Hurt

126 2 0
                                    

Ang pagkikita na yun ay nasundan pa ng ilang beses. Minsan nagba-bar sila syempre libre ng lalake. May isang beses nga na umiskapo lang sila sa klase nila para mahaba ang oras kaai sinama sila nito sa isang party ng kaibigan nito naabutan sila ng gabi dun.

Pagkauwi niya, sangkaterbang yawyaw na naman inabot niya sa Ate Franca niya kasi dinaanan pala siya nito sa school kasama ni Milan tapos wala pala siya dun.

"Sino yun?"

Kumaway siya sa kotse ni Cinco na papaalis na matapos siyang bumaba.

"Saan ka ba nagpupunta ha?"

"Pagod ako. Wag mo kong kausapin." nilagpasan niya ito pero agad na nahuli nito ang braso niya at hinila siya pabalik.

"Wag kang bastos Franca! Pagod ka? Pagod ka saan? Sa kakasibat sa skwelahan ha?!"

"Ano bang pakialam mo?" inis niyang sabi. Dumadagdag lang ang nakakairitang boses nito sa hilo niya ulo.

"Hindi mo ba alam na nag-antay kami ng ilang oras dun ni Milan? Nagsara na ang gate ng school niyo pero ni anino niyong tatlo ng kaibigan mo wala! Anong nangyayari sayo Franca? May problema ka ba? Ano?"

"Sino ba kasi nagsabing sunduin niyo ako? Wala naman diba? Hindi ko rin sinabing  antayin niyo ako kaya wala akong pakialam at mas lalong wala akong kasalanan."

Nasaan ba ang tao sa bahay na to? Ba't wala ang mama niya?

"Pag nalaman to ni Nanay lagot ka talaga sa kaniya!"

Nagbingi bingihan siya at kumuha na lamang ng tubig sa kusina nila.

"Ano, may boyfriend ka na kaya ganito ka? Magtira ka muna ng sarili mo Franca. Ni hindi ka pa nga nakakapagtapos!"

"Mahirap lang tayo Franca. Isang kahig isang tuka. Tayo na lang ang pag asa nila Tatay at nanay na makaahon sa hirap na to wag mong sayangin ang sakripisyo nila. Itatak mo yan sa isipan mo."

Humigpit ang hawak niya sa baso.

"Huli na to Franca."

Saka nito nilisan ang kusina at padabog na umakyat ng hagdan pataas.

Epal talaga.

"Ano, punta tayong bente bente? Gusto kong kumain ng-"

"O? Anyari sayo dyan?"

Sinilip niya ang mukha ni Gelai nung bigla itong tumigil sa paglalakad palabas ng gate ng school nila.

"Namamalikmata ba ako?"

"Ha?"

Kumibit balikat naman si Clarissa nung lingunin niya ito.

"Nakadrugs ata. Ikaw Gelai baka tumitira ka na ng-Aray naman!"

"Gaga. Yun ang sinasabi ko. Tingnan mo."

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito at ganun na lang ang gulat niya nung makita ang lalakeng nakasandal sa pintuan ng kotse nito. Nakayuko at at walang alam na pinagtitinginan na pala ng mga estudyanteng lumalabas ng gate. May ilan pang kinukunan ito ng litrato.

"Si Milan ba yan?"

Anong ginagawa nito sa school nila?

Nung ilibot niya ang mata sa paligid ay hindi niya makita ang ate France niya. May kikitain ba itong kakilala doon?

"Lapitan natin bilis!"

Huli na para umangal siya dahil naitulak na siya nito papunta sa lalakeng walang pakialam.

"Milan!"

Nag-angat ng tingin ang lalake sa kanila at agad na nagtama ang tingin nilang dalawa. Sobrang kabog ng dibdib niya. Ilang araw na ba nung huling kita niya dito? Pinamulahan siya nung maalala ang nangyari.

FRANCA (BCS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon