Nagkasagutan kami ni mommy kanina dahil daw ayaw kong icelebrate ang birthday ko nagtatampo every year kaming nagtatalo dahil ayaw ko ngang magcelebrate.
I hate birthdays.
Kailangan ko ng magenroll bukas sa ateneo. Pangarap kasi naming school yun ni kuya Ashton. Kaya dun ako mageenroll. Pero nagkasagutan kami ni mommy. Ayaw ko namang humingi ng pera sakanya. Panigurado ding walang pera si kuya na ganun kalaki. Ayaw ko din namang humingi kay daddy. Nagbabasketball naman si kuya. Kaya siguro magta-try out ako sa volleyball bukas sana lang ay makapasok ako sa Lady Eagles.
Nandito pa ako ngayon sa BEG kahit tapos na ang try-out. Madami dami din namang nagtry-out.
Bukas pa daw malalaman kung sino ang mga nakapasok. Kasalukuyan akong nanonood ng basketball dahil kasali si kuya dito at hinihintay ko din si kuya Kyo kasama sila ate Mika at Joshua mga kapatid ko sa ibang magulang.
I don't have friends noon nung highschool even Grade school pero silang tatlo hindi nila ko iniwan lalo na nung nalaman nila ang dahilan kung bakit cold ako sa lahat. Kung bakit hirap akong makisama.
Flashback
Kasalukuyan akong naglalakad. As usual pinagbubulungan at pinagtitinginan nanaman ako. Hindi ko na lang ito pinansin at nagderetso sa canteen para magbreakfast 9:00 am pa ang klase ko at 8:00 am pa lang. Napatigil ako sa paglalakad ng may maglakas loob na humarang sa dinaraanan ko
"Hi" sabi ng isang lalaki na may katangkaran at masasabi kong may itsura kasama ang isang babae at isang lalaki.
Tinignan ko lang ito"I'm Sergio Quijano this is Mika Reyes at Joshua Garcia" pakilala niya sa mga kasama niya
"I'm Lucky" simpleng sabi ko dito at nagtuloy sa paglalakad.
Nagulat ako ng may humarang sa dadaanan ko kaya nagangat ako ng tingin at nakita ko silang tatlo nanaman"Excuse me" sabi ko ng mapagtantong hindi nila ko papadaanin.
"You're not lucky" sabi niya ng nakangisi.
"You're Ashenty Adrielle Del Mundo" ani nung Mika. Hindi na ako nagulat ng sinabi niya ang pangalan ko. Ang alam lang ng ilan ay yan lang ang pangalan ko pero hindi nila alam ang first name at ang last name ko.
Nginisihan ko lang sila"I'm hungry" tamad kong sabi dito
"Oh I'm hungry too. Sabay ka na samin" tinuro nito ang table na alam kong silang tatlo lang kumakain dun.
"No thanks"
"Lucky!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Mag isa lang siya. Nang makalapit siya ay kiniss niya ako sa noo gaya ng lagi niyang ginagawa niya. Nagsinghapan ang mga nakakita.
"I'm hungry Lucky" napatawa siya ng sinabi ko yun maglalakad na sana siya pero napansin niyang nakaharang yung tatlo. Nakita kong nakatingin sila sa kamay ni Kuya Ashton yeah sya si Lucky. Lucky lang tawag ko sakanya pag nasa school pero kuya Adrian kapag kami lang dalawa.
"Ay may mga nakaharang haha. Miss nyo ako agad?" Hindi na ako nagulat ng kinausap niya yung tatlo.
Dahil madaming kaibigan at kakilala si kuya hindi tulad ko na sakanya lang komportable. Wala akong kaibigan dahil inilalayo ko agad sila. Dahil ayokong masaktan pag lumayo sila.
"Sabay na kayo samin kakain din kami" sabi nung kyo
"Sure, order na tayo. Tara Lucky" sabi niya sakin sabay ngiti ng nakakaloko inirapan ko lang ito.
"Tss Let's go I'm hungry" sabi ko sakanila
Kaya umorder na kami at dumeretso sa upuan.Pinaghila naman ako ng upuan ni kuya.
End of flashbackSimula nun lagi na silang apat ang kasama ko kumain pero madalas wala si kuya ashton. Madalas silang tatlo lang kaya lalo akong naging komportable dun sa tatlo.