabilang bahay lang Pa, "

" ahhhh ganun ba oh sige anak maglibot libot ka muna at alam kong hindi ka nakapunta dito ng matagal na panahon na, "

Nagpasama si Nathan kay Janice umabto sila hanggang alas siyete sa labas, kakakain at kakalibot sa buong Davao City.

Nang makauwi sila alas diyes na ng gabi, kaya't naisipan ni Nathan tumawag kay Cristina ngunit isang nakakabahala at hindi nakakatuwang nangyari nang sagutin ni Cristina ang telepono.

Tila si Cristina ay umuungol at may kasamang lalaki at nakikipagtalik agad binaba ni Nathan ang tawag at dahan dahang binaba anh kanyang telepono sa lamesa.

Agad tumakbo si Nathan sa labas at napaluhod at napabulong "bakit ganito ang kapalaran at tadhana, hindi ka maintindihan bakit ganito, bakit nangyari sakin to,"

Sumuntok sa buhangin si Nathan at bumulong "Putangina,"

Nagtaka ang mga tao sa lamay kung bakit tumakbo si Nathan kaya't tinignan ni Janice ito at nakita si Nathan na nakaluhod sa dalampasigan.

Kinausap niya ito "Nathan, Nathan tumayo ka jan Nathan halika halika pagusapan natin ano nangyari,"

"ayoko, ayoko na sinaktan nya ako, nagawa niya sakin yon habang ako hinding hindi magagawa yon putangina,"

"Ano ba Nathan tumayo ka na pinagtitinginan na ka na ng tao halika na,"

Pinaupo ni Janice si Nathan upang pagusapan ang nangyari.

"ayoko muna pagusapan," umalis si Nathan at pumasok sa kwarto nito

Sumikat na ang araw dinalaw ni Janice si Nathan ngunit tulog pa raw ito ika ng kanyang Tatay "Tulog pa si Nathan, magdamag ngang humahagulgol alas kuwatro na nga ata nakatulog, mamaya mo nalang siya puntahan kaya?"

"Sige po tito, aalis na po ako,"

Sumigaw ang katulong "Sir Jonathan si sir Nathan ho malakas ang lagnat,"

"alagaan mo na ang sir Nathan mo,"

"Sige po,"

Sumagot si Janice "Ako nalang po mag aalaga kay Nathan baka po napagod kakalakwatsa namen at nabigla ren umiyak tas para natulog ng pawis,"

"Manang pagtimpla mo nalang ako ng kape, at si Janice na raw ang magaalaga kay Nathan,"

Pumasok si Janice sa kuwarto ni Nathan at pinunasan ang noo at katawan ni Nathan ng basang panyo pinalitan narin nito ang damit ni Nathan.

Nang matapos hinalikan ni Janice si Nathan sa noo bago umalis, ngunit nagsalita si Nathan ng bigla" Maraming salamat, "

Napairap nalamang si Janice sa likod at napangiti't napapikit at tumuloy na sa paglalakad at umuwi na ng bahay.

To be continued-------

A Modern Love Story (Modern Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon