Kinaumagahan maagang nagising si James upang magpahangin kahit na nararamdaman na niya ang effect ng kanyang sakit. Hindi na normal ang paghinga na siyang tinuturong komplikasyon ng kanyang sakit na osteosarcoma. Nagising na din si Jieanne ng magising si James at dali dali niyang pinaghanda ito ng almusal at nilinis ang kanilang kwarto. Sa kanyang pagwawalis nakita niya ang isang papel na naglalaman ng diagnostic examinations ni James at nakalagay doon ang sakit na mahirap gamutin ang osteosarcoma.
“paano nagkasakit si James ng ganito” ani niya sa kanyang sarili dahilan upang mapa-upo siya sa kanilang kama at sa puntong iyon pumasok sa kanilang kwarto si James. Umiiyak na napatingin si Jieanne sa kasintahan.
“ano ito? bakit nilihim mo sa akin ito?” ani ni Jieanne kay James
“hon, wala yan false alarm lang yan mali yang test na yan kaya wala kang dapat ipag-alala” ani ni James kahit na sa kanya talaga ang test na iyon. Niyakap niya ang kasintahan ng mahigpit.
“James…” ani ni Jieanne
“hindi ko sinabi dahil ayokong masaktan ka” ani ni James
“pero may sakit ka at you’re still acting na okay ka” ani nito sa kanya
“don’t worry magpapagaling ako para sayo at papakasalan pa rin kita” ani nito saka niyakap siya ng mahigpit. Nakikinig naman mula sa labas ang ina at kapatid ni James na siyang unang naka-alam ng kalagayan nito noong nasa ibang bansa pa ito.
“alam na ni Jieanne at ngayon kailangan na niyang sumailalim sa mga test at chemo” ani ni Sarah sa ina.
“kayo nang bahalang sumama sa kanya ayokong makita siyang nahihirapan” ani nito sa kanila saka umalis at nagtungo sa kusina. Lumabas naman mula sa kwarto si James na may luha pa sa mata.
“ako na kakausap kay Jieanne magpahinga ka muna sa baba” ani ni Sarah sa kapatid.
“salamat ate” ani niya dito. Pumasok ito sa kwarto at naabutan niyang naiyak pa rin si Jieanne dahilan upang daluhan na niya ito.
“Jieanne, wag kang mag-alala gaya ng sabi niya magpapagaling siya para sayo at sa amin kaya kailangan mong magpakatatag dahila ikaw ang panghuhugutan niya ng lakas ng loob” ani ni Sarah.
“pero ate bakit siya? ang dami daming tao sa mundo bakit siya pa” ani ni Jieanne saka patuloy na umiiyak
“dahil alam ng Diyos na kakayanin niya kilala naton si James na malakas at never sumuko” ani pa nito sa kanya
“hindi ko kaya ate” umiiling niyang sagot
“kaya mo at kakayanin natin para sa kanya” ani Sarah saka niyakap siya ng mahigpit. Sa loob ng limang taon nilang magkasintahan ito ang pinaka naging malapit sa kanya dahilan upang makinig siya dito
“kailan mag-start ang treatment niya?” tanong ni Jieanne sa kapatid ni James
“as soon as possible kailangan na niyang sumailalim sa series of treatment para hindi na lumala pa ang mga komplikasyon” paliwanag nito sa kanya saka lumabas nila mula sa kwarto kung saan nakita niyang nasa sala si James at nagpapahinga. Nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit na mahigpit sa puntong iyon hindi maiwasan ng nanay at kapatid ni James na mapaiyak pero pinigil lamang nila para hindi makita ni James na mahina silang lahat.
Kinabukasan nagtungo sila sa ospital upang magpatingin at upang malaman ang status ng sakit ni James. Nanatiling hawak ni Jieanne ang kamay ni James hanggang sa maipasok ito sa radiation room kung saan susunugin ang mga cancer cells. Naiwan sa labas si Jieanne ng ipasok si James sa radiation room doon hindi niya mapigilan ang pag-iyak pero pinili niyang magpakatatag para sa kasintahan.
