Pushed

223 6 1
                                    

“Alis na ko.”

Parehong napalingon sa kaniya ang kaibigan.

“O? Anong meron ba't nagmamadali kayo pareho?” Gelai.

Napasulyap siya kay Clarissa na ngayon lang din niya napansin na ready na rin sa pag-alis, bitbit na rin nito ang sariling gamit.

“Uhm. Nagtext si Nanay d-dumating yung mga labahin sa bahay. Kelangan ko ng pera para sa mga projects natin kaya tutulong ako sa kaniya.” Clarissa.

Siya naman ngayon ang sinulyapan ni Gelai na may pataas kilay pang nalalaman. Para bang kinikilatis sila nito kung nagsasabi ba ng totoo. Pinapasingkit pa nuto ang mata para convincing tingnan.

“At ikaw? Anong rason mo?”

Confident na nginitian niya ang babae.

“Lalandiin ko si Milan. Kaya babush na.”

“Sana all may kalandian. Try ko nga mag Tinder.”

Napailing na lamang siya sa kaibigan bago nagpaalam at tumalikod na. Hindi na niya inantay pa si Clarissa dahil nagmamadali talaga siya.

Mabilis na pumara siya ng jeep at bumaba sa building ng condo ni Milan. Minutes later, nandoon na siya sa harap ng pintuan nito at kumakatok. Medyo nagtaka pa siya kung sa loob ba nanggagaling yung naririnig niyang ingay.

Muli siyang nagdoorbell ng walang bumukas ilang minuto matapos ang una. Ilang sandali pa bumukas ang pintuan. Niready niya ang magandang ngiti para sa lalake pero nafreeze iyon nang isang patawa tawang babae na may hawak na inumin ang bumungad sa kaniya kasunod ng tawanan mula sa loob.

“Yes?” nablanko ang mukha niya ng hagudin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Sino tong bruha na to?

“Hey Miss, kung namali ka ng—hey!”

Pabangga na dinaanan niya ito at lakas loob na pinasok ang kwarto na parang siya ang may-ari.

“Bitch! Sino ka para pumasok na lang basta basta!”

Napahinto siya. Malakas ang boses ng babae dahilan para mapalingon sa kanila ang mga taong nasa couch ngayon. Nailibot niya ang tingin at agad na nakilala ang mga lalake na nandoon. It was Milan's friends. May katabi ang mga itong mga babae na hindi pamilyar sa kaniya except dun sa katabi ni Xander na nakita niya sa bar. May mga bote ng alak at take out na pagkain sa mesa. Walo silang nadoon kabilang na yung bruha na bumukas ng pinto at si Milan na magkasalubong ang kilay ngayon at madilim na nakatingin sa kaniya.

“Oh? Franca right?” Xander.

Dahil sa pagtawag ni Xander sa kaniya agad n sumama ang tingin nung babae nito sa kaniya.

Chill. Hindi ko yan aagawin sayo.

“Babe, kilala mo ba to? She just barged in.” maarteng tanong nung bruha na pumwesto sa likod ni Milan.

Binigyan niya ito ng masamang tingin na nagsasabing “Punyeta. Umalis ka diyan kung ayaw mo magkagulo dito ngayon~look”

“Anong ginagawa mo dito?” malamig na tanong ni Milan sa kaniya.

“Milan kasi hindi ka nagrerep—”

“Get out.”

“Pero kelangan kitang kaus—”

“Get out.”

Nahigit niya ang hininga ng bigla itong tumayo at higitin siya nito sa braso at kinaladkad papuntang pintuan na pinasukan niya kanina. Bago pa man mabuksan nito ang pinto ay pumalag na siya.

FRANCA (BCS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon