MAY NGITI nakapaskil sa mga labi ni Yza nang maalala ang magandang panaginip niya nang nagdaang gabi. Tila totoong-totoo nangyaring may umaangkin sa kanya.
Uminat siya ng katawan, habang nanatili pa rin nakapikit ang kanyang mga mata. Ramdam pa rin niya ang pamimigat ng kanyang ulo, dala marahil ng hang over. Naramdaman niya ang bahagyang pagkirot sa gitna ng kanyang mga hita ng tinuwid niya ang kanyang mga binti. Bigla ay tinambol ng kaba ang kanyang dibdib at napuno siya ng takot.
Nagmulat ng mga mata si Yza, nagimbal siya sa kanyang natuklasan ng sumalubong sa paningin niya ang hindi pamilyar na lugar. Wala siya sa sariling kuwarto niya. Nasa ibabaw siya ng single bed na hubo’t hubad.
Hindi panaginip ang nangyari sa kanya nang nagdaang gabi, kung di totoong may umangkin sa pagkababae niya. Ang palatandaan ay ang mansta na kulay pula nasa bed sheet.
Hilam ng luha ang kanyang mga mata, pinagsisihan niya ang ginawa niya ngunit huli na. Nangyari na ang hindi sana dapat. Mas lalong napaiyak siya, dala ng matinding takot.
Bumaba siya mula sa itaas ng kama at hinanap ang kanyang damit. Nakita niyon kaagad na nakapatong ng maayos doon sa ibabaw ng sofa. Dali-dali niya kinuha ang kanyang mga damit, atsaka sinuot ang mga iyon. Natatakot siya na baka masamang tao pa ang lalaking iyon at baka patayin pa siya.
Pagkatapos ay tumungo siya roon sa pinto. Dahan-dahan niya binuksan ang nakasarang dahon ng pinto. Sumilip siya roon sa labas mula sa maliit na giwang ng pinto. Wala siyang tao nakinita. Niluwagan niya ang pagbukas ng dahon ng pinto atsaka maingat na lumabas mula sa loob ng kuwarto.
Todo ingat ang ginawa ni Yza habang naglalakad, iniiwasan niya na makalikha ng ingay. Nakababa siya mula sa hagdan, napagkaalaman niya nasa bar pa rin siya at nasa itaas lang ng bsr na ito ang kuwarto dinalhan sa kanya ng lalaking gumahasa sa kanya.
Pinawisan siya ng malapot at nakahinga ng maluwag nang makalabas na si Yza sa loob ng gusaling iyon. Lakad takbo ang ginawa niya upang makalayo sa lugar na iyon. Sa narating niya ang sakayan ng mga jeep. Sumakay siya ng jeep na wala sa sarili. Ang alam niya lang ay ligtas na siya dahil nakalayo na siya sa light and bright bar.
Malaking palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang lalaking nakasiping niya. Hindi niya rin matandaan ang mukha niyon maliban lang sa isang palatandaan na tumatak sa kanyang isip.
Bago siya bumaba ng jeep ay nagalit pa ang driver, dahil sa wala siyang maibigay na pambayad dito.
Kanina pa siya naglalakad ngunit hindi tiyak ang patutunguhan niya. Nanakit na rin ang kanyang mga binti at paa sa kakalakad. Idagdag pa ang pamimigat ng buong katawan niya nahihilo na rin siya, dala pa rin ng hang over at hindi pa rin siya nakakain o uminom man lang ng tubig.
Nawala rin niya ang purse niya, naroon ang cellphone, ATM, Credit card ng Mommy niya at naroon din ang pera niya. Walang laman ang bulsa niya kahit ni singkong doling.
Naupo siya sa gilid ng pader na puwedeng makaupo sa semento. Nakamasid siya roon sa kalsada na nag-uunahan ang mga sasakyan sa pagtakbo.
Awang-awa siya para sa kanyang sarili. Ayaw niya na rin umuwi sa kanila, tiyak ipipilit na naman ng Daddy Franco niya na magpapakasal siya kung sinumang Pontio Pilato. Higit sa lahat mas magagalit ang Daddy niya kapag nalaman nito ang katangan nangyari sa kanya.
“Ining, may hinihintay ka ba? Kanina pa kasi kita napapansin dito.” Anang ng boses babae.
Nag-angat ng tingin si Yza, nagpaskil siya ng alanganin ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang babaeng may edad na, nakatayo ito sa gilid niya.
BINABASA MO ANG
A PERFECT MISTAKE(Completed)
General FictionLumayas si Yza sa bahay ng kanyang mga magulang ng sapilitan siyang ipapakasal ng ama niya sa lalaking hindi pa niya nakikita't nakilala. Ngunit ang ginawa niya ay malaking pagkakamali dahil nang gabing umalis siya sa kanila ay nagahasa siya ng la...