Papansin Failed

175 2 0
                                    

"Shit ang gwapo!"

Hindi niya pinansin ang dalawa sa mga pinagsasabi at nakapokus lang sa cellphone ni Gelai. Iniistalk na kasi niya yung si Cinco na friend ng ate niya. At hindi siya makapaniwalang nanligaw yun dati sa ate Franca niya pero binsted lang ng kapatid. Kung ganung mukha ang nanligaw sa kaniya, aba! Hindi na niya pakakawalan pa ang gwapong nilalang na iyon.

Izinoom niya ang isa nitong litrato na kuha sa court ng basketball. Candid shot lang yun kung saan may kausap itong team mate nakaangat ang jersey na damit nito dahil ginawa nito iyong pamunas sa pawisang noo dahilan para sumilip ang tinatago nitong pandesal. Sobrang hot nito sa picture na yun na hindi na niya ikinapagtakang umabot ng libo libong likes at react.

Kaya minsan gustong gusto niya na dumadaan sa skwelahan ng ate niya e! Ang daming gwapong college guy doon.

Napakagat-labi siya. Nagsend siya ng friend request sa lalaki pero sigurado siyang hindi siya nun papansinin lalo pa at sa nakikita niyang mga nagcocoment sa mga post nito ay puro sosyaleng babae.

Nakangising nagtipa siya ng mensahe. Isa lang ang naiisip niyang dahilan para mapansin ng lalaki.

"Hi Cinco. Nakita kong kaibigan ka pala ni ate France ko. Gusto ko lang itanong kung nandyan pa ba siya sa school? Hindi pa kasi siya umuuwi. Hindi kasi siya sumasagot sa text namin ni Mama. Nag-aalala kami. Pasensya na sa disturbo pero kasi baka nakita mo siya."

She hit the send button. Napakagat siya sa kuko habang binabasa ulit ang mensahe sa lalaki.

Yes. Pinagpapasalamat niya na maganda ang ate niya syempre ganun din siya pero dahil matured na ang nauna, medyo hubog na ang katawan nito at dalaga ng tingnan kaya maraming gwapo ang nahuhumaling dito lalo na sa eskwelahan ng mga ito kaya nga minsan naiinggit siya dito dahil sa nakikitang hinahatid ito minsan ng mga kakilala nitong nakakotse tapos tuwing birthday nito ang mamahal ng natatanggap na regalo. Marami kasi itong mayayamang kakilala daw.

Palagi siyang sinasabihan ng Mama nila na maarte pero para sa kaniya maarte din ang ate France nila na alam niyang natural lang hindi tulad kaniya pero kasi hindi nito dapat tinatapon ng basta basta ang mga lalaking katulad ni Cinco pwede namang ibigay na lang nito sa kaniya. Willing naman siyang tumanggap basta pasok sa standards na gusto niya sa mga lalaki.

"Sige na. Magkunwari ka lang na bibili."

"Ano namang bibilhin ko? E dyes pesos lang ang pera ko dito no. Nakakahiya kaya."

Ramdam niya ang pagtutulakan ng dalawa sa tabi niya kaya nilingon na niya ang mga ito.

"Ano ba talagang balak niyo diyan? Kung dumiretso na kayo dun kanina e di natapos na."

Parehong sumenyas ang mga itong hinaan niya ang boses. Mga baliw talaga. Nandito kasi sila ngayon sa pader sa tabi lang ng tindahan nila Aling Sally at parang tangang nakatago doon habang pasilip silip sa tindahan.

"O sige nga, ikaw nga!"

Hamon ng mga ito sa kaniya. She smirked.

"Gurl! Diskarte lang yan para mapansin ang ganda. Watch me." Maarteng ingles niya saka buong tapang na rumampa papuntang tindahan.

"Teka, may pera ba yun?" rinig pa niyang tanong ni Clarissa.

Kahit wala kang pera kung maganda ka. Tsk tsk.

"Heto boss o." geez ang ganda ng boses.

Huminto siya sa tindahan at umarteng nilibot ang tingin. Sa gilid ng mata niya kita niya ang paghagod ng tingin ng lalaki na bumibili ng bigas sa kaniya.

"Boss?"

Pasimple siyang lumingon sa target. Nagtataka ang tingin nito dahil hindi pa kinukuha nung lalaki ang nakacellophane na bigas sa kamay nitong nakaangat. Kunot noong sinundan nito ang tingin ng lalaki at nagtama ang tingin nilang dalawa.

FRANCA (BCS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon