CHAPTER EIGHT

2.5K 70 0
                                    

KANINA pa si Manuel paikot-ikot sa loob ng hospital upang hanapin si Yza.  Subalit ni anino ng dalaga ay hindi niya nakikita.  Tinatambol na rin ng kaba ang dibdib niya ng mga sandaling iyon.  Hindi na rin niya maiwasan na di mag-isip ng masama.  May masamang nangyari kay Yza.

‘Huwag naman sana,’ piping dasal niya.

“Manuel,  kanina pa kita napapansin. Sino hinahanap mo?” Tanong ni Nurse Jane,  ng masalubong niya dito sa corridor.

“Hinahanap ko si Yza, wala kasi siya sa private ward niya ng dumating ako.” Palinga-linga siya sa paligid ng nagbabakasakali na makita niya ang dalagang hinahanap niya.

“Nakita ko sila na magkasama ni Doc Sebastian.”

Kunot ang noo niya napatingin dito kay Jane. “Si Dax?” naninigurado ng tanong niya. “Nasaan mo sila nakita, Jane?”

“Oo,  nandoon sila sa garden.”Pinasadahan nito ng tingin ang relo pambisig na suot nito. “Maiwan na kita,  Manuel.  May pasyente pa kasi ako.”

“Salamat,” aniya bago ito makaalis.  “Pupunta na rin ako roon sa garden.”

“Welcome,” ani Jane naka all-smile. Nagpaalam na ito na maiwan niya na si Manuel,  upang puntahan  ang pasyente nito.

Hinakbang na rin ni Manuel ang kanyang mga paa,  patungo roon sa garden nitong hospital. Saglit siya huminto sa paglalakad.  Nagpalinga-linga sa paligid upang hanapin ng mga mata niya sina Dax at Yza.

Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niyang makapal na tila naging isang linya na lamang ang mga iyon.  Nang makita niya si Yza na masayang nakikipag-usap sa pinsan niyang si Dax.

Mas lalong nagngitngit ang kanyang kalooban ng inaalalayan ni Dax,  si Yza na maka upo ito sa upuan na gawa sa kahoy. Pakiramdam niya bigla na lang kumolo ang dugo niya at umakyat iyon sa kanyang ulo.  Parang baliw siya sa nakakahanap sa dalaga.  Nag-aalala na rin siya para rito na baka may masamang nangyari na, pero madadatnan niya na masaya itong nakikipag-usap sa kay Dax.

Muli hinakbang niya ang kanyang mga paa,  palapit sa puwesto nila Yza at Dax na nagtatawanan pa ang mga ito habang mag kausap.  Walang pasabi na sumugod niya ng suntok si Dax,  sa pagkabigla nito ay hindi nagawa nitong umilag sa kamao niya. Tinamaan ito sa panga na halos ikatabingi ng mukha ni Dax.

“What's wrong with you?” Gilalas na tanong ni Dax ng makabawi na ito mula sa malakas na suntok. Sapo nito ang panga na tinamaan ng kamao ni Manuel.

“Manuel!” Ani Yza sa pagka-bigla rin sa ginawa ni Manuel na sinugod ng suntok si Dax sa mukha ng huli.

“Ikaw,” mahina ngunit mariin sabi ni Manuel. Binalingsn nito si Yza.“Parang baliw ako sa kakahanap sa’yo,  Yza.  Akala ko may masama ng nangyari sa’yo.

“Wala naman may masamang nangyari sa’kin.  Atsaka nababagot ako sa loob ng kuwarto.”

“Sinamahan ko si Yza rito.”Sabad naman ni Dax sa kalmadong boses.  Tila hindi man lang ito sinontok ni Manuel. “Wala ka raw panahon para sa kanya,” dugtong pa nito nakangisi.

Lalong napikon si Manuel.  Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng dalawang ito.  Pero kilalang-kilala niya ang pinsan niyang si Dax na babaero rin. Pati si Yza ay madali sa mga matatamis na salita nito. Lalaki rin siya kaya alam na alam niya rin kung paano makuha ang isang babae sa matatamis na mga salita.

“We need to talk,” Bahagya siya tinulak ni Dax,  naka isang hakbang paatras ang mga paa niya.  Napansin niya rin na naging malikot ang mga mata ni Dax.  

“Ano ba problema mo?” mariin tanong ni Manuel.

Hinimas-himas ni Dax ang panga na namumula dahil sa tinamaan ng suntok ni Manuel. “Wala akong problema.  Pero siguradong ikaw ang may problema.”

A PERFECT MISTAKE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon