Mark

150 2 0
                                    

                                🚫❎

“Anong oras ka umuwi kagabi Prangka?”

Iyon ang bungad sa kaniya ng Mama nila sa hapag kinaumagahan.

“Alas diyes na ata yun Ma.”walang ganan niyang sabi.

“Anong alas diyes?! Natulog kami ng Papa mo Alas diyes imponto! Wala ka dine!”

Pabagsak na ibinaba niya ang kutsara na ikina-angat ng tingin ng lahat ng naroon sa mesa.

“Edi alas diyes uno! Hindi ko alam ma! Sira sira naman kasi tong relong binili niyo sakin!”

Nakarinig siya ng pagsinghap sa naging pagsagot niya.

“Franca. Nagtatanong lang naman si Nanay. Ba't ka nagtataas ng boses?”

Agad na napairap siya sa hangin ng magsalita na ang Ate France nila.

“Francisco! Nakita mo na kung paano ako sagut-sagutin ng anak mo na yan?”

Sinulyapan siya ng Papa ng matagal bago binalingan ang asawa.

“Hayaan mo na. Alam mong nagmamadali yan.”

Pumantay ang balikat niya nung ipagtanggol siya ng Papa nila. Sa lahat ng tao sa bahay nila ito ang kasundo niya sa lahat. Spoiled siya dito.

“Hayan ka na naman at pinagtatanggol ang isang yan.”

Ininom niya ang tubig at tumayo na paalis. Sa Papa niya siya mismo tumingin.

“Mauna na ho ako. Pasensya na masama lang ang pakiramdam ko.”

Nakamasid lang ang Papa niya sa galaw niya kapagkuway tumango at pinagpatuloy ang pagkain. Tumalikod na siya at umakyat para kunin ang gamit.

“Maging istrikto ka naman Francisco! Kaya tumataas ang sungay nun kasi alam niyang kakampihan mo! Ni hindi nga natin alam kung saan yun galing kagabi at sinong kasa-kasama!Diyos ko naman!” rinig niyang angal ng Mama niya sa ibaba.

“Matanda na siya Weena. Pabayaan mo na yan. Pag hinigpitan mo yan mas lalong titigas ang ulo.”

“Haru diyos ko! Ke bata pa nyan! Pano kung mabuntis yan? Kaninong kati sa ulo yan? Diba sa atin?”

“Weena, Kumikerengkeng lang yang anak natin pero hindi yan ganiyang klaseng babae! Ikaw dapat ang may alam niyan! Kung tutuosin nga ganiyan ka noong dalaga ka pa! Manang mana sayo!”

Nakarinig siya ng pagsinghap kasunod ng tunog ng paghampas.

“Kaya nga tinutuwid kong animal ka!”

“O de, inamin mo ring mana sayo! Hay ewan ko sa inyung mga babae kayo.”

“Tumahimik ka!”

Nasundan yun ng hagikgikan ng mga kapatid niya sa kusina. Tuluyang isinara niya ang pintuan ng kwarto at tinungo ang salamin sa malapit.

Nakipagtitigan siya sa sarili ng matagal bago umakyat ang kamay sa kwelyo ng uniporme niya at sinakop ang buhok sa kabilang balikat. Doon tumambad sa kaniya ang ebidensya ng nangyari kagabi. Na hindi iyon panaginip.

Pinasadahan ng mga daliri niya ang pantal na marka na nagkalat sa leeg niya.

He did this.

“Oo Mama. Malandi nga talaga ako.”bulong niya.

“Franca may—”

Natulos siya sa kinatatayuan at nanlamig nung bigla na lamang pumasok ang ate France niya sa kaniyang kwarto.

FRANCA (BCS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon