January came. Wala parin kaming communication. At nagpasukan ng hindi kami nagpapansinan. Sabi ng kaibigan ko na classmate niya hindi ko daw siya pinapansin at ang taray ko na daw. Papansinin ko pa ba? E may kaholding hands na palagi sa tapat ng room nila!
A day came nung nagkasabay kami sa paglalakad papunta sa room. Nagkatinginan kami.
"Okay ka lang ba?" (Siya)
Tumango ako, ngumiti at naglakad papasok sa room namin. Kunwari hindi masakit. Kunwari wala akong nararamdaman kahit sa totoo lang gustong gusto ko ng sumabog.
"It's his loss." That's what my dad would tell me everytime nagkkwento ako sakanya sa mga encounters namin sa school. Hindi ko matanggap. Ang hirap nung para bang pinaasa ka, pero ikaw talaga yung umasa. Hindi ko alam kung anong nangyari.
Sa mga sumunod pa na linggo sila na ang palaging magkasama. Oo masakit para sakin pero it's whatever.
Dumating ang JS Prom. Our last JS Prom.
Sa Manila Hotel kami nag JS. Partner ko yung nanligaw sakin dati. Everything was fine. Sumayaw kami ng sumayaw kaso nasira heels ko. kaya naka-paa lang ako na nakaupo sa table namin. Medyo fail din gown ko kasi natatanggal na yung mga bato.
Alam kong may balak yung classmate namin na si Arthur (classmate namin na sobrang talino at sobrang crush ang best friend ko) na isurprise si byy. Kaya nag dala siya ng CD na may laman na track na El Bimbo.
Hinila na ni Arthur si byy sa floor. At ako hinila ng kaibigan ko para sumayaw.. Pero napunta ako kay KARA.
"Sorry." (Siya)
"Okay na yun." (Ako)
"Hindi ka na galit?"
"Hindi naman ako galit."
"Thank you."
"Alam mo bang wala akong suot na sapatos?"
"Huh?"
"Nasira heels ko kanina kaya wala akong suot na sapatos."
"Gusto mo tumapak ka nalang sa sa sapatos ko?"
"Huh?... Hindi na!"
"Bilis na!"
"Wag na noh."
"Sige."
Ito ang one of the best moments ng prom. We were dancing so close to each other at wala na yatang mas sasaya pa dito.
After a couple of minutes of dancing akala ko he'd never let go of me, I mean okay lang naman I won't complain.. Pero..
"Uy AB, palit tayo partners!" (Siya)
Holy shit.
Mukha kong tanga.Actually ang tanga ko talaga.
Pero shet.
Nagpalitan kami ng partners at nabalik sakin ang kaibigan ko habang siya sinasayaw naman ang dati kong classmate nung 3rd year. Habang iniikot ikot ako ng kaibigan ko hindi ko maiwasang tumingin sakanya.. Sa kanilang dalawa. He was obviously flirting with her.
"Ano pangalan mo?" (Kasayaw niya)
"Hulaan mo." (Siya)
"Teka.. teka! Ikaw yung nanliligaw sa kaibigan namin diba?"
"Oh?"
"K-----?.. K--------? Diba ikaw si K---------------------?"
Yan lang narinig ko kasi di ko na kinayanan at bumalik na ulit ako sa tables.
Ang galing.
BINABASA MO ANG
Dear best friends, ang tanga ko na ba?
Random❝Two years na ang nakakaraan! Two years! Dapat nakapag move-on ka na! Halata naman sa side mo na nasaktan ka niya, pero gusto mo pa rin bang masaktan habang siya walang pakialam? Yes, mahirap kung sa tuwing nakikita mo siya feeling mo may time mac...