Blue Tomorrow Chapter Four

72 5 0
                                    

Kasalukuyang nasa isang restaurant ang dating magkasintahan na si Aira at Gerald, ayaw man ni Aira na makita ito pero huli na dahil talaga pinag-aadya na magkita silang dalawa sa lugar na naging bahagi ng kanilang nasirang relasyon. The awkward feelings went on at wala sa isipan ni Aira na magsalita o magbitiw na kahit anong salita until Gerald broke his silence.

            “How are you? It’s been a week since we broke up and nakikita ko na okay ka na” puna sa kanya nito sa kanya na bahagya niyang kinagulat dahilan upang maghagilap siya ng maaring isagot dito.

            “Merong isang lalaki na siyang dahilan kung bakit okay na ako ngayon, pinagaan niya ang nararamdaman kong sakit at sa tuwing kasama ko siya ibang ligaya ang nadarama ko” tugon niya sa naging puna sa kanya ni Gerald.

            “Are ready to love again?” tanong pa nito sa kanya

            “Hmmm, isang linggo palang mula ng matapos ang relasyon natin pero meron na akong confidence na sabihing nakalimutan na kita and i think mahal ko na yata ang lalaking tinutukoy ko” paliwanag nito sa kanya.

            “Are you sure?” nagtatakang tanong ni Gerald sa kanya na kanyang pinagtaka.

            “Siguro kailangan ko pa ng ilang buwan para makilala siya at masiguradong hinding-hindi niya ako sasaktan.” segunda pa niya dito

            “Well it’s your own will Aira basta mag-iingat ka palagi and sorry nga pala for what happen. Alam kong alam mo na minsan naging parte ka ng puso and that guy would be so lucky to have in his life.” litanya sa kanya ni Gerald saka nagpaalam na aalis na. Sa puntong iyon naiwan siyang nag-iisa sa table na kanilang inukupahan ni Gerald para sa kanilang maikling usapan. Nangingilid man ang kanyang luha pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa kabila ng sakit na binigay sa kanya ni Gerald kahit sa huling sandali. Aira hopes na hinding-hindi na niya makikita pa ang dating kasintahan so she can live peacefully and she also hope na on that time hindi na acting ang kanilang relasyon ni Alden.

            “Dapat sinampal mo siya couz para nakaganti ka sa ginawa nila sayo buti na lang hindi mo ako kasama kung hindi nabugbog ko na yang lalaking iyan” singhal sa kanya ni Gayle ng makauwi siya at mai-kwento dito ang naging pagkikita nila ni Gerald accidentally.

            “Hayaan mo na and i think nakaganti na ako ng ipamukha ko sa kanya ang ugaling meron si Alden” sagot naman niya dito.

            “Eh teka muna ano ba talagang meron sa inyo ng Alden na yan ha” tanong sa kanya nito dahilan upang mapatingin siya dito ng makahulugan.

            “Ahmmm fling? Hindi ko pa sure kung ano ba talagang meron sa amin” sagot niya dito

            “Fling?!! Diyos ko saan mo naman natutunan iyan ha at sa edad mong iyan ay pume-fling ka na. Anyways mas bet ko si Alden kaysa sa Gerald na yan naku pag nakita ko talaga siya saka iyang bestfriend mo na yan” ani pa sa kanya ni Gayle dahilan upang mapangiti siya.

            “Ewan ko sayo! Aalis muna akoat baka gabihin ako” paalam niya dito saka dali-dali lumabas sa kanilang tinitirhang bahay. Papunta siya ngayon sa park kung saan matam siyang hinihintay ni Alden na kaka-text lamang sa kanya na nagpatalon sa kanyang puso.

            “Alden wants to see me” kinikilig niya ani sa kanyang sarili habang nakasakay siya sa isang jeep na bumibyahe sa luhar kung saan naka-locate ang park na sinabi sa kanya ni Alden. Ganoong kabilis nagbago ang kanyang mood na kanina ay punong-puno ng sakit dahil sa biglanag pagkikita nila ni Gerald. Nang makarating siya sa park agad hinanap ng kanyang mga mata ang presensya ni Alden na kasalukuyang nakasandal sa kotse nito hindi kalayuan sa kanyang pwesto. Nang makita ito ni Aira agad itong nilapitan ng dalaga saka mabilis na kumapit sa braso nito na kinagulat ni Alden.

Sad Love Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon