Matamang naglalakad sina Aira at Alden upang humanap ng isang place na pwede nilang kainan. The awkward feelings embraced the both of them at wala ni-isa sa kanila na nagsubok na magsalita dahil bukod sa hindi nila alam ang tungkol sa isa’t-isa, Aira feels strange about Alden but she never think about it.
“Where do you want to eat?” biglang tanong sa kanya ni Alden dahilan upang magulat siya. Hindi niya alam ang isasagot dahil iisang kainan lamang ang kanyang alam at iyon ay ang lugar kung saan una silang nagkakilala ni Gerald and she don’t want to remember anything about Gerald.
“You can decide on your own. Wala na kasi akong maisip na lugar kung saan pwede” paliwanag niya dito.
“Let’s go! Meron akong alam na place na suitable for us lalo pa’t were on a getting to know each other stage” tugon sa kanya nito dahilan upang mapatingiti siya. Nilahad ni Alden ang kanyang towards Aira na inabot naman nito saka nagpatuloy sila sa paglalakad papunta sa lugar na tinutukoy ni Alden. Nang makarating sila doon agad silang sinalubong ng mga restaurant crew at ng isang matandang babae humaplos sa mukha ni Alden saka kumapit sa braso ng binata.
“Auntie, kamusta na po? Ngayon lang ulit ako nakabalik naging busy kasi ako” paliwanag niya dito saka sinabayan ito sa paglalakad papasok. Namangha naman si Aira sa settings at kakaibang ambiance ng lugar na pinagdalahan sa kanya ni Alden. Ngayon lang nalaman ni Aira may ganoon palang lugar na nilaan para sa mga couple na naghahanap ng peaceful place na ganoong ka-perpekto na saktong-sakto sa mga couple na may awkwardness pang nararamdaman.
“Sino naman iyang kasama mo?” bulong ng tiyahin ni Alden sa binata saka magkasabay itong napatingin sa gawi ni Aira na kasalukuyang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa paligid ng restaurant.
“My new lady?” nakangiting ani ni Alden dito dahilan upang mahampas siya nito.
“Here you go again baka naman… Kilala kita Alden” makahulugang ani nito sa kanya.
“Don’t you worry auntie” tugon niya dito saka mabilis niyang pinuntahan si Aira upang samahan ito papasok ng restaurant ng kanyang tiyahin. “Nagustuhan mo ba yung lugar?” tanong ni Alden kay Aira.
“Oo, ngayon ko lang nalaman na may ganito palang restaurant dito. Napaka-romantic ng ambiance tapos nakaka-inlove yung buong place” sagot niya sa tanong ni Alden sa kanya saka may ngiti sa labi na tumingin dito.
“This place was gift from my late uncle noong tenth year wedding anniversary nilang dalawa kaso na-aksidente si uncle on the way here kaya lalo pa itong pinaganda ni auntie, ahmm let’s go inside” paliwanag sa kanya ni Alden saka sinamahan siya papasok ng restaurant. Para namang tinusok ng mga maliliit na karayom ang puso ni Aira ng marinig ang love story sa likod ng napakagandang lugar na iyon. Hinatid siya ni Alden sa table na nilaan sa kanila ng tiyahin ng binata saka pansamantala siyang iniwan doon at sa pagbabalik nito may dala na itong isang bouquet ng pulang rosas habang kasunod naman nito ang tiyahin nito na may dala ng kanilang pagkain. Hindi maiwasan ni Aira ma kiligin pero agad niya iyon naiwaksi dahil alam niyang acting lang iyon and Alden keep her conditions. Inabot sa kanya ni Alden ang bouquet ng pulang rosas saka umupo sa bakanteng upuan katapat niya, iniwan naman sa lamesa nila ng tiyahin binata ang kanilang pagkain at nakulob na naman ng awkward air ang paligid nila na agad binasag ni Aira.
“Paano mo nalaman na paborito ko ang red roses? Is that a part of a man’s instinct?” tanong ni Aira dito.
“Hmmm that… is a part of my instinct as man” tugon sa kanya ni Alden saka muling naging awkward ang kani-kanilang paligid.
Samantala, matama lamang nakamansid sa kanilang dalawa ang tiyahin ni Alden habang inaayos ang mga utensils na kakahugas lamang ng kanyang mga crew. Hindi mapalagay ang loob nito sa ginagawa ni Alden dahil para sa kanya anak na ang turing niya sa binata mula ng maulila ito ng lubos at mula ng mamatay ang asawa nito.
