"Are you okay?" Sabi niya
"I'm fine" tipid kong sabi at naghugas ng kamay.
"Ah? Sabay na tayo pabalik?" Nag-aalangang tanong niya sakin.
"Let's Go" sabi ko at umuna na. Sumabay naman siya sakin. Nang makarating kami dun ay tumabi ulit ako kay ate Mika.
"Ate, Gusto ko na mag-gym" bulong ko kay ate Mika.
"Okay lang ba kung yayain natin sila?" pabulong nya ding sabi sakin
"Go" tipid kong sabi sakanya.
"Ah. May gagawin pa kayo mamaya?" Tanong ni ate Mika
"Mag-ggym kasi kami mamaya baka gusto niyong sumama?" Dagdag niya pa.
"Ah sure sama kami" sabi ni Ate Ly
"Kayo Cy? Jema?" Tanong ni ate Mika
"Sure sure sama kami ni Cy" sabi nito.
"Kita kita na lang tayo sa BGC" Sabi ni Kuya Kyo
Tumayo na sila ate Mika. Umuna na sila kuya Ashton at Joshua kasama si Julia Baretto at yung kaibigan niya.Naglalakad na kami papunta sa sasakyan kasunod namin sila.
"Ate Mika, Kuya Kyo. Hindi na ako sasabay" sabi ko sabay beso sa kanila.
"Ate yung tshirt ko basa yan ah" dagdag ko pa
Ayaw ko na lang sumabay dun. Sira na nga mood ko masisira pa lalo. Nakita ko kasing sumakay din sila Julia Baretto dun kaya mag tataxi na lang ako. Nung makaalis sila kuya. Saka ako pumunta sa waiting area para sa sasakayan ng taxi. May nakita akong malapit na taxi. Paparahin ko na sana pero biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko.
"Sabay ka na sakin" Nakangiting sabi ni bea
Kaya sumakay ako at nagpasalamat"Bakit hindi ka sumabay sa kanila?"
"Isn't it obvious? Ayaw sakin ni Julia at nung kaibigan niya" nakangiting sagot ko.
"I know. Pero bakit hindi mo pinagsabihan yung babaeng bumunggo sayo kanina?" Nagtatakang tanong niya sakin.
"May mga bagay na mas madaling wag na lang gantihan or sabihan. I will not look down to their level" sabi ko
"Totoo nga ang ilan sa sabi nila about you" nakangising sabi niya. Nangaasar.
"Really? Ano ano naman yun?" Tanong ko.
"You are cold. Cold enough to ignore everything. At sabi nila Nilalayo mo yung sarili mo sa lahat. Dati hindi ko magets yun. Pero ngayon naiintindihan ko na. Para bang ayaw mo kong/kaming mapalapit sayo" paliwanag niya
"Dami namang sabi sabi tungkol sakin" natatawang sabi ko.
"Tara andito na tayo" dagdag ko. At bumaba.
Nakita ko naman agad yung mga kasama namin kaya pumunta ako dun. Nakasunod naman sakin si Bea. Tinignan ko yung cellphone ko tsaka nagtext sa driver ni kuya na ihatid dito sakin yung car ko. Hindi naman na nagtext si Mommy sakin. Kaya itinago ko na ulit yung cp ko. Nababadtrip na ako at inaantok tss. Hihintayin ko na lang yung driver sa loob.
Lumapit ako kay ate Mika."Ate manonood na lang ako sa inyo" sabi ko. Tumango na lang sya sakin at kinuha damit nya pampalit
Pumasok na kami sa gym. Hindi na ako nag bihis hindi naman ako sasali. Umupo na lang ako dun sa may tabi at nagsalpak ng earphone at pumikit. Inaantok na ko. Napatingin ako sa cp ko kasi nagvibrate may nagtext.
Kuya's Driver
Ma'am andito na po ako.
[Sent 7:00 pm]Nagreply ako na pumunta na lang siya dito. Pumikit na lang ulit ako. Makakatulog na sana ako pero may kumulbit saakin. Nagangat ako ng tingin
"Ma'am andito na po ako" sabi ni kuya
"Magpapaalam lang ako"
May katabi pala ako si Bea.
"Una nako. Nawala ako sa mood e" sabi ko sabay ngiti at kumiss naman siya sa pisngi ko. Ngumiti din naman siya at tumalikod na ako pumunta ako kay Kuya Kyo.
"Kuya! Una na ako. Sa bahay na lang" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
Tumingin naman ako sa mga kasama namin at mga nakatingin na pala sakin
"Una na ako, nice to meet you all" sabi ko sabay talikod.
Pupunta na lang ako sa coffee shop hahaha. May libro kasi dun. Libreng ipinapabasa. Basta umorder lang. Lagi ako dun, hindi ako nauwi kapag hindi ko pa natatapos yung isang libro. Kapag badmood or wala akong magawa.