Prologue

146 9 0
                                    

Ito na yata ang huling lobong maipapalipad ko. Ayokong bitawan, ayokong pakawalan, ayokong iwan, ngunit huli na ang lahat para isalba ko pa ang ibang humayo na sa kalawakan. Bawat lobo, isang ngiting lumisan. Bawat lobo, isang hindi maiwang nakaraan, isang mapait na kasalukuyan. Makasarili ba ako kung hihilingin kong mawala na lamang muli ang lahat ng aking mga nalaman? Makasarili bang hingin kong maging lobo na lang din nang sa gayon ay mabitawan ko na rin ang aking sarili?

Oo, Rynn. Makasarili. Sobra.

Dahil ito ang katotohanan, ito ang buhay pagkatapos ng isang masayang panaginip. Ito si Cinderella pagkatapos pasuotin ng bistidang gawa sa ilusyon. Isang alila-- alila ng kasalukuyan. Alila ng katotohanan.
Alilang walang takas.

At wala ka nang prinsipe ngayon, Cinderella. Ang tanging naghihintay sa iyo—aminin man niya o hindi—ay isa ring alila. Alilang nagpaalipin sa sarili nang dahil sa iyo. Alilang kailangan ng tulong mo.

Kaya hayaan mo na lang yung mga lobo.

His Innocent SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon