CHAPTER 30

35 0 0
                                    

***ALLEN'S POV***

Peste. First time ko naramdaman ito. Yung pakiramdam na ang sarap manapak dahil may kumuha Ng atensyon niya , Yung parang dinudurog Yung puso mo kapag nakikita mong may ibang nagpapangiti sa kanya at Yung pakiramdam na gusto mo siyang ipagdamot sa buong Mundo Kasi gusto mo ikaw Lang Yung titignan, kakausapin at ikaw Lang Yung nagpapangiti sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin?

Wala ako sa mood making sa Prof. Sa iba lumilipad yung isip ko.

Pagkatapos Ng klase dumiretso ko sa field para magpalipas oras. Humiga ako sa damuhan sa ilalim ng isang puno. Nakapikit ako pero mukha niya pa rin ang nakikita ko. Inaalala ko Yung features Ng maamo niyang mukha. Magandang mga mata, matangos na ilong, Yung labi niyang nakakatempt halikan Ng paulit ulit. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko . Unti unti akong dumilat at nakita ko siya.

Nginitian niya ako . " Pinoproblema mo ba yung problema ng kaibigan mo? Hindi mo man Lang ako nilingon nung tinawag kita kanina" Kita ko sa mga mata Niya na nalulungkot siya.

Hindi ko siya sinagot . Nag iwas ako ng tingin at sa paligid ko nalang itinuon ang attention ko.

"Binili nga pala kitang donuts and drinks ,di mo kasi inubos pagkain mo kanina" nilapag niya yun sa tabi ko.

Umupo ako at tinignan ang paglubog Ng araw.

"Bakit ikaw Yung mukhang problemado? Eh problema Yun Ng kaibigan mo di ba? Sabihin mo nga pala sa friend mo na dapat di niya pino problema yung mga bagay na di pa nangyayari Kasi pwede nitong maapektuhan ang kasalukuyan" paliwanag niya . Ramdam Kong nakatingin siya sa akin.

Lumingon ako sa kanya " Tignan mo ang paglubog Ng araw." Sabay kaming tumingin sa paglubog nito . " Para siyang pangyayari sa buhay Ng to. May makikilala ka ngayon ,kinabukasan Wala na siya sa tabi mo. Sana fair ang buhay. Yung tipong Mahal ka Rin Ng taong Mahal na mahal mo. Hindi Yung Mahal mo siya pero may iba siyang gusto. Sana kasing bilis nalang ng paglubog Ng araw Yung pagkawala ng sakit na nararamdaman natin para sa taong Mahal natin"

"Partner" rinig Kong tawag niya at hinawakan ako sa balikat. Lumingon ako sa kanya at ngumiti
Ng mapait kasabay Ng pagpatak Ng luha ko. Kita Ko Kung paano mag unahan tumulo Yung mga luha niya nung nakita niyang umiyak ako.

"Sana , Sana ganun nalang ang buhay para Wala Ng nasasaktan" paliwanag ko at pinunasan ko ang mga luha niya.

Natigil ako ng biglaang may umakbay sa aming dalawa. Si Mike. Umupo siya sa gitna namin .

"Hey anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? " Tanong ni Mike

"Wala napuwing Lang" sagot ni Sheen habang pinupunasan Yung mata niya.

"Sa akin nalang ito ha? " Paalam ni Mike sabay kagat Ng donut .

"Mike ,Kay Allen Yan" awat ni Sheen tapos lumingon sila sa akin.

"Pare ok Lang Naman di ba? " Paalam ni mike. Tumango ako sabay Tayo at tumalikod sa kanila. Pero tumigil ako at humarap Kay Mike.

" Ok Lang pero Sana Mike matutunan mo na lahat Ng bagay na di sa iyo di mo dapat biglang inaangkin. Kasi ako natutunan ko yun Kaya nga bumitaw na ako. Ayokong angkinin yung mga bagay na Alam kong pagmamay ari na ng iba kahit na gustong gusto ko pa" paliwanag ko tinapik ko siya sa balikat at nagsimula na ulit akong maglakad palayo.

Masakit magpaubaya . Pero kailangan dahil Alam kong gusto siya Ng bestfriend ko.

Now That I Have YouWhere stories live. Discover now