“anak, kamusta si James?” ani sa kanya ng kanyang ina na tumawag sa kanya
“nasa loob pa siya ng radiation room hindi ko pa alam kung ano na ang nangyayari” ani ni Jieanne sa ina niya
“magpakatatag ka anak kailangan ka niya lakasan mo ang loob mo” ani nito sa kanya saka nagpaalam na sa kanya.
“Panginoon, kayo na pong bahala kay James palakasin niyo po siya” sambit nya sa kanyang sarili habang nasa loob ng isang chapel. Makalipas ang ilang oras lumabas na ang mga doctor at dali daling tinungo ni Jieanne ang kwartong pinagdalhan sa kanyang kasintahan. Nanatiling tulog si James hanggang sa dumating ang mga kaibigan nito noong college.
“brad, ano na? marami pa tayong gagawin kaya kailangan mong magpagaling” ani ni David dito saka nakipagkamay sa kanya.
“lalabas muna ako babalik din ako kaagad” ani ni Jieanne sa mga ito. Nang makalabas ang dalaga nag-usap na ang magkaibigan.
“gusto kong pakasalan siya bago pa ako mamatay” ani ni James
“brad walang ganyanan kakayanin mo yan ang mahalaga sumasailalim ka sa treatment kaya malabo iyang iniisip mo” ani ni David sa kanya
“brad, tulungan mo akong makagawa ng bagay na mapapasaya ko siya” ani ni James sa kaibigan.
“ako ng bahala sa ngayon magpagaling ka muna para may lakas kang mairereserba para sa ihahanda mong surpresa sa kanya” ani nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“salamat brad” ani niya dito. Umalis na si David sa kanyang kwarto ng pumasok si Jieanne.
“nagugutom ka ba? kumain ka muna ng makapagpahinga ka na” ani niya dito saka nilapitan ang binata.
“Jieanne, sorry” tanging salitang nasabi ni James sa kanya
“anu ka ba? hindi mo kailangan mag sorry saka you need to be strong para sa akin at sa pamilya mo” ani ni Jieanne sa kanyang kasintahan
“thank you hon lagi kang nandyan for me” ani ni James sa kanya
“walang anuman! ang mabuti pa kainin mo na ito para maituloy mo na ang pagpapahinga mo” ani niya dito saka ihanda ang pagkain ng binata.
Matapos nitong kumain nagkwentuhan silang dalawa parang normal nilang buhay noong walang iniindang sakit si James. Paborito nilang past time ang pagbabasa ng libro at biruan.
“I miss this” ani ni James
“ako din kaya magpagaling ka para mas maraming time natin sa isa’t isa” suhestyon ni Jieanne sa kasintahan
“sana sa iba na lang ang sakit na ito para hindi ko nakikitang nalulungkot ka” matamlay nitong ani sa kanya
“no may purpose si God kung bakit niya binigay ito and that purpose is to see us standing strong together” ani niya dito saka niyakap niya ng mahigpit ang binata.
“pagkalabas ko dito may surpresa ako sayo” tanging salitang nasabi ni James sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagngiti.
“oo na full of surprises ka naman” ani ni Jieanne sa kanya
“kaya mahal mo ako diba?” ani naman nito sa kanya
“oo at mananatili akong kasama mo hanggang sa gumaling ka” pangako ni Jieanne sa kasintahan at saka nagyakap silang pareho. Nagtagpo ang kanilang mga labi at naghalikan na may ngiti sa labi, nang pumasok ang attending nurse ni James agad silang naghiwalay. Inayos ni Jieanne ang kanyang mga gamit na kanilang dinala dahil ayon sa doctor ng kasintahan matatagalan ang kanilang pananatili sa ospital dahil sa iba’t ibang treatment na kailangan ni James para sa tuloy tuloy na paggaling .
BINABASA MO ANG
Sad Love Story Compilation
Short StoryCollection of most heartbreaking, sad, hurtful love story that I've written.