CHAPTER 32

45 0 0
                                    

             ***ALLEN'S POV***

Minsan pala talaga mahirap iwasan ang nakasanayan . Tinutuon ko sa iba Yung atensyon ko pero pagdating sa gabi siya pa rin iniisip ko.

Natigil ako sa pag iisip ng marinig Kong tinawag ako ng kapatid ko kasama niya si Janine. Lumapit sa akin si Janine at humalik sa cheek ko.

"Kuya pasabay kami pauwi please. Naghahabol ako Ng oras Kasi may projects na kailangang ipasa bukas. Kila Ja Lang ako bababa"

"Sige " pagpayag ko
Naglalakad kami papuntang parking nang Makita namin si Sheen na nakaupo sa tmabayan namin.

"Lex si ate Sheen oh" turo ni Ja

" Ate Sheen " tawag ni Lex sa kanya. Napansin Kong nagpunas siya Ng mata niya. Umiiyak ba siya? 

Nilapitan namin siya pero nasa likod Lang ako nila Lex

" Ate ? Bakit ka umiiyak?" alalang tanong Ng kapatid ko

"Ha? Hindi ah" ngumiti siya Ng peke sa kapatid ko.

"Hindi ka magaling magsinungaling ate . Spill it " Sabi ni Ja

Napatingin siya sa akin. Nag iwas ako tingin dahil di ako makatagal na makitang umiiyak siya.

"Pwedeng pa hug nalang? " Tanong niya kila Lex

Bigla siyang niyakap ni Janine habang tinatap ni Lex Yung likod ni Sheen.

Nagsimula na naman siyang umiyak. Nung medyo naging ok na siya nag insist so Lex na ihatid namin si Sheen.

Inalalayan ni Lex at Ja si Sheen papuntang sasakyan.

"Ate dito ka na sa unahan. Tabi kayo ni kuya . Kila Ja Lang Kasi kami bababa, si kuya na bahalang maghatid sayo" paliwanag ni Lex ng nasa labas pa sila Ng sasakyan

" Ah Hindi na . Kaya ko Naman sarili ko e. Salamat nalang . " Sagot ni sheen

"Hindi kami papayag na umuwi ka mag Isa ate . "pilit ni Ja .

Wala siyang nagawa kundi sumakay nalang nag sasakyan . Sa likod siya sumakay sa tabi ni Janine. Si Lex ang tumabi sa akin sa unahan.

Hindi ko maiwasan hindi mapati gin sa rear view mirror kasi namumula pa ang mata at ilong niya.

"Ate what happened?" Tanong ni Ja habang nakaakbay kay Sheen

" Yung friend ko Kasi kinwento niya sa akin na nilalayuan siya ng friend niya pero di niya Alam Yung reason . "

"Ahh naawa ka ate? Ano Naman kayang problema nung kaibigan niya?" takang tanong ni Lex

" Di daw sinabi reason eh" sagot ni Sheen na nagpupunas na Ng luha uLit

" Well . Aish magulo. Yaan mo Yun ate . Stop crying . Maaayos din ang lahat" Sabi ni Ja

Parang kami lang pala, umiwas ako ng walang sinabing dahilan . Umiiyak siya Hindi dahil sa akin. Akala ko umiiyak siya kasi namimiss niya ako. 

Tinigil ko ang kotse sa harap Ng bahay nila Ja .

" Kuya thanks." sabay dukwang sa akin sa harapan para ikiss ako sa cheeks. " Ate wag ka na umiyak ha? "  niyakap niya Rin Si Sheen at kiniss sa cheeks. Tumango Lang Si Sheen.

"Kuya salamat" tinapik ako ni Lex sa  balikat bago siya bumaba. Lumapit siya sa likod at niyakap Si Sheen.
"Bye ate . Mag ingat kayo" paalam ni Lex at sinara na ang pinto .

Gusto ko siyang palipatin dito sa tabi ko pero Wala akong lakas Ng loob para gawin Yun. Sinimulan ko Ng iandar ang sasakyan pero di pa kami nagtatagal ay nagsalita na sya.

Now That I Have YouWhere stories live. Discover now