CHAPTER 27

33 0 0
                                    

Nasiraan ako ng sasakyan dahil may kalsada akong nadaanan na lubog sa baha. Tumakbo  ako hanggang makarating sa bahay nila Sheen. Nakabukas ang pinto nya kaya nagdiretso na ako ng pasok sa  bahay nya .

Nakita kong nakatakip siya Ng kumot at nakahiga sa sofa pero may nakikita kong ilaw so ibig sabihin may hawak Syang flashlight. TAKOT NGA ! 😅  Dahan-dahan akong nagtago sa likod Ng sofa. 

"Psst" bumalikwas sya ng bangon.

"Sino Yan?" tanong niya

"Psst" ulit ko

"Hindi ako natatakot sa iyo ! " kinakabahang sagot niya.

"Psst". 

"Waaaah ! Mommyyyy " tumayo sya sa gilid Ng sofa at itinutok ang flashlight sa may parteng kusina.

Ako naman naggapang papunta sa gilid niya.

"Nasaan ka?! Hindi ako natatakot sa  iyo ! ". sigaw niya. "Pero Kung mumu ka wag nalang pala . Joke lang yun. " bawi niya 🤣

Bigla akong tumayo ,naramdaman niya yata kaya tumingin siya sa pwesto ko sabay "AAAAHHHHH !!" sigaw niya.

Maa-out of balance siya kaya hinawakan ko siya sa bewang at dahil dun nalaglag kami sa sofa.

"Don't touch me ! AAAAHHHHH!" sigaw niya habang pinaghahampas ako .

"Hey it's me ! " Awat ko sa kanya.

Dumilat siya at itinapat ang flashlight sa mukha ko.
"Allen "

Kahit medyo nakakasilaw , kitang Kita ko yungmaamo niyang mukha . Ano ba itong nararamdaman ko ? Bakit ang bilis bilis Ng tibok ng puso ko ? .

Nakatingin lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya. In love yata ako. In love na yata ako sa bestfriend ko .

"Sheen , I think " Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla niya akong tinulak para makaupo siya.

Bigla Niya uLit akong pinaghahampas. " Siraulo ka!" nagulat ako nang bigla nya kong sabunutan . "Bakit ka Kasi nanggugulat ?! Ayan tuloy ! "

" Nakakatawa ka Kasi kanina . Halatang takot ka" sagot ko.

Putekk.  Ayun na Yun eh.  Muntik na akong umamin.

"Eh kasi bigla bigla nalang nawawalan ng ilaw . Tapos mag Isa Lang ako dito. "  Napangiti nalang ako Kasi bigla siyang nag pout.

"Bakit ba basa ka? Pati tuloy damit ko nabasa " tanong nya sa akin. Habang nakatingin siya sa parteng Ng damit niyang medyo nabasa.

"Eh Kasi nasiraan ako sa daan . Wala palang naka ready na payong sa sasakyan Kaya sumugod na Lang ako sa ulan"

"Bakit ka pa Kasi pumunta dito? Namiss mo ko no? " Biro niya

"Naalala ko lang na mag isa ka dito Kaya ayun napasugod"  sagot ko habang hinihimas Yung batok ko.

"Tara . Samahan mo ko sa kwarto . Kuha kitang towel" Yaya Niya

Umakyat kami sa kwarto niya , pumunta siya sa cabinet at kumuha Ng towel at jogging pants at inabot sa akin. Pumasok ako sa cr sa kwarto niya para magpalit. Paglabas ko nag Iwas siya agad Ng tingin sa akin. Mabilis Niya namang kinuha Yung t-shirt ko at pants para patuyuin.

"Pasensya na Jogging pants ko Lang kasya sayo. Maliliit shirts ko. "

"Ayos na ito. Salamat"

"Di ba sinisipon ka na kanina? Uminom ka na ba Ng gamot?"

" Hindi uso gamot sa akin HAHAHA"   sabay achoo.  Napalingon ako sa kanya at iiling iling siya .

" Tsk! See? Matigas ulo" Sabi Niya at kinatok Yung ulo ko.

Lumapit siya sa Kama Niya at kumuha Ng mga unan at kumot . Tapos pinakuha nya sa akin Yung Isa nyang single bed na nakaroll malapit sa Kama Niya.

"Dito ka na magstay . Baka mapahamak ka pa sa labas " Sabi niya at tumango Lang ako.

"Tara baba na Tayo. "  Pero di Niya ko tinitignan kahit kinakausap Niya ako. Naiilang siguro sya Kasi towel Lang nakatakip Ng konti  sa chest ko dahil sinampay ko sa balikat ko.

Nang makarating kami sa Sala ibinaba muna namin Yung mga dala namin.

"Umupo ka na diyan, may kukunin Lang ako sa kusina"  paalam Niya .

Pagbalik niya may dala na siyang tray na may lamang  isang basong tubig,  coffee at gamot. Inilapag niya sa mini table at lumapit siya sa akin.

"Inumin mo ito" sabay abot sa akin Ng neozep at tubig .

" Hindi nga ako umiinom Ng gamot"

"Pag sinabi Kong uminom ka Allen, iinumin mo Allen "  nagulat ako ng medyo yumuko sya sa akin at hawakan Yung chin ko dahilan para ibuka ko ang bibig ko ,sabay nilagay Niya Yung gamot. At inabot sa akin Yung tubig .

"Very good" Sabi niya at inalok Naman ako Ng coffee.

Grab ngayon ko Lang naramdaman Yung pag sinabi niya gagawin ko. Ibang klase. Ibang iba.

Now That I Have YouWhere stories live. Discover now