👄
“Arrgggh!”
Ramdam niya ang pamumuo ng pawis sa noo niya nung matagumpay na naibagsak niya sa kama nito si Milan. Pagod na napaupo siya sa kama nito at pagod na binalingan ang ilang gamit na nahulog dahil sa likot ng lalaki kanina.
“Kung hindi lang kita gusto...” nakasimangot na sabi niya bago inayos ang pagkakahiga nito.
Tinanggal niya ang sapin nito sa paa at saka sinimulang hubarin ang tshirt nito. Pinigilan niya ang sariling may magawang kakaiba sa katawan nito. Hindi naman kasi siya sobrang halay no. Alam naman niyang maganda ang katawan nito at hindi rin iyon ang first time niya na makita yun.
Nasa leeg na nito ang tshirt at konti na lang maaalis na niya iyon nang biglang umangal ang lalake.
“Sino ka? Hindi mo ko pwedeng hubaran...”ingos nito.
“Basa ang damit mo. Kelangan mong hubarin to.” muli niyang inagaw yun at itinaas pero naglikot ang lalake.
“Ano ba! Ang tanda mo na para umangal ah!”
“Hindi pwede... Si Francesca lang...”
Napasimangot siya nung marinig ang pangalan ng kapatid.
“Ano? Kahit ba naman lasing ka hindi mo parin maalis sa isip mo yang kapatid ko?!”
Inis na binitawan niya ang tshirt.
“Si France lang...” he murmured.
“Fyi Milan! Kung hindi kita nakita dun alam mo ba ang mangyayari? Sa mga oras na to nilaplap na tong katawan mo nung mga malalandi na yun ng wala kang kamalay malay. Tapos sasabihin mo pang si Ate France lang may karapatang hubaran ka ng damit? Ha! Ni anino nga nun hindi nagpakita kanina. Anong klaseng girlfriend yun?”
Para tuloy siyang baliw dun na kinakausap ang lalaki na hindi niya alam kung gising ba o tulog na.
“Francesca...”
“Si Franca to! Franca. Kainis talaga.” bat ba magkatunog pangalan nila.
Inirapan niya ito saka tinungo nalang ang aircon at ini-on iyon. Pinulot din niya ang gamit kanina na nasa sahig at ibinalik sa kinalalagyan. Maganda ang apartment nito malayong malayo sa squatter na pamamahay nila.
Napasulyap siya sa orasan, alas dyes y medya na ng gabi. Kung uuwi pa siya ay siguradong wala na siyang masasakyan pauwi. Hindi nakaligtas sa kaniya ang isang frame na may larawan ng dalawa. It was a candid shot. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar pero makikitang gabi iyon at tanging mga matitingkad na ilaw sa paligid ang nakikita niya habang magkayakap ang mga ito sa isa't isa. Milan was kissing her head while her sister was happily smiling holding a bouquet of red roses in her hand.
Nakita na lang niya ang sariling tiniklop iyon. Looking at the picture shows how happy they are. Pain envelopes her.
Alam niyang malaking gulo oras na malaman ng ate niya ang pinanggagawa niya pero sinubukan niya namang pigilan. God knows how she tried. Pero may expiration talaga ang lahat. Hindi niya magawang maging masaya sa dalawa kahit na nakikita niyang masaya ang mga ito.
Napabuntunghininga siya.
Nilingon niya ang lalaki na nasa kama, tutal lasing pa naman ito at mukhang tatanghaliin ng gising dito na muna siguro siya matutulog. Uuwi na lang siya ng maaga. Magrarason na lang siya kina mama at Papa niya.
Nang maayos na ang lahat ay pinatay niya ang ilaw ng kwarto at iniwang nakabukas ang lampshade para kahit papaano ay may konting liwanag sa loob.
Muli niyang nilapitan si Milan at nang makitang mahimbing ang tulog ay itinuloy niya ang pag-alis ng damit sa leeg nito. Napangiti siya ng matapos, matagal na pinagsawa na pinagmasdan niya ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
FRANCA (BCS #1)
Random"Hindi pwedeng ako lang ang hulog na hulog Milan! Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako kahit na ano pang sabihin ng iba o ng pamilya ko basta Milan... mahalin mo lang ako..." - FRANCA "Tang'na naman Franca! Nobyo ako ng Ate mo. Tigilan mo na...