🖼
*** SPG ALERT ***
Babala! Wag sobrang umasa. Masasaktan lang kayo. 😂
*
Nang makapasok sa bahay nila ay bumungad sa kaniya ang katahimikan. Nasaan ang mama at papa niya?
Dumiretso siya sa kwarto ng dalawa niyang kapatid na lalaki at binuksan iyon. Nadatnan niya ang bagong hugas na si Tobias.
Kita niya ang pag atras nito nang makita siyang pumasok.
“A-ate! Biro ko lang yung kanina!”
Pinagtaasan lang niya ito ng kilay. Wala siya sa mood para pagalitan ito sa sinabi kanina.
“Nasaan sila Mama at Papa?”
Kita niyang nagrelax ang mukha nito.
“Magpupuyat sila sa lamay ngayon. Sinama nila si choichi. Nagluto na siya kumain ka na lang dun sa kusina.”
Tamad nitong sabi saka umakyat sa double deck na gawa sa kahoy na higaan.
“Aba, matutulog ka na?”
Hindi makapaniwalang tanong niya dito ng makitang pumipikit na ito.
“Napagod ako sa P. E namin kanina ate. Wag mo akong guluhin saka hinugasan ko na ang pinggan na ginamit ko kanina kaya wag mo na akong gisingin mamaya.”
Pumalakpak siya.
“Good. Kung ganiyan ka palagi e di magkakasundo tayo. Tss. Sige na! Matulog ka na dyan!”
Saka niya pinatay ang ilaw nito at isinara ang pinto. Pagharap niya ay sakto namang pasok ng dalawa. Puno ng inggit ang matang tiningnan niya kung paano yumakap sa bewang ng ate France niya ang malalaking braso ni Milan habang nakapulupot naman sa braso ng lalaki ang kapatid. They were both holding hands while saying something funny kasi mahinhing bumubungisngis ang ate niya.
Napansin siya ng mga ito kaya agad na peke siyang ngumiti.
“O, Franca. Sumabay ka na sa amin kumain. Wala sila Nanay magpupuyat sa lamay. Kumain na si Toby at nagpapahinga na ata kaya tayo tayo na lang.”
Imbes na sa ate niya ang tingin ay kay Milan iyon napunta. He's also looking at her na parang wala lang nangyari yung kanina. Hindi din naman nagtagal ang tingin nito sa kaniya dahil muli iyong lumipat sa kapatid niya.
Napakagat siya ng labi.
“Kayo na lang. Wala akong gana. Galing na kami kanina sa barbecue-han.”
Hindi na niya hinintay ang sagot nito at agad na tumalikod para umakyat ng kahoy nilang hagdan.
“Ganoon ba?”
Bago isara ang pintuan ng kaniyang kwarto, muli niyang sinulyapan ang mga ito na dali niyang pinagsisihan dahil kita niya ang paglapit ng mukha ni Milan sa huli at mabilis na pinatakan ng halik ang labi ng kapatid.
Inis na sinara niya ang pinto saka humalukipkip. Ano bang nakita ni Milan sa ate France niya at ganun na lang ito kabaliw sa babae?
Ang simple ng ate niya manamit saka hindi mahilig sa make up lipstick lang okay na ito. Mahinhin din ito. Yun ba ang gusto niya? Yung mga boring na trait ng ate niya? Tss.
Ba't hindi sa kaniya?
Pinasadahan niya ng tingin ang katawan sa salamin. Magkamukha naman sila ng ate niya. Mas maputi lang ito ng konti kasi babad ito sa aircon ng eskwelahan. Sexy din siya at mapwet. Kung tutuusin mas malaki ang dibdib niya sa ate niya na isa sa mga pinagmamalaki niya sa lahat. Maporma siya at call na call sa kahit saan ilugar nakikibagay siya na hindi kayang gawin ng huli dahil sobrang mahiyain ito.
BINABASA MO ANG
FRANCA (BCS #1)
Random"Hindi pwedeng ako lang ang hulog na hulog Milan! Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako kahit na ano pang sabihin ng iba o ng pamilya ko basta Milan... mahalin mo lang ako..." - FRANCA "Tang'na naman Franca! Nobyo ako ng Ate mo. Tigilan mo na...