CHAPTER 19

46 0 0
                                    

            ***ALLEN'S POV***

Gusto kong makilala yung babaeng nagmakaawa kay Dean. Dahil sa kanya kaya pinagbubutihan ko ang pag aaral.  Thanks to Sheen din dahil sa pagpayag maging study buddy ko.  Ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.

Katulad ngayon magkatabi kami habang nagrereview kaso bigla syang nagreklamo.

"partner? Times up muna tayo"

" ha?  Bakit? " tanong ko

" nakakaantok na haha" sabi nya

"bahala ka basta ako mag aaral" sagot ko.

Then bigla syang tumayo at lumipat sa tapat ng inuupuan ko. Nakapatong yung ulo nya sa lamesa habang may sinusulat. Hindi ako makapag focus kasi tumitingin sya sa akin tapos ngumingiti. Aba pinagtitripan ata ako, mukhang dino drawing ako ah. 

Nagulat sya ng bigla kong agawin yung ginagawa nya.   Pero imbes na agawin nya , ngumiti lang sya sa akin.
Naka lettering yung name naming dalawa. 

"Anong trip mo? " tanong ko

"wala naman.  Lagi kasi tayo magkasama kaya dapat lagi din magkasama names natin. "paliwanag nya

"okay " tapos binalik ko sa kanya at bigla nyang dinagdagan ng
' PARTNERS FOREVER '

",partners forever? " naiiling kong tanong.  Para kasing bata. 

"oo kasi ako, lagi lang akong andito sa tabi mo.  Minsan sa kaliwa, minsan sa kanan.  Minsan nasa likod mo para suportahan ka sa mga ginagawa mo" sabi nya.

"Para kang bata.  Haha.  Teka bakit naman wala sa harap? " sakay ko sa trip nya.

" hmm ayokong ikaw ang nasa likod ko . Gusto ko kasi makita lahat ng ginagawa mo. Gusto ko nasa tabi o nasa likod mo lang ako para maramdaman mong nandito lang ako lagi para sayo.  Ayoko sa harap baka kasi isipin mo balewala ka" paliwanag nya. 

Isip bata pero napakalambing na babae.  So i pinch her nose. 

"thanks partner " sabi ko

"welcome.  Friends forever? " tanong nya

"forever " sabi ko.

Nagulat ako ng tinaas nya yung pinky finger nya. 

"what for? " tanong ko

"para sa promise. Gawin mo na lang" sabi nya so ginawa ko nalang.

"isip bata" biro ko

" mahal ka naman" sabi nya habang tumatawa ,nabigla ako sa sinabi nya.

  " bilang kaibigan " dagdag pa nya at kinindatan ako.

Di magkakagusto sa akin ito at sigurado ko dun. Si Mike ang gusto nya.  Sanay na ako sa mga ginagawa at sa atensyong binibigay nya sa akin.  Ang sarap magkaroon ng kaibigang katulad nya

Now That I Have YouWhere stories live. Discover now