IV. KIND

41 7 8
                                    

A lot of people believe that every person has a story to tell. Lahat daw tayo, may tinatago, may sariling insecurities, sariling mga problema, at sariling pighati na hindi alam ng ibang tao. I wouldn’t disagree. However, as much as I know that every person has a story to tell, I also strongly believe that every person has to tell a story. Totoo man, o kasinungalingan. Seryoso man, o kalokohan. One way or another, kailangang may sabihin tayo sa iba. Kailangang makuha natin ang atensiyon, ang awa, ang pagmamahal, o kahit ang inis nila. Kailangan ay palagi tayong may baong kwento na paniniwalaan ng lahat; because let’s face it, usisero ang mundo at naghihintay ito ng tsismis mula sa iyo. At kung wala kang baong kwento, wala kang kwenta, at buong mundo na mismo ang gagawa ng talambuhay mo.
Kagaya ngayon. I am not in the mood to talk at all, kaya ayan at ang saya nina Stephen, putting words into my mouth.

“Lexie, silence means yes, ha? Ibig sabihin may pag-asa ang kaibigan namin sa’yo? Anyway, we don’t take no for an answer. Don’t worry, bagay kayo ‘nun, Lexie. That person will surely complete you. Baka nga siya pa ang magpapatahimik sa’yo”

Nilakasan ko na lang lalo ang volume ng pinapakinggan ko. I’m not going to deal with them right now. I've decided not to waste my energy on anything today.

May kung ano pang sinabi si Stephen nang nakita ng peripheral vision kong tumayo si Kuya Jasper. As if by instinct, ni-mute ko agad ang kanta. Teka nga, Rynn, para saan pa? I debated with myself for quite a while, and decided it wouldn’t hurt to listen to what Kuya Jasper has to say.
“Stephen, enough of that. Take your seat, please, or else I will give you an A for today. But only in the attendance sheet.”

My classmates giggled and Stephen playfully pouted like a little boy, pero hindi na rin naman nagmatigas pa. And then, kuya Jasper headed to the teacher’s table.

“Ms. Rodriguez contacted me just now. She is still not available for today,” That earned loud cheers mula sa mga tamad kong kaklase na hindi na naman siguro nag-aral para sa recitation “BUT she said that the recitation will carry on as usual. I will be the one to grade you.”

Mistulang may kung anong hiwagang nagpatigil sa pag-iingay nilang lahat. Kung kanina lang ay wala akong gana para sa araw na ito, ngayon ay biglang napa-hagikhik ako, at di naglaon ay tumawa na parang sira. Kung hindi pa ako tiningnan ni Kuya Jasper ay hindi pa ako tumigil.

“Lexie, kahit kalian talaga sadista ka!” Pabirong pang-aaway ni Winny.
“Oy, hindi ah. Antagal na kaya niyan. There’s no reason na hindi parin tayo handa hanggang ngayon. Unless,” I glanced towards Stephen’s group “you’re part of their group. Kasi palaging may rason iyang mga ‘yan.”

That triggered something. I’m so sure it did. And it’s so satisfying.

“Naku, kung hindi lang ako gentleman, papatol talaga ako sa babae!” Inis na sambit ni Stephen na agad namang ni-baby ni Ethan.
“Tol, kalma ‘tol. Magbabago rin ‘yan kapag sinagot na si ano.”
“Ay! Oo nga! Ayieeee”

Sinagot sino? Mukha niyo!

Tiningnan ko siya nang matalim at mataray na tinaasan ng kilay, “Aba, gentleman ka na sa lagay na ‘yan?” Huwag mo akong subukan. Alam nating dalawa na hindi mo pa kinaya ang pagtataray ko.

“Hay naku, Lexie Gererra. Hindi na kita papatulan pa. Tumingin ka lang sa paligid. Nasa tabi-tabi lang ang puputol diyan sa mga sungay mo.”

Wait, ano raw? Ano bang pinagsasabi nito? Are they seriously implying na may nagkakagusto sa akin dito sa classroom? Eh, kung totoo man ‘yun, ano naman ang paki-alam nila roon? Mga intregero talaga kahit kalian.

Tsaka ano to? Kakantahan pa talaga ako ng buong squad nila? Should I at least act like I’m flattered?

“Ligayang noo’y nasa huli,
Sambit na ng iyong mga labiiii!
Parang isang panagiiiniip ang muling mapagbigyan
Tayo’y muling magkasama
Ang dati ay balewala!”

His Innocent SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon