CHAPTER 25

38 0 0
                                    

              **SHEEN'S POV**

Dinalaw nya ko sa bahay ,pinagluto akong breakfast, naglinis kami ng bahay,nag grocery, nagluto ng lunch, nagselfie xD,  nagmovie marathon tapos nakatulog ako :-D  . Paggising ko nasa kwarto na ako so ibig sabihin...  Waaah!  BINUHAT nya ako ^_^

Yung ginawa namin ngayong araw, gawain na ng mag on yhiee kinikilig ako :')

Pagkahatid ko sa kanya, nagprepare akong dinner since sabi nya pinagluto nya ako. Katabi nung niluto nya may nakalagay na note :

Partner, pinakialaman ko na kusina mo hehe.  Pang thank you ko na ito sayo. Sana magustuhan mo. 

Ang niluto nya?  Giniling  ^o^ . Ang sarap ng kain ko pag sya nagluluto.  Syempre love ko yun e hihihi. 

-----------------------------------------------------

@School

Pinuntahan ako ni Allen nung breaktime, sabay daw sya sa akin kumain.

"Wait lang. Bili muna kong pagkain ko" paalam ko sa kanya.

" Pinagbaon kita.  Sinipag ako magluto kanina e"  sabi nya sabay abot sa akin ng Tupperware. 

"Thank you "  

"No problem "  tapos nginitian nya ako. Geez ang sweet. 

Lagi nya kong hinahatid sa bahay para turuan akong magluto .

Kapag tapos na sabay na rin kaming nagdi dinner pero napansin kong mahina sya kumain ngayon.

"oy partner, bakit ang konti ng kinain mo?  Dami pa oh. " tanong ko sa kanya sabay nguso sa pagkain.

" baka kasi pag uwi ko di na ko makakain ng niluto ni mommy pag nagpakabusog ako dito.  Magtatampo yun "

Inintay nya lang ako matapos kumain bago sya nagpaalam umuwi. Nung una ayokong syang paalisin kasi ang lakas ng ulan tapos di nya pa dala kotse nya. Pero dahil ayaw nya magpaawat pinahiram ko na lang syang payong. 

Now That I Have YouWhere stories live. Discover now