CHAPTER 26

41 0 0
                                    

            ***ALLEN'S POV***

Hanggang ngayon di ko pa rin nakikilala yung babae :-( pero okay lang yun kasi mas nakikilala ko yung bestfriend ko. 

Maaga kong gumigising para ipagluto sya ng kakainin namin ng lunch, hinahatid sya sa kanila para turuan syang magluto. Nasasanay na ako sa malambing na babaeng yun at sa atensyong binibigay nya sa akin. 

Nag iisip ako sa kusina kung ano ang lulutuin ko nang biglang tumabi sa akin si Lex. 

"Kuya,  problema? " tanong nya

" Di ko alam lulutuin ko " sagot ko. Tinignan nya ko ng parang nagtataka.

"Bakit ka pa magluluto?  E pinagluto naman tayo ni mommy bago umalis? "
" Ang iniisip ko kung anong lulutuin ko para sa lunch namin ni Sheen "

" hmm I smell something fishy " tas nginitian ako

"wala naman a" sumisinghot ako para malaman kung anong naaamoy nya

"Baliw.  Nililigawan mo ba si ate? " tanong nya

" hindi.  Bestfriend ko yun"

" tss.  Di mo crush? " pangungulit nya

" kaibigan ko nga yun" ulit ko

" para kasing inlove ka "

" nagluto lang inlove na? " tanong ko

" ang laki kasi ng pinagbago mo. Di ka na masyado nagbabar tas nag aaral ka pang mabuti " 

"kanino naman ako maiinlove? " takang tanong ko

" Kay Ate Sheen " 

" Lex magtigil ka nga " inis kong sagot

" para kasi kayong mag on kung kumilos e. Hinahatid mo pauwi, pinagluluto mo, sabay nag aaral, lumalabas paminsan minsan.  Tapos di kayo? " pinanliitan nya ko ng mata habang tinatanong yan. 

" di nga.  "  sabay gulo ko bg buhok nya " masyado ka lang malisyoso"

" gawain ng inlove yun.  Naexperience ko na yan e " sabay ayos ng buhok nya.  Napapailing na lang ako sa pinagsasasabi nitong kapatid ko.

"O sige ganito nalang, masaya ka ba kapag kasama mo sya? " tanong nya uli

" syempre bestfriend ko yun "

" gusto mo na sayo atensyon nya? "

" di ako selfish bro" sagot ko

" No. I mean kahit konti gusto mo napapansin ka nya?  "

" medyo"

" gusto mo lagi syang masaya? " nakangiting tanong nya

" syempre! " 

" katulad ba sya ng mga babaeng nami meet mo dati? "

" No.  She's different " sagot ko

" paanong iba? "

" Dati kasi kaya sumasama ko sa mga girls for fun lang.  Ngayon gusto ko talaga kasi mahalaga sya " paliwanag ko

" edi mahal mo nga! "  sabay ngiti. 

" syempre mahal ko yun.  Bestfriend ko yun e!  "  . Kulit nitong batang to. 

" Ewan ko sayo.  Napaka in denial.  Menudo nalang lutuin mo.  Penge ako"
Tapos umalis na sya.  Tsa in love daw ako Haha.  Malisyoso! 

---------------------------------------------------------

Hindi ko dinadala yung car ko kasi hiniram ni mommy kasi sira yung sa kanya. 

Nung breaktime pinuntahan ko si Sheen sa room nya para sabay na kami maglunch.  Then pag uwian hinahatid ko sya kasi nga tinuturuan ko sya magluto.  Kaso biglang umulan ng malakas.  Sabi sa TV may bagyo daw pero pinilit kong umuwi kasi for sure hinihintay na ako ni mommy. Pinahiram lang ako ni Sheen ng payong nya. 

Shete wala ng masakyan.  Punuan mga sasakyan.  At dahil malakas ang hangin nasira yung payong ni Sheen.  No choice. Since basa na ako, papaulan na lang ako.

Umuwi ako sa bahay ng basang basa at pinagtawanan pa ko ng mabait kong kapatid.  Mukha daw kasi kong basang sisiw. 

Umakyat ako sa kwarto para mag shower ng biglang tumawag si Sheen.

"hello Allen? Nakauwi ka na ba?  "

"oo, achoo" hayss

" hala.  Sinisipon ka  na . Maligo ka na tas uminom ka ng gamot"

" ok lang ako. Ingat ka dyan ha?  .goodnight "

" goodnight " sabi nya at binaba na ang tawag.

Pagkatapos ko magshower bumaba ako para uminom ng tubig.  Kakakuha ko palang ng tubig sa ref nang biglang magbrown out.  Since girl scout ang mommy ko may laging nakaready na flashlight in case of emergency.  Tinuro na nya sa amin yun ni Alex kaya pag emergency alam namin kung saan kukunin.

Ginamit ko yun para makita ko ang dinadaanan ko paakyat.  Pumunta ko sa kwarto ni Lex pero nandun na din si mommy na may dalang maliit na flashlight.

"Boys,  ayusin nyo yung generator para magkailaw tayo " utos nya

So sinunod namin sya.  Nung nagkailaw na bumalik na si mommy sa room nya.   Tapos si Lex biglang tumakbo.

"Huy san punta? " tanong ko

" sa kwarto ko.  Tatawagan ko lang si Ja, kuya.  Kakamustahin ko lang"  tapos nagmamadali na umakyat .

Si sheen kaya kamusta. Mag isa pa naman yun sa bahay.  Tawagan ko nga. 

" Hello" sagot nya

" hello.  Kamusta? " tanong ko.

" ok lang.  Iniintay magkailaw.  Nandito ko sa sala.  natatakot ako sa kwarto e"

Di na ko sumagot at binabaan syang phone.  Dumiretso ko sa room ni mommy. 

" myy may pupuntahan lang po ako. Hiramin ko po sana yung susi ng car ko"

" where?  Ang lakas ng ulan sa labas anak, baka mastranded ka" sagot nya

"mommy please.  Importante lang po"

" saan nga? "

" kay sheen po.  Mag isa lang po kasi sya s bahay.  Kawawa naman po yung bestfriend ko.  babae pa naman yun" paliwanag ko

" okay. Wala sa akin yung key, na kay Lex.  inutusan ko kasi sya kanina e"

" sige po.  thank you myy" paalam ko sabay kiss sa kanya

" anak ingat sa pagda drive ha?  "

"yes myy.  I will"

Tumakbo na ako papunta sa room ni Lex, hawak yung phone kausap si Ja. 

" bro peram susi"  sabi ko

"ha?  Wait"

" anong wait?  Hindi pwede.  Ngayon na.  Pag may nangyaring masama sa kanya, lagot ka sa akin" sabi ko

" wait lang girlfriend ha? " sabi nya sa kausap nya sa phone.  Tapos humarap sa akin " kanino? "

" kay Sheen.  Mag isa lang yun sa bahay "

Nginitian nya ko at pumunta sa drawer nya. 
" Here. " inabot sa akin ang susi.  " sabi na inlove ka e .haharapin ang malakas na ulan para sa kanya.  Naks naman! " sabay suntok ng mahina sa balikat ko. 
Nagmamadali na akong lumabas ng bahay at pumunta sa bestfriend ko. 

Now That I Have YouWhere stories live. Discover now