Monday. Pasukan. Pero masaya ako. Masaya na kinakabahan. Bakit ba ko kinakabahan e sabay lang naman kami uuwi? Baliw na yata ako.
"Byyyyyy!"
Best friend ko.
"Byy! Omg magkatext kami ni --------- nung bakasyon!"
Kwentuhan.
Recess.
Klase.
Lunch.
Klase.
Uwian..
"Alis na tayo?" (Siya)
"Teka maglalagay lang kami ng gamit sa locker.." (Ako)
Bumalik ulit siya sa classroom niya habang hinihintay ako.
Pumasok ulit ako sa classroom para hanapin si Byy sabay sabay na daw kasi kami lumabas ng school.
"Tara na?"
"Tara."
Nauna na kami ni Mr. Varsity sa paglalakad kasi hinihintay pa ng iba yung mga kasama nila may mga sumabay na rin naman.
Nung malapit na kami sa may hagdanan.. Joke medyo malayo pa mga 15 ft ang layo samin nag inarte ever yung dalawa kong kaibigan.
"Teka CR lang kami!"
Tumigil kami sa paglalakad at pumwesto muna sa may open window ng corridor (lahat naman open window di ko lang ma-describe hahaha) at nagsimula si mr varsity na bumanat or pick-up or whatever you want to call it.
Nung magkatext kami lagi din kaming nag pipick-upan kaya pati sa unang beses namin na pagsasama bumanat pa.
I apologize again kasi hindi ko maalala lahat ng sinabi niya isang pick-up lang natatandaan ko. Basta kinikilig ako kasi ang cute niya, okay?
"Napanood mo ba yung My Amnesia Girl?"
"Ha? Hindi pa e."
"Bakit?!"
"Ewan ko hindi ako updated sa tagalog movies e."
"Naniniwala ka ba sa love at first sight?"
"Ano?"
Nung una nasa let side siya bigla siyang lumapit sa may right side ko.
"E sa second sight?"
Nak ng. Ang korni ng kasama ko. Natawa nalang ako sa kanya.
Dumating na rin yung mga kasama namin at naglakad na kami.
Partner partner yung paglalakad namin sa hallway
Ako at siya.
Si byy at yung boylett niya.
Si raz (isa ko pang kaibigan) at yung boyfriend niya.
At si Alex (isa ko pa ulit na kaibigan) at yung boyfriend niya.
Dumaldal siya ng dumaldal.
Pagkarating namin sa catwalk ng school medyo awkward.
Lahat ng batchmates namin nakatingin.
Feeling ko ang ganda ganda ko at ang gwapo gwapo niya at samin na mapupunta ang couple of the year award.
Chos.
Friends lang naman kami.
"Aba ayos ---- ah, chick boy talaga 'to." Sabi nung isang batchmate namin sakanya.
"Grabe ka na ----!" Sabi nung isa pa.
Basta maraming nag comment at tawa lang kami ng tawa.
Ang awkward kasi, okay?
"Ba't kaya sila ganon? Malisyoso masyado." (Siya)
"Oo nga ewan ko ba sa mga yan." (Ako)
"Ngayon lang ba sila nakakita ng babae at lalake na magkasama?"
"Siguro. Hayop yung mga yun e."
Lumabas na kami ng gate.
"Tawid tayo?" (Ako)
"Lakad nalang tayo hanggang 7/11" (Siya)
"Ok"
Ok na ok! Kasi kung gusto niya maglakad ibigsabihin mas madami pa kaming time na magkakasama. Swerte ko. Haba ng hair hindi naman ako nag rerejoice!Dinaldal pa niya ulit ako habang naglalakad kami.
Pagkarating namin sa may 7/11 tumawid na ulit kami para makasakay ng jeep.
Syempre treat niya.
Ahihi.
Kwentuhan pa more sa jeep.
Nadaanan namin subdivision niya.
"Di ka pa ba bababa?"
"Hatid na kita sa inyo."
"Huh? Malayo yun e."
"Okay lang."
Nagpara na ko at bumaba kami.
As usual lakad nanaman papunta sa bahay.
Kwentuhan ulit.
Nang malapit na kami sa bahay namin.
"Yun na ung samin oh!" Tinuro ko ung bahay.
"Yan na agad?"
"Oo."
"Akala ko malayo pa."
"Papasok ka?"
"Hindi na muna."
"Sige. Ingat ka."
"Ge text nalang!"
And as he said. Magkatext nga kami that night.
BINABASA MO ANG
Dear best friends, ang tanga ko na ba?
Разное❝Two years na ang nakakaraan! Two years! Dapat nakapag move-on ka na! Halata naman sa side mo na nasaktan ka niya, pero gusto mo pa rin bang masaktan habang siya walang pakialam? Yes, mahirap kung sa tuwing nakikita mo siya feeling mo may time mac...