A PERFECT MISTAKE
WRITTEN BY Ashlie Dreamer
CHAPTER THREE
NAKAPANGALUMBABA si Yza, habang nakatanaw roon sa labas nitong karinderya. Alas-diyes pa lang umaga kaya mangilan-ilan pa lang ang kanilang mga customer na kumakain.
“Nagbibilang ka ba ng mga taong dumadaan o hinihintay mo si Pogi?” pambubuska ni April na dumaan ito sa tabi niya.
Kunwaring sumimangot siya.“Nakapangalumbaba lang may hinintay agad?”
Ngumisi naman si April, talagang nang-aasar ito. “Pansin ko lang, ilang araw ng hindi nakadayo rito si Pogi. Miss mo na siya ano?” Tudyo pa nito.
Tumayo si Yza mula sa stool na inuupuan niya. “Grabe talaga ‘yang instinct mo, April. Di ko alam na may pagka Madam Auring ka na rin pala.” Natatawa niyang sambit, atsaka tinalikuran na ang kaibigan bago pa ito makahirit ng isasagot nito sa kanya.
“Saan ka pupunta?”
“Nakikita mo naman di ba? Sa kusina,” pang-aalaska niya rito.
“Ang sabihin mo, talagang umiiwas ka lang na pag-usapan si pogi. Ayaw mo lang aminin na namimiss mo na siya!” Medyo may kalakasan boses sabi ni April.
“Oy, bibig mo. Hindi ah,” Tanggi niya agad, pakiramdam niya ay biglang uminit ang pisngi niya at kasing pula iyon ng kamatis. Nang naakaagaw na sila ng pansin ni April sa mga customer nila na kumakain. “sino naman siya para mamis?”
“Binibiro lang kita,” ani April na sinabayan ng peace sign.
Sumimangot siya rito atsaka tinalikuran na si April. Pumasok siya sa maliit nilang kusina. Naabutan niya si Aling Lucing na naghihiwa ng mga karne para sa lulutuin nitong ulam para sa tanghalian.
“Yza, pakihiwa naman ng mga gulay para sa lulutoin kong chop suey, mamaya.” Ani Aling Lucing na saglit ito tumigil sa paghihiwa ng karne atsaka tinuro nito ang mga gulay na hihiwain niya.
“Sige po, Tiya Lucing.” Tugon niya rito atsaka kumuha ng kutsilyo at peeler para umpisahan na ang pagbabalat at hihiwain mga gulay.
“Lalabas muna ako, aasikasohin ko lang ang ibang customer natin.” Turan ni Aling Lucing ng matapos na nito hiwain ang mga karne atsaka inilagay muna roon sa loob ng fredge.
“Sige po, ako na ang bahala rito,” aniya na pinagpatuloy ang ginagawa niya.
“Ay ang iba riyan kunwari pa, apektado naman kaya tumakas.” Ayaw paawat panunukso ni April. Sumunid din itong pumasok dito sa kusina.
“Ma at Pa, wala akong sinasabi na gusto ko siya.”
“Aminin mo na lang kasi,” pangungulit ni April, binato pa siya nito ng maliit na perasong broccoli.
“April tigikan mo muna ang pakikipagkulitan kay Yza. Marami na tayong customer. Kailanganin ko ang tulong mo,” Sabi ni Aling Lucing na bumalik dito sa kusina.
“Sige po, Nay.” Tugon ni April. Bumaling ito kay Yza na patuloy na Naghihiwala ng gulay. “Tatanongin ko si pogi kung ano ang pangalan niya.” Nakangisi turan nito bago lumayas para tulungan roon si Aling Lucing.
“Talaga lang, hah.” Aniya nakataas ang isang kilay niya.
“Kunwari ka pa, eh. Crush mo naman si pogi,” tudyo pa rin ni April.
“Aalis ka ba o hindi?” kumuha siya ng usang tabong tubig atsaka winasikan ng tubig si April.
“Aalis na,” natatawang saad ni April.
BINABASA MO ANG
A PERFECT MISTAKE(Completed)
Ficción GeneralLumayas si Yza sa bahay ng kanyang mga magulang ng sapilitan siyang ipapakasal ng ama niya sa lalaking hindi pa niya nakikita't nakilala. Ngunit ang ginawa niya ay malaking pagkakamali dahil nang gabing umalis siya sa kanila ay nagahasa siya ng la...