Makalipas ang isang linggo, patuloy na nagkikita si Aira at Alden at hindi na lang sila basta umaarte dahil for that time isa na silang real couple without any condition to break. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang music room kung saan matamang pinatutugtog ni Aira ang isang lumang piano na matagal ng naroroon sa lugar na iyon. Nai-kwento ni Aira kay Alden na doon siya madalas dalhin ng kanyang ama sa tuwing nakakadama siya ng lungkot at nai-kwento din niya dito na isang magaling na pianist ang kanyang ama at minsan na ding naging sikat na kompositor. Matamang nakamansid si Alden kay Aira habang tinutugtog nito ang isa sa mga composition ng ama nito noong nabubuhay pa ito. Hindi maiwasan ni Alden na maalala si Irish nang dahil sa madamdaming piyesa na tinutugtog ni Aira ng mga oras na iyon kung kaya naman naisipan ni Alden na magpa-hangin muna sa labas. Napansin naman iyon ni Aira dahilan upang itigil nito ang pagtugtog saka kinuha ang kanyang bag at mula doon inilabas niya ang kwintas na kanyang binili para ilagay sa bulsa ng coat ni Alden. Ilalagay na sana niya pero agad niyang napansin ang cellphone ng binata na natunog at kinagulat niya kung kaninong pangalan ang naka-register.
“Gerald…” sambit niya saka pinindot niya ang “answer call” saka matamang pinakinggan ang mga sinasabi nito. Sa puntong iyon naabutan siya ni Alden dahilan upang lumapit ito sa kanya pero hindi na hinayaan ni Aira na makalapit na ito sa kanya.
“Ano ito? Are you playing with me?” nangingilid ang luha na singhal niya kay Alden.
“Aira, let me explain, hindi intention na…” hindi pa natatapos na ani Alden sa kanya
“Hindi intention?”
“Aira, please believe me alam kong alam mo na gusto ko lang na protektahan ka” segunda pa sa kanya ni Alden
“Enough! Makaka-alis ka na were done!” sambit ni Aira dito saka ibinigay dito ang coat nito at cellphone without minding na naiwan sa loob ng bulsa ng coat ni Alden ang kwintas na ibibigay sana ni Aira para sa binata. Muling naupo si Aira sa harap ng piano at doon siya nag-umpisang umiyak ng umiyak hanggang sa maisipan niyang lisanin na lamang ang lugar na iyon.
Makalipas ang tatlong araw, patuloy paring nagmumukmok sa loob ng kanyang kwarto si Aira na lubos na kinababahala ng pinsan niyang si Gayle kung kaya naman pinasok na nito ang kwarto niya.
“Aira, please stop this… Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo saka nature na talaga nila iyon tapos pinsan pa pala siya ni Gerald. Ang dapat mong gawin gumanti ka sa kanila…” litanya sa kanya niya Gayle.
“Enough!” sigaw niya dito
“Aira, mahal mo na ba si Alden?” biglang tanong ni Gayle sa kanya pero sa halip na sumagot mahigpit na lamang itong yumakap kay Gayle saka nag-umpisang umiyak. “Girl, tama na. Kung mahal ka niya pupuntahan ka niya right away at hihingi siya ng sorry sayo for what happen” paliwanag sa kanya ni Gayle na lalong nagpa-iyak sa kanya. Samantala matamang nag-uusap naman sina Alden at Gerald ng mga oras na iyon sa isang bar habang patuloy na nag-iinom.
“Alden, tama na ito. Magmamaneho ka pa pauwi. Don’t worry kaka-usapin ko siya for you” pamimilit sa kanya ni Gerald pero tila wala siyang naririnig ng mga oras na iyon. Ang tangi lamang niyang iniisip ay yung mga sandali na masaya silang magkasama ni Aira.
“Kaya kong umuwi huwag mo na akong alalahanin” ani niya saka tumayo at nagsimulang maglakad palabas sa bar na iyon.
“Are you sure?” tanong nito kay Alden pero isang kaway lamang ang sinagot nito sa kanya saka tuluyang nilisan ang lugar na iyon. Susuray-suray na tinungo ni Alden ang parking lot kung saan naroroon ang kanyang sasakyan at medyo hilo pinilit niyang i-focus ang kanyang sarili sa pagmamaneho. Naging mabilis ang pagpapatakbo ni Alden sa kanyang sasakyan dahilan upang hindi niya mapansin ang isang papatawid na matanda na pilit naman niyang iniwasan dahilan upang bumangga siya sa isang truck ng may kargadang mga steel round.
Kasalukuyan namang papaalis si Gerald sa resto na pinanggalingan ni Alden dahil sa lasing na rin siya kaya nagpalipas muna siya ng kalasingan bago siya umalis doon. Papunta na siya sa parking lot ng resto bar ng biglang tumunog ang kanyang cellphone at isang unknown number ang siyang rumehistro sa kanyang cellphone screen.
