VIII. EXPLOSION

44 6 2
                                    

VIII. EXPLOSION

“Alam mo ba kung ano dapat ang ginagawa mo ngayon, Tristan? Imbes na magmukmok ka rito, bumalik ka doon at patunayan mo ang sarili mo.  Show her she’s wrong. Ipakita mo kay Rynn na hindi sa kanya umiikot ang mundo; that you just like her, but you’re not crazy for her. Iparamdam mo sa kanya that there is still a side to Tristan that she haven’t seen. The side that she has been overlooking for so long. The side that can be so special yet so cold. Kaya mo ba ‘yun?”

Yumuko lamang si Tristan habang patuloy na nakahilig sa pader. Inis na rin sa sarili.

“Hindi ko alam, kuya. Gustung-gusto ko kasi talaga siya. Kaya siguro ako nagiging ganito ka babaw. Kaya siguro ako nasasaktan nang sobra.”

Jasper faked a smile. It took a lot of effort for him not show a bit of who he really is at sipain sa mukha ang batang ito. ‘Pasalamat ka lang talaga at wala kang alam. Dahil kung hindi, hindi mo aasahan ang mga pwede kong gawin sa’yo.’ Naisip niya.

“Marami pa namang iba diyan eh. Why don’t you try to look at other girls? Hindi lang naman si Rynn ang pwedeng magpasaya sa’yo.”

Umiling lamang ang walang hiya. Ang kapal talaga ng mukha! “Hindi kuya, eh. Kasi kung hindi rin lang naman siya, mas mabuti pang wala na lang. Ibubuhos ko na lang ang buong atensyon ko sa pag-aaral. Siya lang naman kasi ang naging inspirasyon ko, eh. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang proud pa siya na ayaw niya sa akin, na ganun na lang kababa ang tingin niya sa akin. Dahil ba hindi ako kasing cool at kasing galing niya? Kawawang umaasa raw ako, kuya.
Siguro nga tama siya. Tama siya kaya masakit.”

Sa labas, ngumingiti siya at tumitingin kay Tristan nang may pagmamalasakit at pag-unawa. But deep inside, he was wringing the neck of the poor child. The nerve! Sa dami ng pwedeng artehan ay iyon pang pagmamay-ari niya. He deserved to hear what Rynn have said. Kahit pa sabihing hindi iyon para sa kanya. Dapat kasi, alam niya ang boundaries niya.

“Huwag mo na lang ipilit ang sarili mo kay Rynn, Tristan. Kung para talaga siya sa’yo, tadhana mismo ang maglalapit sa inyo. But make that rejection as your motivation. Ipakita mo sa kanya ang magandang epekto ng lungkot na ibinigay niya. Do well in class. Enhance your skills. Show her what pain can do to you.”

Tristan sighed and look at him with such grateful eyes. How pathetic!
“Salamat kuya, ha? Kahit kailan talaga, andyan ka palagi para sa amin.”

Whatever.

“No worries. But one last advice, my friend. Don’t be too sensitive. Bata ka pa. It’s going to be a bigger world out there at hindi lang babae ang sisira sa’yo. Maraming bomba ang nakatanim sa mundo para sa lahat ng tao. Dapat ay pagtu-unan mo rin ng pansin ang posibilidad na anumang oras, maaaring sasabog ang mga ito. Dapat gawan mo ng paraan upang mas lalong kang tumatag ka sa bawat araw ng buhay mo. Para pagdating ng pagsabog na iyon, handa ka, at hindi ka basta-basta madudurog”

That one came out naturally and with sincerity. Kahit na inis na inis siya sa batang ito at sa pagiging vocal niya sa nararamdaman kay Rynn, ayaw niyang mangyari rito ang nangyari rin sa kanya. If only he could save everyone he has ever met from the trauma he had been though, itataya niya mismo ang sarili para rito. Kung pwede lang maging human shield para sa lahat, siya na mismo ang pupunta sa unahan.

But the world doesn’t work that way. One way or another, people as innocent as Tristan might be the next victim of something so horrible. And the reality is, wala na siyang magagawa para baguhin ito.
Magpapasalamat na naman sana si Tristan nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Buti naman.

His Innocent SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon