Chapter 1.15

66 3 0
                                    


Napahaba tulog ko kinapa ko ang katabi ko kung andun pa ang batang kasama ko napansin ko na lang na wala na siya sa tabi ko ang dami-daming pumapasok na tanong sa aking utak kung nasaan na yung bata kaya dali-dali akong bumangon para tignan kung andun siya sa cr hindi ko siya nakita kaya matamlay akong pumasok.

Wala akong ganang pumasok dahil sa araw ko ngayon ng dalaw kinakabahan ako baka may bagay na naman akong hindi ko dapat gawin.

Nagpalit ako ng sinuot ko kahapon lumabas ako ng dorm para magikot-ikot gusto ko maghanap ng matamis na cracrave ako, nakita ko yung kaibigan ng lalaking nakabangga nung isang araw, ngayon ko lang ako nagsalita sa kanila.

"HEY!" masayang pagkakasabi ko nahalata ko ang pagkagulat ng mukha nila kaya nagdahan dahan ako kasi hindi sila sanay sa akin na magiging isip-bata.

"Oh? Alexia bakit?" Sabi sa akin ni shina na may halong pagkagulat.

"Pwede ba ako sumama sa inyo?"sabi ko na may pagkabata ang tono habang nakanguso.

"Sige ba! Saan ka ba pupunta may itatanong din kami sayo."

sabi sa akin may halong blonde ang buhok niyang itim hindi ko naman siya kilala dahil hindi sa ko siya kilala sa totoo lang.

Turn ko na pala para bumili ng makakain kaya natuwa ako kasi mabilis sila ngayon magserve nginitian ako ng nagseserve.

"What is your order?" Tanong nito sa akin

"Pancake, yogurt, chocolate coffee, shake,coffee crumble, Scramble egg w/ rice, adobo w/ rice yun lang po hehehe."

Ngiti ko ng malawak napansin ko ang pagkagulat ng server ng pagkain pero kumilos agad para hindi mapahaba pa ang pila.

Gumilid ako para makuha ko ang order naghintay ako ng ilang minuto agad agad din namang dumating napansin ko na marami pala akong dala kaya tumawag ako ng magdadala ng pagkain ng dalawa.

"Ma'am saan po yung upuan nyo upang mailagay na itong mga pagkain na inorder mo?"

Tanong nito sa akin pero hindi ako kumibo binigay ko yung black/gold atm card ko sa kahera baka sakaling tanggapin.

Napansin ko ang pagkagulat ng kahera dahil sa binigay ko.

"Ma'am hindi po ito ang atm card ng academy." Pagbigay galang nito sa akin.

Naalala ko iba pala yung atm card napansin ko lang yun nung naghalughog ako ng gamit ko sa dorm.

Inabot ko ang isa pang atm card na blue silver na atm card tinaggap nya ito ng nakangiti kaya nginitian ko na rin siya pabalik, nang makuha ko ang atm card ay bumalik ako sa upuan ng dalawa napansin ko na subrang busy ng dalawa kaya umupo ako sa bakanteng upuan nila.

Nilapag ng tumulong sa akin sa paghatid ng pagkain namin ang pagkaing inorder ko nagpasalamat ako at umalis na rin ito.

Napansin ko ang pagkatulala ng dalawa dahil sa binili ko.

"Teh! Ang dami mo atang kakaining matamis di ka ba nyan magkaroon ng diabetic?"

Tanong ni shina sa akin napansin ko na nakanganga ang isa nyang kaibigan.

"Hoy! Teh nakanganga ka djan baka pasukan ng langaw yang bunganga mo ang bango pa naman nyang bibig mo."

Natatawang biro ni Shina sa kasama kaya automatikong itinikom ng kasama niya ang bibig dahil sa sinabi ng kaibigan.

Napansin ko ang pag kagusto ni shina sa mga nakahain sa kanilang harapan subalit nakabusangot ang mukha nman ang isa tinanong ko kung ano ang problema.

"Bakit ganyan ang mukha mo para kang binagsakan ng langit at lupa?" Tanong ko dito ng nakangiti umiling lang ito at kinuha ang adobo na inorder ko napansin kong si shina ay natutuwa dahil natira sa kanya ang scrambled egg.

"Ayaw mo ba nito be?" Patanong nito sa akin.

"Ayos na ako dito malalaman mo na lang kung bakit ako nagkakaganto." Inuna ko ang pagkain ng pancake hanggang sa maubos ko na lahat ng inorder ko napansin ko ang pagkamutla ng kasama ni shina kaya napabaling ako.

"Bakit ka na mumutla?" Tanong ko dito napansin ko na tumigil sa pagkain si shina kaya napalingon ako sa kanya.

"Be ok ka lang?" Tanong niya sa kasama niya pero hindi ito sumasagot hinawakan ko siya pero nagiinit ang katawan niya.

"Oy! Be ok lang ba?"tanong niya ulit dito pero hindi pa rin nasagot sa kanya ito.

"Mainit siya kailangan natin siyang idala sa clinic."

Sabi ko ang lakas ng tibok ng puso ko dahil baka may allergic siya sa pagkain na inorder ko napansin ko si shina na nagpapanic na.

"Hey! Hwag kang magpanic walang magagawa ang pagpanic mo kung ganyan buti pa idala na lang natin siya sa clinic."

Inakay ko siya sa kabilang braso kahit na minit siya ay tiniis ko napansin ko na hindi mahawakan ni shina ang kanyang kasama kaya gumawa ako ng paraan para mahawakan niya ito at madala na namin sa clinic subalit hindi na namin nakayanan na buhatin siya kaya gumawa na lang ako ng paraan. Napansin ko na bumibigat na ang paghinga niya kaya nagmadali ako na kunin ang table cloth upang ipangbalot sa katawan niyang nagaalab.

Narating na namin ang clinic at nilapag namin siya sa higaan upang malaman ang nangyari sa kanya lumabas ako ng nanginginig ang mga kamay ko dahil sa nangyari. Sana maging okay din ang kalagayan niya dahil natatakot akong mapagbintangan na naman ng ibang tao.

Umupo ako sa upuan na nakalagay sa labas hindi ako mapalagay sa kinakaupuan ko parito't-parito ako hanggang sa hindi ko nakayanan ang sakit sa paa ko kaya umupo na lang ulit ako at dun na lang naghintay ng resulta napansin kung nasa loob pa din si shina at kinakabahan ako sa resultang ilalabas ng nurse patungkol sa kanya.


Announcement:

Matagal-tagal na rin pala ng last update ko siguro matatagalan na naman ako ng update😅thank you pa rin sa mga readers na nagchachaga sa update ko hehe thank you

Academy of Royalties: The lost princess of Winter Kingdom [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon