CHAPTER 6

2.6K 76 3
                                    

SA LOOB nang ilang araw nakalipas ay naging tahanan na rin ni Manuel ang hospital.  Kasama si Yza sa private room nito.

Sa katulad niyang six footer ay pinagkasya niya na lamang ang sarili sa di gaanong mahabang sofa.  Kahit na palaging sumasakit ang buong katawan niya sa hindi siya makahiga ng maayos.  No choice siya at bawal magreklamo.

Naupo siya sa sofa.  Bahagyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang dulo ng kanyang mga daliri.  Naihimas niya rin ang ibabang bahagi ng kanyang baba,  ramdam niya rin ang stables niya roon.

Lumipad ang tingin niya roon sa kama na inookopa ni Yza na mahimbing pa rin ang tulog nito. Sumingaw ang munting ngiti sa sulok ng kanyang  mga labi ng marinig niya ang mahinang paghihilik ni Yza. Naiiling siya ng mapansin niya na nahulog ang kumot nito.

Lumapit siya sa gilid ng kama.  Inayos niya ang kumot sa katawan ni Yza. kumilos ito,  Nalihis ang damit pantulog na suot nito.  Tumampad sa kanyang paningin ang makinis at maputing hita ng dalaga.  Walang kamalay-malay  ito kung ano ang naging epekto niyon sa kanya.  Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ni Manuel, wala naman siya dapat lonokin.  Hindi maalis-alis ang tingin niya sa magandang tanawin naka balandra sa harapan niya.

Huminga siya ng malalim upang payapain ang pagreregor mortez ng alaga niya.

Inayos niya ang kumot sa katawak ng dalaga,  bago pa siya maingganyo sa magandang tanawin nakapain sa harapan niya.  Literal napatingin siya sa magandang mukha ni Yza na mahimbing pa rin ang tulog ng dalaga,  walang kamalay-malay na may ginigising ito sa pagkatao niya.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ni Yza.  Literal na pinasadahan ng dulo ng kanyang daliri ang mapupulang labi ng dalaga.

“Manuel?” Medyo namamalat ang  boses ni Yza,  bahagyang nakamata ito.

Awtomatikong napakamot sa sariling batok niya si Manuel ng magising na ang dalaga.  Hindi lang siya sigurado kung nahalata nito ang pinaggagawa niyang katarantaduhan.

Tabingi siyang ngumiti. “Good morning.”

“Ang aga mo naman nagising.  Anong ginagawa mo?” Bahagyang nakapikit pa rin ang mga mata ni Yza na lalong siniksik ang katawan nito sa ilalim ng kumot.

“Inayos ko lang ang kumot mo.  Masyado kang malikot.”

“Salamat.”

“Matulog ka na uli, maaga pa.”

“Manuel…” mahinang anas ni Yza.

“Hmmm,” tugon ni Manuel.

“Gusto ko ng umuwi.”

Lumipad ang tingin ni Manuel doon sa cellphone niya na umaalingawngaw,  nakapatong doon sa ibabaw ng maliit na lamesa.

“Sagutin ko muna ang caller sa cellphone ko.”Tumalikod na siya upang kunin ang cellphone niya na hindi pa rin tumitigil sa kangawngaw.

NAALIMPUNGATAN si Yza mula sa mahimbing tulog niya ng maramdaman niya na tila may mga mata nakatitig sa kanya. Nang nagmulat siya ng kanyang mga mata ay nabungaran niya si Manuel na nakatitig sa kanya.  May alanganin ngiti naka paskil sa mga labi nito.  Medyo magulo rin ang buhok nito,  tanda na bagong gising din ito.

Nakasunod ang mga mata niya sa likod ni Manuel na naglalakad patungo roon sa maliit na lamesa para kunin ang cellphone nito.

Muli pinikit niya ang kanyang mga mata.  Pakiramdam niya ay hinihila pa rin siya ng antok.  Madaling-araw na siya nakatulog dahil sa hinintay niya pa ang pagdating ni Manuel.  Nang dumating na rin ang lalaki ay nagkunwari naman siya tulog-tulogan.

A PERFECT MISTAKE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon