The End

1.4K 28 10
                                    

A/n : Haisst .. Nakakaloka , 1month na pala ang nakaraan . Mahaba-habang pahinga . How are you guys ?? Okay pa ba kayo ?? Last na pong chapter ito samahan niyo po ako at tunghayan ang ending at baka magka part 2 . 

Read also : Palaban Girl MEETS Palaban Boy - KimXi

ENJOY :)

Kimberly Sue Yap Chiu P.O.V

Sa paglabas ng aming munting anghel , naging sobrang saya ng lahat . Lalo na ang asawa ko , I never saw Xander like that , he is really happy and he is really enjoying our child . Lahat ng pagsasakrepisyo ay nasuklian ng sobrang kaligayahan , paraba ang lahat ng sakit na naramdaman ko maging ang sakit na daladala ko sa dibdib ay pawang nakalimutan ko sa sobrang kaligayahan . 

Nagsaya ang lahat sa pagdating ni Baby William . Yun ang pinangalan ng aming mga magulang . Kapangalan ng prinsipi ng Englatera . Halos hindi na mawalay ang mga lolo't lola sa kanilang apo tuwang-tuwa sila . 

After 2 days na pananatili sa hospital ay lumabas din kami at hinarap ang buhay ng may pamilya kami ng asawa kong si Xander at aming anak na si William . Sa bahay namin naghihintay ang isang napakalaking pagdiriwang na pinamunuhan ng mga makukulit kung kaibigan . They welcome home us warmly and they prepared a lot of food that we can also celebrate for our baby . 

Tulad nga ng inaasahan ; nagkasayahan ang buong pamilya kasama ang mga kaibigan at malalapit na kamag-anak ng pamilya . Masaya nila akong binati at si Xander dahil isa na kaming ganap na magulang , pinapayuhan pa kami ng mga may anak at pamilya na alagaan at mahilin at laging kapakanan ng anak ang uunahin . Maging mas malawak ang pang unawa ng bawat isa lalo na kung walang madinding dahilan para magduda sa partner . Hindi lang sarili ang iisipin dahil may anak kaming dapat intindihin at kailangan pag may mga problema ay magkasamang harapin , pag usapan at resolbahin . Hindi basta manghuhusga hanggat walang kasiguraduhan dahil kahit maliit na problema ay maaring magdulot ng isang malaking suliranin . Dapat laging nag-uusap at laging pinagpaplanuhan kung anong mabuting gawin . Opo lang naman ako ng opo sa kanila kahit papaano naman ay nabuksan nila ang isip ko patungkol sa wag muna manghuhusga kung walang madinding ibedensya na magsasabi kung totoo nga ba ang hinala mo . Inaamin ko dun ako nagkamali and I accepted my wrong .

Samantala pagkatapos ng pagsasalo-salo at kwentuhan ay umalis ren sila kami naman ay inakyat na sa nursery ang aming munting angel . Tulog na tulog si baby William . Paano ba naman napagod sa mga lola na kahit alam na hindi pa nakaka kita at nakakapaglaro ay hyper sa pakikipaglaro ang dalawang lola . Kinakausap nila at hinahawakan ang munting mga daliri . Tingin ko paglaki ni William ay magiging spoiled sa grandparents super love kasi nila .

Hon. Tara na sa room natin para makapag pahinga kana rin . - sabi pa ng asawa ko . Parang gusto ko lang talaga tumayo dito at pagmasdan ang pagtulog ng aming baby . Pagod ako oo pero hindi mapapantayan ang ligaya at tuwa ko pagnakikita ko si William , gumagaan ang pakiramdam ko at hindi ako ako makaramdam ng ano mang kapaguran .

 Can we stay for a while . Gusto kong pagmasdan pa si William . And I can't take my eyes off of him he's such a happiness to me . I feel completed at wala na akong hihilingin pa kundi ang kabutihan niya at mapalaki siya ng malusog at may  takot sa diyos . Mapagmahal at maalalahanin sa magulang . - iba talaga ang feeling ng isang ina . Hindi maipaliwanag ang saya at galak . 

A Parental Wedding Story - kimxi (APWS)  "Editing"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon