"Madami bang tao jan or sa kabila?" Tanong ko
Dalawa kasi yung restaurant.
Bigay na to sakin ng Ninang ko. Hindi bigay. Pinagtrabahuhan ko to. Dalawa yung nasakin sa restaurant niya pero siya pa din ang nagaasikaso pag may problema. Siya din nagbabayad ng mga gastusin pero saakin ang pera. Siya din ang nagpapasuweldo. Pero lahat ng employee dun alam na ako na ang may ari nun.
"Miss. Medyo madami-dami sa kabila pero dito mga Volleyball player pero kakaunti naman sila" sagot naman niya
"Jan kami pupunta" tipid kong sabi sabay patay ng tawag.
Hinarap ko naman ang mga kasama ko.
"Ate Ly pasabay na lang ako sayo wala akong dalang car e" sabi ko sabay ngiti.
Fast forward
Pagdating namin dun ay agad kaming inasikaso. Agad ko namang nakita ang secretary ko.
"Order na kayo"
Tinawag ko naman yung kumukuha ng order.
"Same old" tipid kong sabi
"Ah guys wait lang may kakausapin lang ako. Balik ako pag nanjan na yung order" sabi ko at tumayo. Dumeretso ako sa upuan na pang dalawahan at sinenyasan yung secretary ko.
Bea's POV
Kinausap kami ni ate Ly kanina about Ashenty. Hindi ko naiintindihan kung bakit nilalayo niya yung sarili niya samin nung una. Pero pagkatapos kaming kausapin ni ate kanina nung nagshoshower si ash.
Naintindihan nila siya. Kaya eto kami ngayon kasama siya. Hindi naman siya mahirap pakisamahan e.
Andun siya sa kabilang table may kausap na babae.Actually hindi alam ng iba kung ano ang meron sa amin ni Ash maliban kay Ate Ly. Pero alam kong nakakahalata na ang ilan. I'm courting her ah no noon nililigawan ko siya. Pinatigil niya ako sa panliligaw. Pero wala siyang ineentertain na iba at hindi nagpapaligaw sa iba. Pinaliwanag naman niya sakin ng maayos na hindi pa siya ready. Pero sabi ko maghihintay pa ako.
"Ma'am eto na po yung order niyo at order ni miss" sabi nung waiter at inilagay yung mga pagkain at pagkain ni Ash.
Aalis na sana siya pero pinigilan siya ni ate Den.
"Excuse me? Ano si Ashenty dito?" Tanong ni ate Den.
"Ah ma'am siya na lang po siguro ang tanungin niyo" nagaalangang sabi niya. Pumunta naman dito si Ash. Nagpaalam pa muna yung waiter kay Ash tsaka umalis.
"Ash? Ikaw ba may ari nito?" Tanong ni ate Ella
"Yeah? Let's eat" nakangiting aya niya saamin kaya naman kumain na kami. Nagkukwentuhan kami habang kumakain
Actually kanina ko pa napapansin na puro volleyball players dito. Adamson, La Salle at FEU. And Ashenty still wearing her Headband.
"Andaming volleyball player" natatawang sabi ni ate Den. Pagkatapos naming kumain umuwi na kami. Hinatid ko na din si Ash.
Fast Forward
Months passed. September na ngayon. Nagsimula na din ang UAAP. At Nasa BEG kami pero walang pinatawag kami nila coach Pinicturan ko si Ash. Nakikipagtawanan siya kila ate Den. Pinost ko sa IG story pero Blurred. Hindi ko siya ikinakahiya or itinatago napagusapan na kasi namin to. Na kung ano mang meron samin Private but not Secret ika nga.
"Ano to Beadel?!" Sigaw sakin ni Threy. Nakatingin siya sa cp niya. Pinakita niya naman sa mga kasama namin at sakin.
Napakamot naman ako sa kilay ko. Akala ko hindi na mahahalata na si Ash yun e. I know na sobrang nahahalata na nila na merong something samin ni Ash."Picture?" Patanong na sabi ko. Binatukan naman ako ni maddie. Wala si Ash kasama niya si ate Ly, ate Den, ate Amy, at ate Ella.
"Umayos ka nga Isabel! Kayo ba?" Tanong ni kat
"Hindi pa" nakangiting sabi ko
"Nanliligaw?" Tanong ni kim
"Hindi din"
"E ano?" Tanong ulit ni Threy
"Hmm ewan. May something. Gusto nya ako at Gusto ko siya. Slowly but Surely" nakangiting sabi ko
"Gusto? E mukhang inlove na inlove ka e" nangaasar na sabi sakin ni Jho. Nagaasaran kami nang biglang dumating yung mga basketball player at volleyball player ng Ateneo.
Dumeretso sila sa Bench.
"Ngayon ipamimigay yung mga Jersey's" sigaw ni ate Ly kaya umupo na din kami sa bench. Nakaupo na din kasi sila.
Magkatabi kami ni Ash.
"Uuwi ka na ba agad?" Tanong sakin ni Ash.
"Ah sa condo ako ni kuya uuwi" Sagot ko
"Gusto mong sumama?" Dagdag ko. Tumango naman siya.