CHAPTER 70
THIRD's PERSON's P.O.V
"Nang minsan ay hindi ka ninais, pero ngayon ay namimiss
Mga ngiti mong kay-ganda, parang hugis ng buwan sa langit kapag tigsibol pa.
Ang mga mata mong nag-niningning na parang ako'y na-aakit at kay ganda na parang mga bituin sa langit" - sambit ni Cleo habang nakatingala sa langit na puno ng mga bituin at ang liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na kaniyang kinatatayuan."Sissy! Naglalaro ba tayo ng statue dance at bakit ka tumigil sa paglalakad?" Naiinis na sabi ni Tokwa kay Alexa.
"Ano ba kasing meron sa itaas? Andiyan ba si Darna?" Anak ng Tokwa nga siya. Haist!
Biglang naalala nito ang unang araw nito sa bahay ng mga serge. At ang araw kung saan silang dalawa ang nag-agawan sa iisang libro.
"Huh??? W-wala naman, uhm... hali ka na nga!" gulat na sabi ni Alexa sabay hila kay Tokwa. At tuloyan na silang naglakad papunta sa kubo ni Alexa.
"Alam mo ang super weird mo ngayon, Anyare ba sayo kasi girl?" Anang pagpupumilit ni Tokwa na tanong sa kaniya.
"Wala" Matipid na sagot nito kay Tokwa habang patuloy parin ito sa paglalakad hanggang sa nakarating na sila sa kubo ni Alexa, saka naman nagpaalam si Tokwa sa kaniya.
Habang si Cleo naman andon na siya sa may mga taong nag paparty sa resort nila at doon naki inom at nakiparty.
"Isang matapang nga na alak, yung kaya akong ipaglaban" anang order ni Cleo sa bartender na kilala bilang si Carson.
"Oh! Mr. Serge napadalaw ka yata sa resort niyo?" Biglang gulat nito kay Cleo na nakapuzzled look lang sa kaniya.
"Ca-carson?" Pagtatakang tawag nito sa pangalan ng lalaking bartender.
"Mukhang, broken kayo ah?" Pangaasar pa nito kay Cleo sabay bigay ng alak na inorder sa ka iya ni Cleo.
Agad naman na tinungga ni Cleo ang ibinigay na alak sa kaniya.
"Sinabi mo pa" parang agree naman ni Cleo."Isa pa nga!" Order pa ulit ni Cleo hanggang sa nakailan na itong baso ng alak.
"Isa pa nga!" Lasing na order ni Cleo sa kaniya.
"Naku! Sir tama na po, Mukhang lasing na po kayo" sabi pa ni Carson sa kaniya na pinigilan ito sa pagiinom nito.
"Hindi mo ba ako narinig? Gusto ko pang uminom!" Galit nitong order kay Carson. At wala namang magawa si Carson kundi ibigay ang kagustohan nito dahil kung hindi baka mawalan pa siya ng trabaho.
"Bakit ganon? I did everything just to forget her? Pero habang sinusubukan ko siyang kalimotan bakit bumibigat ang pakiramdam ko at parang sinasaksak ko ang sarili ko ng isang matulis na bagay" lintanya nito habang mangiyakngiyak. Sabay tinungga ang alak.
ALEXA's P.O.V
Paulit-ulit lang ang gingawa ko sa kama ko. May pa harap sa kanan, harap sa kaliwa at harap sa kisame ng kubo. Hindi ako makatulog kaya naman nag decide ako na lumabas muna ng kubo baka kulang lang ako sa pagod kasi hindi ako nakapag trabaho nga diba?
Naglakadlakad lang ako sa may gilid ng kabuhanginan kung saan naabot ng dagat ang paa ko habang ito ay pumapalo ng mahina ang alon nito.
Napatingin-tingin ako sa paligid hanggang sa nakuha ng attensyon ko ang isang lugar kung saan nag sisigawan ang mga guest and costumers ng resort na pinagtatrabahoan ko kaya naman napatakbo ako papunta doon.
BINABASA MO ANG
Dear Ideal Guy Season 2: My Ideal Guy (COMPLETED✔)
RomanceA Dear Ideal Guy Book Series no. 2 (Completed✔) Sa paglipas ng tatlong taon babalik si Alexa nang may panibagong buhay. Handa na siyang humarap sa kaniyang nakaraan ngunit, paano kung ang inaakalang nakalimotan na ay siyang hindi pa pala? Si Cleoffo...