Dumating na ang mga sumunod na araw and one day pagkahatid niya sakin pinapasok kami ni dad sa bahay. Kahit hindi ko sabihin alam kong alam naman ni dad na isa siya sa dahilan kung bakit masaya ako.
"Dad. Si KARA nga pala." (Kara nalang tawag natin sakanya, boy yan ha)
'"Good afternoon po." (Siya)
Ngumiti si dad at hinayaan kami sa living room. Buti nalang at nag babasketball pa kapatid ko. Binigyan ko siya ng tubig (kasi yun yung hiningi niya).
"May tanong ako sa'yo." (Siya)
"Ano yun?"
"Pwede bang manligaw?"
Woah.
"Ngayon ko na ba yan sasagutin?"
"Ikaw bahala."
"Pwedeng mag isip?"
"Sige lang."
"Ano na sagot mo?"
"Oo.."
"Oo na?"
"Pwede na.."
"Pwede na?"
"PWEDE KA NG UMUWI."
Nagtext siya nung gabing yun:
"Salamat sa magandang gabi, sa oras at sa'yo."
Simula nun araw-araw na siyang pumupunta sa room namin kapag break time. May mga days of the week din na magkasabay kami pauwi. Hindi kasi pwedeng araw-araw. Nakalimutan kong varsity nga pala ang manliligaw ko at may training pa sila kaya sa mga araw na wala siya mag-isa kong umuuwi. Pero okay lang! Kasi dumadaan naman siya sa room namin.
Minsan pag umaga tinetext niya ko ng mga:
Good morning, beautiful
Stay, beautiful
You're beautiful
Ang swerte ko.
BINABASA MO ANG
Dear best friends, ang tanga ko na ba?
De Todo❝Two years na ang nakakaraan! Two years! Dapat nakapag move-on ka na! Halata naman sa side mo na nasaktan ka niya, pero gusto mo pa rin bang masaktan habang siya walang pakialam? Yes, mahirap kung sa tuwing nakikita mo siya feeling mo may time mac...