Pagkatapos ipamigay yung mga kailangang ipamigay ay nag-aya si Ate Ly mag Bar mamaya. Madaming kasama. Pero kami ni Ash Depende sa panahon. Joke sasama kami syempre. Malapit na magpasukan e next week.
Nasa Condo na kami ni kuya Loel kasama ko si Ash."Baby. Anong susuotin mo mamaya? Wala kang damit dito oh?" Sunod sunod kong tanong
"Dadalhan ako ni Ate Mika ng damit" sagot niya at dumeretso sa bedroom sumunod naman ako pagpasok ko ay nakahiga siya kaya humiga din ako at niyakap siya. Nagkatinginan kami at Hinalikan ko siya. This is not our first kiss. Ititigil ko na sana kasi hindi siya tumutugon pero bigla siyang tumugon i kissed her hard at punong puno ng pagmamahal, bago pa mapunta sa kung saan ang halik na yun itinigil ko na at hinalikan siya sa noo.
"Let's sleep" nakangiting sabi niya sakin. Pumikit na siya at niyakap ako. Napangiti na lang din ako at unti unting nilamon ng antok.
Nagising ako dahil may halik ng halik sakin sa pisngi sa noo at sa labi.
"Baby wake up!" Sigaw niya sakin
"Tumawag na si ate Ly nandun na daw sila sa Bar, nakaalis na din si ate Mika" sabi niya sakin. Kaya naman bumangon na ako. Nasa tabi ko na si Ash nakaupo din.
"Nakaligo kana?" Tanong ko at umiling siya.
"Una ka na? Or una ako? Dagdag kong tanong.
"Una nako babe" sagot niya sabay pasok sa C.R.
Tinignan ko muna yung cp ko habang hinihintay siya. Nagtext si ate Ly.Ate 'Captain' Ly 💙
Beadel! Nandito din ang UST. Asan na ba kayo ni Ash?[Sent 7:00 pm]
Nagreply ako kay ate Ly na papunta na kami at Naligo na lang ako sa may Kitchen dalawa naman C.R dito e. Ayoko namang paghintayin ng matagal sila ate Ly.
Pagkatapos kong maligo lumabas na ako at dumeretso sa Bedroom. Syempre nakabihis na ko.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakabihis na din si Ash.Simple lang naman suot ko at suot niya. Parehas kaming naka-Jeans. Pero nakacrop top siya na yellow. Ako naman naka simple tshirt lang. Nakalugay kami parehas.
"Tara na baby" sabi niya.
Inakbayan ko naman siya at nagcling yung kamay niya sa waist ko habang naglalakad kami palabas ng condo.
Dumeretso kami sa Elevator nasa 9th floor kasi kami. Pagkababa namin sa elevator pumunta na agad kami sa car ko syempre pinagbuksan ko siya ng pinto at umikot ako papunta sa Driver seat. Ako ang magdadrive pwede naman na 18 na ko.
Malapit lapit lang naman yung Bar sa condo ni kuya kaya nakarating kami agad.
Pagpasok namin sa Bar. Inakbayan ko agad siya."Nakita mo sila?" Tanong niya. Umiling naman ako kaya isinenyas niya phone. Tatawagan niya sila ate Ly.
"Nasa VIP daw sila. Tara" aya niya sakin. Ugh clingy ng baby ko nilagay niya sa waist ko yung kamay niya kaya inakbayan ko siya. Dumeretso kami sa VIP. Pagdating namin dun andun din yung UST.
"Ay baby nagtext pala si ate Ly sakin andito din yung UST" sabi ko kasi nagtatakang nakatingin siya dun. "Nakalimutan kong sabihin kanina" sabi ko at sinimangutan naman niya ako.
"Anjan na pala kayo! Usapan 6:30 hindi 8:00 pm!" Natatawang sigaw samin ni ate Den.
"Ang bagal kasi ni Bea ate Den!" Sabi ni Ash sabay irap sakin.
Umupo kami at nagkukwentuhan ng magsalita si ate Ly
"Let's Play! Truth Or Dare" Pumayag naman ang lahat kasali din ang ilan sa UST. Napatingin ako kay ate Ly nakangiti siya sakin ng nakakaloko. Sinimangutan ko naman siya.
"Kapag Truth Inom muna bago sagot walang pero, pero. Kapag Dare naman gagawin mo syempre pero pag hindi mo kaya Iinom ng Alcohol 'tequilla' " nakangiting sabi ni ate Ly
Nagstart na kami at pinaikot na ni ate Ly yung plastic bottle at tumapat kay Ej."So Ej, Truth or Dare?" Tanong ni Ate Den.
"Truth" mabilis na sagot ni Ej.
"Ako magtatanong!" Sabi ni ate Ly. At ngumiti ng nakakaloko. "Kung magkakagusto ka sa babae, sino sa tingin mo ang magugustuhan mo?"
Halata ang gulat sa mukha ni Ej. Tapos tumingin siya sakin at umiwas agad. Uminom muna sya Sabay sagot. "Siguro Si Bea"
Napatingin naman ako kay Ash dahil ininom niya yung isang shot ng tequilla.