"Jennie Kim anong ginagawa mo sa sasakyan namin?" takang tanong ni Lisa kay Jennie.
"Sino kayo? Kilala nyo ko?" balik na tanong din nito sa kanilang tatlo.
"Seryoso ka hindi mo kami nakikilala?" tanong din ni Seulgi mabilis namang umiling si Jennie.
"Huan High School Batch 2013-2014" naka ngiting saad ni Jisoo.
"Section B kaklase mo kami dati"
"Kang Seulgi, ang pinakamahusay maglaro ng baseball. Ang ACE player nyo nung high school" pagpapakilala ni Seulgi sabay turo sa kanyang sarili. Napakunot ang noo ni Jennie habang nakatitig kay Seulgi
"Tanga hindi ka nya natatandaan" bulyaw ni Jisoo kay Seulgi.
"How about me" baling ni Jisoo kay Jennie.
"Kim Jisoo is the name ang magandang gwapo galing sa drama club" agad na namang umiling si Jennie.
"Aissshhh ang hirap namang magpakilala sa babaeng to" bulong na reklamo ni Jisoo.
"Teka, sandali ikaw ba yung pangit umarte dati sa teatro si Kim Jisoo yung laging kontrabida?" hindi siguradong tanong ni Jennie na ikinatango naman ni Jisoo.
"Oo ako nga yun" masayang tugon nito.
"Buwang tuwang tuwa ka pa eh nilait ka na nga" bulong ni Seulgi sa tenga ni Jisoo na ikinatingin nito ng masama sa kanya.
"Eh sya nakikilala mo?" tanong ni Seulgi sabay turo kay Lisa na seryosong nakatingin lang kay Jennie, mariin itong pinagmasdan ng dalaga.
"Taga music club yan yung laging may bitbit na gitara, lead vocalist ng isang banda sa school natin dati" pagpapaalala ni Jisoo.
"Lalisa? Lalisa Manoban?" patanong na sagot ni Jennie.
"May tama ka" masayang wika ni Jisoo na parang nasa isang game show.
"Naaalala mo yung kumanta kanina sa harap mo, yung may takip yung mukha?" tumango naman si Jennie bilang tugon.
"Sya yun, sya si Mask Man" pangbubuking ni Jisoo sabay turo kay Lisa.
"Tang*na mo papatayin kita kapag hindi ka tumigil" mahinang bulong ni Lisa sa pasaway na si Jisoo, puno ng pagbabanta ang boses nito na ikinatigil ni Jisoo.
"Totoo ikaw yun?" hindi makapaniwalang turan ni Jennie.
"Ahh.." hindi alam ni Lisa kung aaminin nya ba o itatanggi ang ginawa nyang pagkanta sa kasal nito kanina.
"Ahh.. anong ginagawa mo dito sa kotse namin?" pag-iiba nya na lang ng usapan.
"Bakit ka nandito? Nasaan ang asawa mo?" magkakasunod nya pang tanong sa harap nito. Nagpalinga linga ang dalaga saka nagsimulang umiyak.
"Hi.. hindi ko alam" humihikbing sagot nito.
"Ang huling natatandaan ko lang ay mabilis akong kinuha ng isa sa mga tauhan ni Papa at itinago rito sa loob ng compartment nyo, nakabukas kasi ito kanina habang nagkakagulo sa loob"
Naalala ni Jisoo na hindi nya nga pala nasara ang compartment kanina pagkakuha nya sa bato mula doon sa sobrang excited nilang makuha ang perang kabayaran para rito.
"Yung asawa mo nasaan?" takang tanong ni Seulgi.
"Hindi ko din alam, bigla na lamang nya akong binitawan kanina kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya"
Sabay sabay na nagkatinginan ang tatlo habang patuloy pa rin sa pag-iyak si Jennie. Medyo malalim na din ang gabi kaya napagpasyahan ng mga itong isama na muna sa guest house ang dalaga.
BINABASA MO ANG
The Waikapu Guest House (COMPLETED)
Fanfic(Prologue) Sa gitnang bahagi ng Seoul, Korea matatagpuan ang isang bahay paupahan. Isang bahay paupahan na pinangalanang Waikapu Guest House, pagmamay-ari ito ng magkakaibang sina Jisoo, Lisa at Seulgi lahat ng perang naipundar nilang tatlo ay nilaa...