CHAPTER ONE

4.3K 78 0
                                    

“WHAT?! magpapakasal po ako?” Naniningkit ang mga mata ni Yza nakatingin sa ama.  

“You,  heard me right?  Magpapakasal ka Yza,  sa ayaw o gusto mo!” Matigas na angil ni Franco.  Lango na naman ito sa alak.

Simula nang mamatay ang ina niya sa sakit na bone cancer ay nalulong na rin ang kanyang ama sa bisyo,  katulad na lang ng pagsusugal at paglalasing.  Halos pagkain nito ng tatlong beses sa isang araw ay nakakalimutan nito,  mas inuuna pa nito ang alak na  kadalasan ay ginagawang kape sa umaga.

Hindi rin lingid sa kaalaman niya na paunti-unting nalulugi ang kanilang negosyo.  May sariling kompanya sila ng mga tiles,  simento. Ngunit bumagsak iyon ng naging pabaya na ang kanyang ama.

“Did I tell you,  Dad.  Ayoko magpakasal sa lalaking hindi ko pa nakilala’t nakikita.” Pagmamatigas pa rin niya.  Lihim siya napangiwi,  she's cannot imagined the guy is old enough in her age.  O mas matanda pa sa kanyang ama.

Ngumisi si Fernand. “You can meet him as soon as possible, hija. Kung gusto mo,  ngayon mismo.”

Tumayo siya mula sa silyang inuupuan niya. Atsaka malakas na ibinagsak sa ibabaw ng lamesa ang dalawang kamay niya.  

“Why your forcing me to get married that man?  I'm only nineteen at may mga pangarap pa ako para sa buhay ko,” lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatingin ng diritso sa mga mata ng kanyang ama.

Ngunit umiwas ng tingin dito ang kanyang ama. “Kailangan mong pakasalan siya dahil ikaw ang maging bayad sa utang ko sa kanya.  Papayag ka lang ba na makulong ako,  anak?”

“Anak? Kung anak po ninyo ako,  bakit nagawa po ninyo akong gawing pambayad utang?” Punong-puno ng hinanakit ang boses niya.  Hindi na rin niya napigilan ang mga luha nag-alpasan mula sa sulok ng kanyang mga mata. “Kung talagang anak ninyo ako?  Bakit sisirain po ninyo ang buhay ko?”

Tumawa ng malakas si Mang Fernard na tila ay nababaliw na ito. “Eh,  wala ka naman silbi sa bahay na ito.  Sa buhay namin ni Lorraine.  Besides naging malas ang lahat simula ng dumating ka sa buhay naming mag-asawa.”

“Ano  pong ibig n’yong sabihin?” Nanginginig ang boses na ranong niya.  Pakiramdam niya ay anong sandali’y maaaring mabuwal siya mula sa kanyang kinatatayuan.

Ngumisi si Mang Fernard. “Ampon ka lang namin ni Lorraine.”

“Po?  Hindi po ‘yan totoo,  Dad.  Tell me,  nagbibiro ka lang.” Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya sa kanyang pisngi na kanina pa niya pinipilit na pigilan.

“Ampon ka lang,  Yza.  Narinig mo ba ako? Kaya nga ibabayad na lang kita sa utang ko,  sa ganoon may pakinabang naman ako sa’yo. Bawas problema ka pa sa ‘kin.”

“No!  Your joking,  Daddy!” ayaw pa rin niya maniwala sa sinasabi ng kanyang ama.  Marahil nasabi lamang nito na ampon siya dala ng kalasingan.  

Noong nabubuhay pa ang kanyang Mommy Lorraine,  ni minsan ay hindi niya naramdaman na ampon lang siya.  Lumaki siya na masayang pamilya ang nasa paligid niya Mapagmahal sa kanya ang Mommy Lorraine niya,  ganoon din ang Daddy Fernard niya.  Minsan hindi siya nagduda na hindi niya totoong mga magulang ang mag-asawa.  Minahal siya ng mga ito,  binigay ang lahat na gusto niya.  Nasa private school din siya nag-aaral.

“Ikuha mo na lang ako ng alak,  kaysa paiyak-iyak ka riyan.” Baliwalang utos ni Mang Fernard.  “Ihanda mo ang sarili mo rin,  mamaya darating na ang mapapangasawa mo.  Siya na ang bahala sa’yo.” Anitona hindi man lang nito nagawang tapunan siya ng tingin.

“Daddy,  talagang hindi mo na ako mahal?  Wala ka na talagang pakialam sa ‘kin?” Pasigok-sigok ang boses na tanong niya.

Tumawa ng malakas si Mang Fernard. “Ibabayad na nga kita sa utang ko,  di ba?  Wala na akong pakialam sa’yo.”

A PERFECT MISTAKE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon