VI. UNIDENTIFICATION CARD

46 5 2
                                    

May mga bagay talaga na kung pwede lang angkinin at ipagpilitang maging para sa atin ay susunggabin talaga natin. Kung pwede lang umayon sa atin ang mga pangyayari, kung pwede lang linlangin ang pagkakataon, siguro naging tuso na rin tayo at nakipag-agawan sa tadhana. Ngunit hindi basta-basta naiisahan ang mundo. Hindi porket gusto mo ang isang bagay na hindi nakatadhana para sa iyo, kakayanin mo ng nakawin ito. Hindi porket malakas ka, matalino, at pursigido ay kaya mo nang manipulahin ang mga pahina ng librong matagal ng isinulat para sa iyo. All we can do in this uncontrollable world is to face what awaits us head on. Knowing that nothing is ever certain. And having enough belief in ourselves to realize that we are never too weak, only too frustrated.

Ang kailangan natin ay ang pagkamulat sa katotohanang kapag nahulog ang isang bagay sa palad mo, hindi iyon nangangahulugang tanga ka. Ibig sabihin lang noon, hindi sa kamay mo itinadhana ang bagay na iyon, kundi sa lupa.

Sabi nga, “Whatever misses you was never meant for you. And what is meant for you never misses you.”

So maybe I should just let this go and accept the fact NA HINDI NGA KASI PARA SA AKIN ANG MATH!!!

Ano pa ba kasi ang pinaglalaban ko, eh hindi naman ito related sa kursong balak kong kunin sa college? 1:48 a.m na ngunit nagkukulong pa rin ako rito sa kwarto habang tutok na tutok sa formulang ito. Maybe I should call it a day.

No. You shut up, Rynn Lexie. You’re almost there, eh! Konti na lang yan. May isang digit lang siguro akong na-miss kung kaya kahit na ang choices ay:

a. 0.00578
b. 0.00898
c. 0.00993

Eh ang sagot ko ay 39! BAKIT?!
Maybe I’m overdoing it pero hindi ko lang kasi maintindihan.

May kung anong bumubulong sa akin na kailangan kong patunayan ang sarili ko sa aspetong ito dahil ito talaga ang isa sa mga puno’t dulo kung bakit ko nararamadaman lahat ng insecurities ko. My mom once revealed how she badly wanted a Math whiz daughter after kuya showed more inclination in geography. She would have trained me to be the next international math competition winner after her last victory 20 years ago. Pero malabo ng maging totoo ang pangarap na iyon. As usual, I have let her down. I have never been good enough. Maybe I will never be.

That thought alone made me go downstairs to our library by instinct and a look for a math book. Umaasa na kahit sa kaunting pagkakataon ay maipakita ko sa sarili ko na kaya ko rin ito. Siguro hindi pa naman nakasulat ang kahihinatnan ko sa Math. Siguro kaya ko pa rin namang baguhin ang tingin ng mga tao sa akin, o kahit na ang tingin ko sa aking sarili.

What I found was an old advance algebra textbook with my mom’s name written along the edge of all the pages. I hurriedly went back up to my room to see if this can give me what I need to know. Umupo ako nang matuwid at buong tapang na humigop pa ng kape at tinitigan nang maigi ang libro. I am claiming it. Magiging highest ako sa math sa semester na ito and I will do all that I can to make that happen.

As I scanned through the book, may nahagip akong isang bookmark na nakaipit sa gitna mismo ng dalawang pahina, but I flipped the pages too quickly that I missed the thing. I scanned again to find it and realized it wasn’t a bookmark at all.
It was an I.D.

Sa ibabaw nito ay may nakasulat na 'Ynnigo’s Academy for the Gifted'.

Wait, Ynnigo? That’s my mom’s maiden name! Ano kaya ang ibig sabihin nito? What’s even more intriguing is that the picture, pati na ang buong pangalan ng may-ari ay binura gamit ang itim na marker.

Kaninong I.D kaya ito? Could it be my mom’s? That’s the best possible conclusion that I can come up with pero hindi naman niya nasabi sa akin na naging student pala siya sa isang school para sa mga may special skills. And to think it has her maiden name. Could it be that my grandparents used to own an academy for geniuses? And if that was ever true, bakit nakabura ang picture pati na ang pangalan ng nanay ko? Did she also have certain insecurities back then? Iyong katulad ng mayroon ako ngayon? Did she also feel unworthy?

His Innocent SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon