“I want you to remember that place dahil masaya ka na kasama mo ako! I want you to forget that man just for me…” mga salitang paulit-ulit na bumabalik sa utak ni Aira habang matama siyang naglalakad papunta sa isang bookstore upang bumili ng latest edition ng kanyang paboritong libro. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan ni Alden ng mga oras na sinambit nito sa kanya ang mga katagang iyon. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan kung mayroong text si Alden na sinend para sa kanya at doon nakita niya ang mabilis na paglipas ng araw.
“Mag-iisang linggo na pala mula ng makilala ko si Alden and until now hindi ko pa rin naiintindihan ang naging kapalaran ko…” ani niya sa kanyang sarili saka muling nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating niya ang bookstore kung saan niya bibilhin ang librong paborito niya.
“Tatlong araw na lang ang natitira sa unang linggo ng kasunduan namin ni Aira pero magpasahanggang ngayon affected pa rin siya sa ginawa mo with her bestfriend” litanya ni Alden kay Gerald habang matama silang nag-uusap sa loob ng opisina nito.
“Here we go again… sige nga bakit mo tinanggap ang kondisyon ko hindi ka ba natatakot na baka kamuhian ka niya kapag nalaman niya na mag-pinsan tayo” tugon naman sa kanya ni Gerald saka tumingin sa kanyang mga mata. “Tinanggap mo ba ang kondisyon ko dahil kamukha siya ni Irish? Alden, sinabi ko na sayo na malayong-malayo si Irish kay Aira kaya it’s better na tigilan mo na ito” segunda pa nito sa kanya.
“I will help her to forget a guy like you within two weeks at papatunayan ko sayo na kaya ka niyang kalimutan…” ma-awtoridad na ani ni Alden kay Gerald.
“Okay prove it na mas deserving ka para sa pagmamahal niya kahit pa after two weeks iiwan mo din siya at masasaktan mo din siya katulad ng ginawa ko” ani pa sa kanya ni Gerald saka iniwan na siya nito na mag-isa sa loob ng kanyang sariling opisina. “I will make sure na she will never fall in love with me just like her condition, I will protect her until the end” mga katagang nasabi ni Alden sa kanyang sarili saka matama niyang inayos ang kanyang damit at dali-daling lumabas sa kanyang opisina.
Kasalukuyan namang palabas ng bookstore si Aira bitbit ang kanyang nabiling libro pero bago siya nagtungo sa tawiran ng mga pedestrian isinalpak muna niya sa kanyang magkabilang tenga ang earphone ng kanyang mp3 player saka nagpatuloy sa paglalakad. Patawid na sana siya pero may biglang humila sa kanya pabalik dahilan upang mapayakap siya dito ng tumumba ito, napatayo siya at nagulat siya ng ma-recognize niyang si Alden ang naglistas sa kanya mula sa isang truck na nawalan ng preno. Dali-dali niya itong tinulungang makatayo at matamang inakay sa isang malapit na clinic upang malapatan ng first aid ag sugat nito.
“Ayos ka lang ba?” tanong sa kanya ni Alden ng makalabas sila sa clinic na pinagdalhan ni Aira sa binata.
“Ano ka ba? Ikaw itong nasugatan tapos ako ang tatanungin mo ng ganyan” ani ni Aira kay Alden saka kumapit ito sa braso ng binata na nagbigay ng uneased feeling kay Alden.
“Malayo naman sa bituka ito saka sa susunod titingnan mo muna yung traffic light bago ka tumawid saka hindi rin advisable na mag mp3 ka pag nasa ganito kang daan.” pangaral sa kanya ni Alden dahilan upang mapangiti siya dito.
“opo!” may ngiti sa labi na ani ni Aira saka nagpatuloy sila sa paglalakad.
“I love that smile of yours” sambit sa kanya ni Alden saka hinawakan siya nito sa kamay. Sa loob ng tatlong araw nilang pagpapanggap bilang magkasintahan Aira feels nomore awkwardness kapag kasama niya si Alden and she don’t even know the reasons for that feelings. Dinala siya nito sa isang restaurant na may same ambiance kagaya ng sa restaurant ng tiyahin nito. Aira finds Alden so caring and sweet everytime that they were together at maging mga text nito sa kanya ramdam mo ang mga katangian nito na wala sa ibang lalaking kilala niya.
BINABASA MO ANG
Sad Love Story Compilation
Historia CortaCollection of most heartbreaking, sad, hurtful love story that I've written.