CHAPTER FOUR

2.6K 80 2
                                    

“'NAY,  dalhin na kita sa clinic at patingnan sa Doctor.  Lalong lumala ‘yang ubo mo,” may pag-aalala ng sabi ni April.

Kasalukuyan silang nagliligpit at naglilinis sa loob ng karendirya.  Maaga sila nagsara dahil sa maaga rin naubos ang mga pagkain ni luto ni Aling Lucing.  Mag-alas singko pa lang ng hapon.  

“Huwag na,  gastos lang iyan.” Tanggi ni Aling Lucing na nagpatuloy nito ang pagkwenta ng kinita nila ngayong araw na ‘to.

“Nay  lalong lumalala ‘yang ubo mo,” giit pa rin ni April.

Tumigil si Yza sa paghuhugas ng mga plato.  Lumabas mula rito sa loob ng kusina.

“Tiya Lucing,  tama naman po si April.  Kailangan mo nang magpa-check up sa Doctor,” nababahala na rin siya sa ubo ng mabuting Ginang.  Sa tuwing inaatake ito ng ubo ay tila kating-kati ang lalamunan nito.  Napansin niya rin na nangangayat na rin si Aling Lucing simula ng atakihin ito ubo ito.

“Mamaya,  iinom ko lang ito ng calamansi.  Mawawala rin ito,” pigil ang napipintong pag-ubo nito. “Isa pa sayang ang pera,” pamamatigas pa rin ni Aling Lucing.

“Nay, huwag matigas ang ulo.” Nainis nang turan ni April,  halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang hitsura ng dalaga. “Kayo na nga itong inaalala pero nagmamatigas pa.”

“Simpleng ubo lang ito,” igiit pa rin ni Aling Lucing.  “Mamaya pupunta pa ako roon sa palengke para magpareserve ng recados para sa mga lutuan nating ulam.”

“Ako na po ang bahala ng pumunta ng palengke at magsabi sa mga suki po natin,” presinta ‘agad ni Yza na kanina pa siya nakikinig sa pinag-uusapan

ng mag-ina.  Kilala niya naman ang mga suki ni Aling Lucing na pibagkukuhaan nito ng mga gulay at karne.  Ilang beses na rin kasi siya isinama nito sa palengke sa tuwing mamimili ng mga kailanganin nila para rito sa karendirya.

Parehas na nakatingin ang mag-inang Aling Lucing at April sa kanya.

“Sigurado ka,  Yza?  Ikaw lang mag-isa ang pupunta ng palengke?” Sunod-sunod na tanong nito na tila ayaw maniwala na pupunta siya ng palengke mag-isa.

“Oo nga,  bakit ba?” Patawa-tawa niyang sagot. “Atsaka kailangan n’yo ni Tiya Lucing na pumunta sa clinic,  mamaya sarado na ‘yun.”

“Naku,  bata ka.  Huwag na,  ako na lang ang pupunta atsaka maya mapahamak ka pa.  Maraming adik at loko-lokong mga tambay sa palengke.” Saad ni Aling Lucing.

Lumapit siya sa Ginang atsaka hinawakan ito sa kamay. “Huwag po kayo mag-alala,  mag-ingat po ako.  Mas isipin po ninyo ang kalusugan mo,  Tiya.” Aniyang nakangiti. “Matanda na po.”

“Ako ang natatakot para sa ‘yong  bata ka, sa itsura mong iyan. Nakaagaw pansin ka pa naman.”

“Kasalanan ko po ba kung sadyang maganda itong ampun ninyo.”

“‘Yan na nga ang kinatatakutan ko,mamaya napagtripan ka roon sa palengke.”

“Tiya, hindi rin po ako tatagal sa palengke. Uuri rin po ako kaagad.”

“Sige, basta umuwi ka kaagad. Maaga kang aalis dito at huwag mo na lang tapusin ang mga gawain dito,” ani Aling Lucing na nag-aayos na ito ng sarili, upang pumunta ng clinic para mag-pa check-up.

“Sige po,” aniya pinagpatuloy ang ginagawa niyang paghuhugas ng mga plato.  Malapit niya na rin iyon matapos hugasan ang mga plato.

“Mag-ingat ka Yza,  atsaka huwag kang magpagabi.” Hindi matapos-tapos habilin ni Aling Lucing.

A PERFECT MISTAKE(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon