Malapit na pala ang birthday ko walang may alam ngayon ko lang naalala matapos ng nangyari sa clinic sa ginawa niya naiinis ako pero hindi ko pwede ipaalam kung ano ang tunay na ako.
Wala akong tiwala sa kanila baka masaktan na naman ako, andito ako sa garden ng school nakatambay ayoko pumasok dahil sa tinatamad ako. Napansin ko sa di kalayuan ang isang pusa simula sa kinatatayuan ko nilapitan ko siya upang kuhain.
Nagpakuha at nagpakarga ang pusa sa akin hindi ko inaasahan na may katulad nyang napapadpad dito parang sa normal na mundo lang.
Hindi ko inaasahan na may ganto din pala dito sabagay iba nga palang lugar ito kung saan ako napadpad, hindi nagtagal ay bumaba ang pusa sa pagkakahawak ko napansin ko na pa diretso siya sa damuhan kaya sinundan ko siya.
"Hey! Where are you going kitty?" Sinundan ko siya upang malaman kung saan siya tutungo.
Hindi ko inaasahan na dito pala siya tutungo at nagulat ako sa pagiibang anyo ng pusang sinusundan ko, naging isang makisig na ginoo at nakakapanindig balahibong awra ang binigay niya sa aking kaibuturan.
"Binibini ano ang iyong ginagawa bakit mo ako sinusundan?" Nagulat ako ng magsalita siya, natulala ako sa kagwapuhan at sa kagandahang katawan na nakikita ko sa harapan ko.
[Ps: Sa google ko lang kinuha yung picture pero credits pa din po.]
Ang ganda ng pagkakagawa sa kanya kahit na may suot siyang damit at naka itim na School Polo lang mapapansin mo ang pagkakahubog nang katawan niya.
"Binibini anong maipaglilingkod ko?" Tanong nito sa akin ng may pagkairita sa boses. Nagulat ako sa sinabi niya, nahihiya akong umiwas sa kanyang pagkakatitig alam kung namumula ako dahil sa ginawa kong pagkakatitig sa kanya.
"Bakit mo pala ako sinundan binibini at paano mo ako nakita gayong-" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil may sumulpot na lalaing kauri niya.
"Mahal na prinsipe hinahanap na po kayo ng mahal na reyna sa mundo natin nais kayong makausap ng mahal na reyna." Pagagaw pansin nito sa sinabi ng binatang nasa harap ko.
"Ako nga pala si Guineo Lyrosh, anong iyong ngalan binibini?" Tanong nito sa akin na nagpabalik sa akin.
Nagulantang man ay nagpakilala pa rin ako sa kanya kahit hindi ko siya kilala ay nagpakita pa rin ako ng respeto dahil nasa kaharian nila ako.
"Alesia Samantha tawagin mo na lang akong Alesia nakita kasi kita sa garden kanina na anyong pusa ka kukunin sana kita pero nacucurious ako saan ka nanggaling." Magalang at seryosong sabi ko.
*chuckle*
"Hindi mo na kailangan Alesia sundan ako dito dahil hindi mo alam kung anong lugar itong pinuntahan mo." Makahulugang sabi nito sa akin.
Hindi na lang ako kumibo dahil nahihiwagahan ako kung ano ang lugar na sinasabi niya nacucurious ako sa mga bagay na bago lang sa aking paningin. Lumapit sa akin si Guineo napapansin ko ang pagobserba niya sa aking mukha.
Naiilang ako sa ganong pagkakatitig niya sa akin kaya iniwas ko ang pagkakatingin sa kanya at tumingin sa gilid niya nakita ko dung parang may mga pulang mata sa likod nila na nakikita ko lang tinititigan ko ito may nararamdaman akong init sa akin katawan kaya iniwas ko ang tingin ko dun.
"Sa muling pagkikita natin binibini ay gusto ko makilala ka ng pormal hindi yung ganto na sinundan mo pa ako." Nakangiting sabi nito sa akin tumango na lang ako dahil hindi pa rin nawawala yung init sa katawan ko na ramdam ko pa rin ngayon.
"Hanggang sa muli natin pagkakikita....... mahal na prinsesa......" nagulat ako sa sinabi ni Guineo pero hindi ko na lang pinansin umalis na ako dun sa kinatatayuan ko upang makalabas na dun.
Ps:
Medyo natagalan na ako ng update dito naibigay ko pala yung notebook na pinagsusulatan ko ng ending plot ng story na to akala ko matatapos ko na within this month hindi pala kasi hindi ko matapos tapos......
Salamat pa rin sa mga nagbabasa hope you like the new update next time ulit na update.....
Love you Guys.........
BINABASA MO ANG
Academy of Royalties: The lost princess of Winter Kingdom [On-going]
FantasyAla-ala na matagal nang nakatago. Lubos na pagmamahal, pagaalala, pagkagalit, ingit, sakim sa kapangyarihan, nanabik na makabalik muli. Yan ang mga nakikita sa mga taong nakakasalamuha ng prinsesa subalit wala siyang pakealam kung ano ang nangyayar...