“Hello?” ani niya
-this is from Makati Medical Hospital, Mr. Alden Lee is currently at the hospital emergency room and we need a current contact from his family…
“What?” sigaw niya saka dali-dali tinapos ang pakikipag-usap sa nurse sa siyang tumawag sa kanya. Mabilis niyang tinungo ang hospital kung saan naroroon si Alden at nang makarating siya doon agad siyang sinamahan ng nurse hanggang sa emergency room.
“Kamag-anak ka ba ng pasyente” agad na tanong sa kanya ng doctor na kakalabas lang sa emergency room. Kasalukuyan niyang katabi ang ilang pulis na rumesponde sa pinangyarihan ng aksidente at inabot sa kanya ang ilang gamit ni Alden na nakuha mula sa loob ng sasakyan nito.
“Kamusta na po ang pinsan ko? ano pong lagay niya?” sunod sunod na tanong ni Gerald sa doctor na kakalabas lamang mula sa emergency room.
“Kinalulungkot po naming sabihin dead in arrival na po ang pasyente” sagot nito sa kanyang mga tanong.
“Hindi” gulat na ani ni Gerald saka pinasok sa loob ng emergency room si Alden na may taklob ng kumot. Agad na inasikaso ni Gerald ang bills at ilang papeles na may kinalalaman sa impormasyon inilabas ng ospital ukol sa dahilan ng pagkamatay ni Alden. Hindi pa man nailalabas sa mismong ospital ang mga labi ni Alden nagawa ni Gerald na tawagan si Aira at agad na papuntahin doon.
“Alden…” humahangos na ani ni Aira saka marahang nilapitan ang bangkay ng binata. Ibinaba nito ang kumot na siyang naka-taklob sa mukha ni Alden at doon nag-umpisang dumaloy ang masagang luha niya habang patuloy na hinahaplos ang malamig ng mukha ni Alden.
“Para sayo ata ang mga gamit na ito” ani sa kanya ni Gerald saka ibinigay sa kanya ang isang kahita at isang papel. Una niyang binuksan ang kahita na siyang pinaglalagyan ng locket na kanyang binigay sa binata at sumunod ang sulat na nagbigay kay Aira ng ibayong lungkot.
Aira.
I agree with Gerald’s plan not because I want to hurt you. Una palang kitang nakilala aaminin kong inakala kong mabuhay sa katauhan mo si Irish dahil napakalaki ng pagkakahawig niyong dalawa. I really made a big mistake, I play with your heart pero sa paniwalaan mo ang sinabi ko sayo na mahal na mahal kita. Siguro hindi ako deserving to have you kasi nagawa kong ilihim sayo ang tunay kong pagkatao at tunay kong relasyon kay Gerald. Hindi ko inamin dahil I’m scared na dumating yung araw na kakamuhian mo dahil lamang sa mga bagay na hindi ko inamin sayo. I decided to end our one sided relationship dahil naging mahina ako, nahulog ang loob ko sayo sa hindi ko inaasahan pagkakataon. I will be waiting for you hanggang sa masabi mo ng handa ka ng magmahal ulit. I love you, Aira and I will love you forever and always…
Alden
Napayakap siya sa bangkay ni Alden nang matapos niya mabasa ang sulat nito para sa kanya. “Madaya ka, ang sabi mo hihintayin mo ako pero bakit mo ako iniwan” umiiyak na singhal ni Aira kay Alden. “Alden…. sa hindi mo iniwan hindi ko pa nasasabi sayo na mahal na mahal kita, Alden!” segunda pa niya dito. Sa puntong iyon nilapitan na siya ng kanyang pinsan na si Gayle upang daluhan at napayakap naman siya dito ng mahigpit. Sa mga sumunod na minuto nailabas na sa morgue ng ospital ang bangkay ni Alden at nailipat na sa isang sikat na chapel upang paglamayan ng ilan sa mga natitira nitong mga kamag-anak.
Makalipas ang tatlong buwan tuluyan ng natanggap ni Aira ang biglaang pagkamatay ni Alden at sa puntong iyon kasalukuyang nakatayo ang dalaga sa harap ng puntod ni Alden. Ipinagluluksa pa rin ni Aira ang pagkawala ni Alden at nasa dibdib parin niya yung doubt dahil hindi niya nasabi dito mahal na mahal niya ito.
“Alden, sorry and thank dahil kahit sa napaka-ikling panahon nakasama kita. Salamat dahil natutunan ko na ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. I love you Alden” ani niya dito.
BINABASA MO ANG
Sad Love Story Compilation
Historia CortaCollection of most heartbreaking, sad, hurtful love story that I've written.