“May problema ho ba ma’am?” tanong sa kanya ng isa niyang crew
“Wala naman kinakabahan lang ako sa pinapasok na gulo nitong si Alden, hindi ko alam ang gagawin kapag nalaman ito ni Gerald” nag-aalalang tugon nito sa kanyang crew. Pinagpatuloy na lamang nito ang kanyang ginagawa habang matama pa ring pinagmamasdan ang gawi nila Aira at Alden. Mula ng ipanganak si Alden ngayon lamang siya nakita ng kanyang tiyahin na ganoong kasaya and she can’t even believe na ganoon ito kadaling mahuhulog kay Aira.
Kasalukuyang nakaupo sina Alden at Aira sa ilalim ng isang puno at matamang nag-uusap sa kani-kanilang mga propesyon at doon nalaman ni Aira na isa palang teacher at the same time isa rin itong professional engineer.
“Alden James Lee ang full name ko but my students and my auntie use to call me Alden lang habang sa mga pinsan ko naman they call me AJ na i hate the most” paliwanag niya ni Aira.
“Why? What’s wrong with AJ ang cute nga eh saka yung Alden kasi it shows your real attitude na for me ay napaka-rare na para sa isang lalaking katulad mo” tugon naman sa kanya ni Aira dahilan upang mapatawa siya na kinagulat naman ng dalaga.
“Rare? as in? anyway nakapunta ka na ba sa isang amusement park?” biglang tanong sa kanya ni Alden.
“Oh ang last kong punta dyan kasama ko pa si Gerald kaya umisip ka na lang ibang lugar na pwede nating puntahan” ani niya dito.
“Nope let’s go! I want you to remember that place dahil masaya ka na kasama mo ako! I want you to forget that man just for me” sambit sa kanya ni Alden saka hinawakan ang kanyang kamay at matama siyang tinitigan sa mata. Isang tango lamang ang kanyang naisagot saka matama na siyang niyakad nito paalis at magkahawak kamay nilang tinungo ang kalapit na amusement park ng restaurant na iyon ng tiyahin ni Alden. Mainit ang palad ni Alden—init na hindi niya kailanman naramdaman noong kamay pa ni Gerald ang kanyang hawak.
“Bakit ba siya nagkakaganito? He keeps my conditions in his mind so why he act like this?” may halong pagtatakang tanong ni Aira sa kanyang sarili saka matamang pinagmasdan pang muli ni ang mukha ni Alden na mala-anghel na kapag tinitigan talagang mararamdaman mong nasa mabuti kang kamay. Gabi na ng maihatid siya ni Alden si Aira sa tinitirhan nitong bahay at mula doon dali-dali siyang umuwi sa kanyang simpleng bahay. Nang makapasok na siya sa loob ng kanyang bahay agad siyang napaupo sa kanyang sarili sofa at jula doon inabot niya ang kaledaryo na may marka ang ilang dates. Ang mga dates na iyon ay mula ng pumayag si Aira sa kanilang kasunduan na magtatapos sa mismong araw ng Valentines. Matapos niyang titigan ang kalendatyo agad naman niyang kinuha ang larawan ng kanyang ina at kapatid na parehong namatay sa isang plane crash pauwi na sana sa Pilipinas.
“Patawarin niyo ako mama, ate…”
Matama namang pumasok si Gayle sa kwarto ni Aira na may dalang pagkain na kanilang pagsasaluhan habang nanonood. Itinigil naman ni Aira ang kanyang ginagawa ng maupo sa kanyang tabi ang kanyang pinsan, matama niyang kinuha ang isang junk food upang kainin at habang siya ay nakain sumagi sa kanyang isipan ang mga katagang sinabi ni Alden sa kanya na talagang yumanig ng kanyang isipan.
“Gayle, ano ang mga palatandaan na hindi na umaarte ang isang fake boyfriend?” biglang tanong niya dito.
“Hmmm ano? yung parang ramdam mo na ang kaseryosohan sa mga sinasabi then mas madalas ka niyang titigan sa mata na unusual naman na ginagawa ng ibang nagpapanggap lang bakit mo natanong?” ani naman nito sa kanya.
“Wala may naalala lang ako” palusot niya saka muling tinuon ang kanyang atensyon sa kanilang pinanonood habang matama pa ring nakain. “Sa tingin mo ganun talaga yun? “ segunda pa niya ulit dito. That time tango na lamang ang sinagot ni Gayle sa kanyang pangalawang tanong saka pansamantala siyang iniwan upang kumuha ng kanilang maiinom habang nanonood.
BINABASA MO ANG
Sad Love Story Compilation
Historia CortaCollection of most heartbreaking, sad, hurtful love story that I've written.