I. Kuya

101 7 11
                                    

(Lexie)

Ayoko na. Nakakapagod magpaliwanag. Nakakapagod na ring makisama. Bakit ba kasi ang hirap ipaintindi sa mga tsismosong iyon na hindi nga ako ganoong klaseng tao?! Hindi ako naiingit kay kuya Jasper and my parents did not raise me to be a sore loser. Kuya siya ng buong classroom and I only have respect for him. Hindi ako kailanman nakipag-compete sa kanya. At lalong hindi lahat ng top one, natatakot maungasan! Bakit lahat na lang ng sinasabi ko binibigyan nila ng kahulugan? Nagbigay lang naman ako ng opinyon ko ah, bawal na ba yun ngayon?

"Lexie, ano ba! Sorry na sabi." Isa pa 'to eh. Sinundan pa talaga ako. Sabihin mo yan diyan sa nunal mo, baka maniwala sayo. Badtrip. Akala ko ba magkaibigan kami nitong si Winny? Bakit imbes na ipagtanggol ako, siya pa yung naging spokesperson ng mga sumira ng araw ko kanina? Bahala ka nga diyan. As if naman lilingon ako at kakausapin kita.

"Lexie naman eh! Matalino ka nga pero bakit napaka-immature mo?"

Aba? Ako? Immature? Ba't di mo nagawang sabihin 'yan doon sa mga totoy sa loob na ka laki-laki ng mga katawan pero mga tsismoso?!

Bago pa ako hindi makatimpi at humarap kay Winny upang isigaw ang lahat nang iyon sa kanya, ay tuluyan na akong tumakbo.

Ewan ko ba sa mga kaklase ko. Kung bakit pinipilit nila na may rivalry sa amin ni Kuya Jasper ay hindi ko talaga maintindihan. Nasanay siguro sila sa mga nakikita nila sa teleserye na konting angat lang ni bida, halos magpakamatay na si kontrabida. Syempre, alangan namang si kuya Jasper ang maging kontrabida sa amin diba? Eh siya yung tinitingala at nirerespeto ng lahat. Siya yung perfect description ng "ideal top one". And of course I know it's with good reason. Agree naman kasi ako roon. Mysterious si kuya, pero hindi naging masungit o madamot sa kaalaman. Tahimik, pero hindi naging arogante. Mayaman, pero hindi galanteng galante, at galing lahat ng pera sa sariling pinaghirapan. Matipuno, gwapo, genius, crush ng girls, role model ng guys, effortless intellect, and simply perfect! Habang ako, typical rich kid na naging top lang yata dahil bida-bida ako sa klase.
Siguro, sa imagination nilang lahat, kumbinsidong kumbinsido sila na ako itong mainggiting antagonist. Habang si kuya Jasper-ang perpektong kuya ng lahat-ay yung bidang alam kung saan siya lulugar. Ang bidang tanggap kahit ano pa ang maging kalalagyan niya. Ang bidang mapagparaya.

PERO HINDI NGA KASI AKO NAIINGGIT SA KANYA! Nakakainis naman oh; ba't ba hindi nila makita yun? Vent-buddy ko kaya yung si kuya! Kahit hindi naman siya open na tao, nakakapagshare ako sa kanya ng mga bagay na hindi ko magawang sabihin sa iba naming mga kaklase. May pagka-clingy pa nga ako sa kanya eh. Minsan nga, sa tingin ko, pinagta-tiyagaan na lang talaga niya ang presence ko. Not that he hates me, but he always seems in need of some time alone. Ako kasi, mahilig akong ipagsikisikan ang sarili ko sa mga taong magaang kasama. Yung hindi ka iju-judge at nirerespeto ang mga opinyon mo. Yung hindi ipamumukha sa'yo na masama ang ugali mo kahit hindi naman.

Yung hindi kagaya nina Winny.

Teka, makapagsumbong nga.

"Kuya Jasper!" Tawag ko agad mula sa hindi kalayu-an nang nakita ko siyang nakahilig na naman sa safe zone niya roon sa ilalim ng 100 year-old acacia.

Kaso ewan ko ba, hindi na yata safe zone yan ngayon. Ang kulit ko rin kasi eh. Di bale na, mabait naman si kuya.

"Oh Rynn, anong problema?"

Ayan, isa pa 'yan sa mga gusto ko kay Kuya Jasper. Mabuti na lang din talaga at may nag-iisang tao sa campus na ito na hindi Lexie ang tawag sa akin. Medyo ambantot talaga ng pangalan kong yun. Ba't ba kasi nakisali pa yung tita ko sa pagpapangalan sa akin? Rynn Lexie Gererra. Ayoko sa Lexie, masyadong pambata!

"Kuya, sina Winny kasi eh!" Padabog kong tugon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla ko na lang naramdaman ang pagkabasa ng aking mga mata. And before I knew it, umiiyak na ako nang todo habang nakayakap kay kuya.

His Innocent SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon